Just My Type
The Vamps
1:40 ────|──── 3:31
|◁ II ▷|
PAUL
Naampulingatan ako nang nakaramdam ako na may nagv-vibrate sa kama. It's my phone, na sunod-sunod na nakareceive ng message. 8AM pa, at dinidistorbo ako ng ganito kaaga.
From: Dan
Open the door.
Psh, ano na namang pakulo nito?
Parang akong zombie kung bumangon sa kama. Hangover na naman.
Pagbukas ko ay sinalubong ako ng tatlo, bihis na bihis. Nabigla naman ako ng bigla silang sumigaw nang kay lakas.
"Happy birthday!"
Mas nabigla ako nang binatuhan nila ako ng itlog. "Tang*naaaaa!"
Napasigaw na lang ako sa inis. Wala akong choice, kung maligo nang maaga.
"Chill, it's our tradition, don't you remember?" sabi pa ni Nathan.
"Ligo ka na do'n. We will celebrate your day! Siguradong mag-eenjoy ka!" sabi ni Dan. Enjoy pala ha. Aga-aga mang-inis.
It's our tradition na tatapunan ng itlog ang sinumang magb-birthday sa amin. Hindi ko lang talaga inexpect na aagahan nila at isa pa, ngayon ko lang narealize na birthday ko pala. Pinapasok ko na lang sila at pumunta na agad ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng magandang damit. Syempre, araw ko ngayon kaya dapat.
"Sa'n pala punta natