We Don't Talk Anymore (ft. Selena Gomez)
Charlie Puth
1:55 ────|──── 3:37
|◁ II ▷|
ELY
"Aching!"
Nasa canteen kami ngayon ni Claire at kasalukuyang kumakain ng lunch namin. Yung nga lang, hindi ako makakain nang maayos sa kakabahing ko.
"Nu ba 'yan! Wag sa harap ng pagkain, Ely! Baka mahawa ako sa virus mo!" sabi ni Claire sabay takip sa mga pagkain niya.
"Shunga, binabahing lang ako. May virus na agad? Sa bagay, 'pag gwapo, landi agad," sabi ko pa.
"Hoy, FYI hindi ako malandi, Mister Elmo Sanchez!"
"Psh, nagsalita ang sinungalin-- Aching!"
Panira moment naman 'tong bahing ko! Sino ba kasi yung todo isip sa akin?!
"Bigay ka number," sabi ko kay Claire pagkatapos kong bumahing.
"12..."
Binilang ko ang letters sa Alphabet at tumapat ang 12 sa letter L.
"Oy sino kaya yang letter L na yan? Si Lord?" sabi ni Claire sabay lamon ng pagkain niya.
"So ano, balak na akong kunin ni Lord? Ganun?"
"You two are religious, huh?" rinig kong boses galing sa tabi namin. Si Luke, na nakatayo sa tabi ng table namin.
"Ha-- I mean, hi Luke!" bati ni Claire sabay lahad ng kamay. Sabi ko nga ba, malandi talaga 'tong babae na 'to.
"Hello. And you, Miss, I mean Mister Sanchez. Glad to see you here!" sabi niya saka inilahad ang kamay niya sa akin. No choice, kaya nagkipag-shake hands na lang ako.
"Hey, Luke, hinahanap na tayo ni Coach," singit naman ng isang bagong dating na varsity rin.
"Pa'no ba 'yan, maiiwan ko muna kayo. Have a yummy lunch!" sabi ni Luke sa amin sabag kindat, saka umalis.
Ano kaya trip ng isang 'yon? Bigla-bigla na lang susupot tapos aalis din naman agad.
"OMG, kita mo 'yun? Kinindatan ka niya! Feel ko bet ka niya!" sabi ni Claire.
"Mukha mo bet niya. 'Wag ka ngang assuming 'jan. Yung mga babae sa tabi natin yung kinindatan niya. Ayun oh!"
Sabay kaming lumingon sa katabi naming table. Parang sinapian kung kiligin itong mga babae sa gilid namin. Isang kindat lang, tinamaan na agad.
"Ay, akala ko sa atin. Pero, in fairness, nagawa niyang magpapansin sa atin. Sino kaya yung bet niya. Ako or ikaw?"
"Malamang, ikaw," sagot ko at napairap na lang.
"Psh, ewan ko sa'yo. Siya na nga yung tao na parating nag-iisip sa'yo kaya ka binabahing," dagdag pa niya.
Hindi ko na lang pinansin pa ang mga sinabi niya at tinapos ko na lang ang pagkain. Hirap talaga 'pag may bestfriend kang maharot.
"Nga pala, send ko sa'yo mamaya yung gig kagabi. Grabe, sana sumama ka sa akin dahil mag-isa lang akong kinilig do'n," sabi ni Claire.
"Ganda boses nila?"
"Super! As in super with three Rs! Grabe, maiinlove ka talaga sa kanila kapag napakinggan mo sila. Tsaka, sabi ko nga sa'yo kagabi, kinanta nila yung fave song mo? Akala mo yun, nagpplay rin sila ng Taylor Swift song," dagdag niya.
"Okay. Send mo ha," sabi ko.
"Sure!"
Naintriga talaga ako kagabi dahil sa sinabi ni Claire kagabi na kinanta yung fave song ng banda. Kaso nga lang, tumawag pa 'tong babaeng ito sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. At isa pa, malapit na yun maghatinggabi!
Yun pala, sinadya niya talaga akong tawagan para magpapansin sa dinaanan niyang pogi kagabi. Putek talaga! Ang sarap ring i-block yung number niya paminsan-minsan.
Bigla na lang nag-ring yung bell kaya naman nagmadaling tapusin ni Claire yung pagkain niya. "Halika na, baka mahuli pa tayo," sabi ko sa kaniya.
Saktong pagtayo ko ay may nakasalubong ako sa likuran. Yun nga lang nagulat ako dahil natapon ang hawak ng juice ng nakasalubong ko sa shirt niya.
"Hala-- I mean, sorry! Sorry! Sorry!" sabi ko sabay hanap ng panyo ko sa bulsa ko pero pinigilan ako ng nakasalubong ko.
Huli na nang na-realize ko kung sino ang nakabangga ko.
"Its okay. May shirt pa naman ako sa locker. I'm alright," sabi niya.
I tried not to listen him and about to wipe off the juice from the shirt but he held my hand instead. Nakatitigan na lamang kami hanggang sa sumuko na lang ako.
"Sorry talaga," sabi ko ulit.
"Just be careful, next time," he said and gave me a bitter smile.
Pagkatapos no'n, agad siyang umalis sa harap namin. He's still nice to me until now.
"Oy, tameme ka yata. Sa susunod kase, mag-ingat ka bes. Buti na lang siya yung nakabunggo mo at yung mga feeling siga at feeling maganda sa Engineering," sabi ni Claire.
"Ano, susundan mo na lang ng tingin si Vince 'jan?"
He didn't look back. Siguro nga, itigil ko na 'tong inaasa ko. "Tara na. Baka ma-late pa tayo," sabi ko sabay hila sa braso ni Claire.
Simula no'ng araw ng huli naming pagkikita ni Vince, wala na akong narinig pang balita pa sa kanya. Huli kong narinig, may girlfriend na raw siya.
Vince and I were close friends since high school. I enjoyed being with him back then. Wala rin kasi akong masyadong kaibigan noon. Until one day, sinubukan niya akong ligawan at lagi niya akong sinasabihan na mahal niya raw ako, higit pa sa pagkakaibigan namin.
Iba siya kung mag-effort kahit na sinabihan ko na siya na wala pa talaga akong balak na sa bagay na gusto niya. Kahit na ganun, he didn't stop, at muntikan ko na siyang sagutin until I found out na dare lang pala ang lahat na iyon.
Isang malaking dare lang pala ang lahat.
Medyo na-attached na ako kay Vince no'ng panahon na 'yon. I thought he was very sincere sa mga ginagawa niya pero nilalaro lang niya yung feelings ko.
Dahil do'n, nagkaroon na ako ng trust issues. Sobrang nainis ako sa kanya. Mas lalo pa niya ako ginulo dahil no'ng time na 'yon, confused pa ako sa sarili ko.
Nawalan na ako ng tiwala sa kanya at sinabihan ko siyang 'wag na 'wag nang lalapit pa sa akin no'ng naggraduate na kami. He tried to talk to me pero ako na mismo ang umiiwas sa kanya.
Nagulat rin ako nang nalaman kong same pa rin kami ng school, kaya may rason na magkikita kami. I even tried to convince Claire na sa kabilang university na lang kami pero hindi nangyari. Sa huli, dito pa rin ang bagsak ko.
At some point, napatawad ko na naman siya pero I don't have any gut to talk with him again. Hindi ko lang talaga in-expect na sa gano'ng pangyayari pa kami nagkausap.
And this time, parang ako yata ang may kasalanan.
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...