Happy Not Knowing
Carly Rae Jepsen
0:10 ─|─────── 2:41
|◁ II ▷|
ELY
"Cheers!"
"Oy baka nakakalimutan mo may mga kapatid ka sa kabilang kwarto!"
"Psh, bahala sila jan!"
Andito ako sa bahay nila Claire. Magc-celebrate raw kami kasi natapos na rin ang exams namin. Dito na rin ako mags-stay buong magdamag kasama ang babaeng ito.
"Bes, ayaw mo talaga uminom? Kahit konti lang? Sayang oh! Soju pa naman yung binili ko! Fresh from Korea!" pagpupumilit niya kahit alam na niya yung sagot ko.
"Ang sabi mo sa akin kanina, party tayo dito pero walang inuman. Ngayon, inaaya mo na ako uminom. Tsaka, etong Soju? Fresh from Korea? Baka fresh from 7 Eleven," sabi ko sabay inom ng tubig.
"Psh, alam mo, ang KJ mo."
"KJ mukha mo. Magkaraoke na nga tayo!" sabi ko.
Yayamanin kasi ang pamilya ng babae na 'to. Sa kwarto niya, may sariling TV set at pwede ka nang magkaraoke dito sa loob.
Busy si Claire sa bote ng mga Soju kaya ako na lang ang nagturn-on sa TV at speakers niya. Alam ko na kung magset-up dito dahil halos dito na rin ako tumira sa bahay niya mula no'ng naging bestfriend kami. Welcome na welcome nga ako ng pamilya nya rito.
"Ako na ang unang kakanta dahil ako yung nagset-up," sabi ko sabay kuha ng mic at nagpindot ng numbers sa remote. Halos kabisado ko na rin kasi yung mga kanta sa songbook niya.
Naging masaya ang karaoke night namin sa kwarto ni Claire. Umaasa naman ako na wala kaming naistorbo sa mga kabilang kwarto kahit na pinahina na namin ang volume ng speakers.
"Hayst! Napagod ako ah! Sobrang saya ng gabing ito! Tulog na akkrrrrrrrr..."
Narinig kong humilik na itong kasama ko sa kama niya kaya napatawa ako. Sino nga naman ang 'di babagsak sa tatlong bote ng Soju na ininom mag-isa?
Niligpit ko na lang ang mga kalat namin at naglinis. Kinuha ko naman ang pinggan na ginamit namin para hugasin sa kusina nila.
Lumabas ako ng kwarto niya at bumaba sa hagdanan nang nakasalubong ko ang yaya nila na si Manang Delia. "Good evening po, Manang."
"Ay Ely, anjan ka pala. Akin na yang hugasin," sabi pa ni Manang.
"Naku, okay na po. Ako na po bahala ng mga ito. Nakakahiya po," sabi ko.
"Ngayon ka pa nahiya na halos limang taon ka nang palaging bumibisita rito," sabi ni Manang sabay kuha ng tray ng mga pinggan.
"Naku, salamat po talaga, Manang," sabi ko na lang at umakyat ulit sa hagdanan. Nakasalubong ko naman ang kuya ni Claire, si Kuya Gerald.
"Good evening po, Kuya Gerald," sabi ko. He's two years older than Claire.
Unlike Claire, famous siya sa kabilang university na pinapasukan niya. Despite of his popularity, napaka-humble naman niya at napakabait.
"Good evening, Ely. Ano, lasing na ba yung magaling kong kapatid?" tanong niya.
"Oo, kuya. Humihilik na nga ih," sabi ko.
"Nakainom ka rin ba?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Ha? Ako? Naku, hindi pa po ako umiinom ng alak kuya. Kahit isang patak po, hindi pa talaga ako nakatikim," depensa ko.
"Eh bakit namumula ka?" sabi niya kaya agad akong napahawak sa mga pisngi ko. Shuta, ang init ng mukha.
"A-ano lang... n-naiinitan, oo, naiinitan ako. Pinatay kasi namin yung aircon doon sa kwarto dahil nalalamigan ako haha... Sige, kuya, balik na po ako," sabi ko saka siya nilagpasan pero muntikan na naman akong nadapa. Buti na lang may nahawakan ako.
Pero, ano 'tong hinawakan ko?
Nilingon ko ang kamay ko at nakita kong nakakapit pala ako sa braso ni Kuya Gerald, kaya naman napabitaw ako agad. "Naku, sensya na po talaga," sabi ko.
Nakita ko lang siyang tumawa kaya nakaramdam ako ng hiya. Wala naman akong ibang nagawa kundi kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ni Claire.
Pagkasara ko ng pinto, napasandal na ako at nakahinga nang maluwag. "Wew, muntikan na ako do'n ha," sabi ko.
Bigla naman akong nagulat nang nakita ko si Claire na nakatayo sa harap ko at parang bang nagtataka. "Anong ginagawa mo 'jan?"
"Ha? Ano... tumakbo kasi ako papunta rito mula sa baba kaya napasandal ako," sabi ko.
"Bakit ka napatakbo? Wala namang multo rito," tanong pa niya.
"Meron! Kaya nga ako napatakbo ak--"
Naputol ang sinabi ko nang may kumatok sa pintong sinasandalan ko. "Ah Ely? Anjan ka ba?" rinig kong sabi ni Kuya Gerald mula sa labas.
Sinenyasan ko si Claire na siya na lang na ang magbukas ng pinto at bago pa niya ginawa ay sinabihan ko siya na pagsabihan lang yun kuya niya na nasa CR ako.
"Ano na naman, Kuya?" tanong ni Claire nang binuksan niya ang pinto.
"Si Ely? Asan? Naiwan niya kasi yung earphones niya sa hagdanan," sabi ni Kuya Gerald at saka ko lang na-realize na nawawala nga yung earphones ko sa bulsa ko.
"Nasa CR siya. Ako na lang magbibigay niyan," sabi ni Claire at nakita kong may kinuha siya.
"Magpakabait ka ha? Baka awayin mo si Ely jan," sabi pa ni Kuya Gerald na ikinainis lang ng kapatid niya.
"Che! Ikaw nga 'tong naasar!" sabi ni Claire sabay sara ng pinto.
"Oh earphones daw, nakita ng MULTO," sabi niya at in-emphasize yung salitang multo.
Kukunin ko na sana yung hawak niyang earphones nang nilayo niya sa akin. "Sabihin mo nga, crush mo pa rin ba yung panget na yun?"
"Uy wala namang ganyanan, Claire. Huhu, akin na earphones please--"
"Che! 'Di mo 'ko madadala sa pacute mo 'jan. Sagutin mo tanong ko," sabi niya at ngitian ako. Inaasar na niya talaga ako.
"Oh sige, 'wag ka nang magsalita para sagutin ang tanong ko. Heto ang earphones mo," sabi niya sabay pakita sa akin. "Use your left hand para kunin 'to if ang sagot mo ay hindi. Use your right hand naman kung oo.
Tinignan ko lang siya nang masama bago ako huminga ng malalim, saka ko kinuha ang earphones na hawak niya.
"OMG. So, totoo nga ang hinala ko," sabi pa niya.
"Anong hinala?" tanong ko ngunit bago pa siya makasagot ay hinila niya ako sa kama at sabay kaming napaupo.
"So tell me. Si Kuya Gerald pa rin ba ang rason kung bakit ayaw mong magpaligaw sa iba?"
"Hindi naman sa gan--"
"Don't ever say focus ka lang talaga sa studies. Answer me, yes or no?"
Ano ba 'yan! Hindi naman ako nainform na si Tito Boy pala 'tong kaharap ko ngayon. Napa-hot seat na tuloy ako. Nagdadalawang-isip naman akong sumagot sa tanong niya.
"Hayst. Oo na--"
"Oh may gas---"
"Pero hindi ibig sabihin na siya nga talaga yung main reason. Partly true naman yung question mo pero you already knew na studies ang dahilan. Okay?" sabi ko.
Kuya Gerald was my crush since high school. He was one of our seniors during our high school days. At dahil nga naging bestfriend ko ang kapatid niya, nagkakilala kaming dalawa. Inaamin ko na na-love at first sight ako sa kanya.
Nalaman naman ni Claire na crush ko yung kuya niya no'ng naggraduate na yung batch nila Kuya Gerald. Pinagsabihan ko naman itong babae na 'to na 'wag na 'wag niyang sasabihin sa kanyang kuya hanggang ngayon.
Okay lang naman na hanggang crush ko lang talaga siya. Malabo naman kasi na makakatuluyan ko talaga si Kuya Gerald, at isa pa, may narinig akong balita na may nililigawan na ulit siya.
"Bes, move on ka na please. Aawayin ka lang ng fans club niya 'pag nalaman nilang may gusto ka sa kanya," natatawang sabi niya.
"De, seryoso, bes. Maghanap ka na lang ng mas gwapo pa sa kanya. Panget nga kaya ng kumag na yon," dagdag pa niya.
"Panget? Pero hanggang ngayon baby face pa rin? Tapos famous do'n sa university nila? Panget pa rin?" sabi ko pero inirapan lang ako ni Claire.
"Ewan ko sa'yo. Pinagsabihan na kita ha. Masasaktan ka lang talaga jan kapag umasa ka pa rin kay Kuya. Tulog na 'ko. Good night," sabi niya at humiga na sa kama niya.
Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Claire, pero wala naman sigurong masama kung magka-crush ka lang, 'di ba? At least, may inspiration ako noh. Psh.
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...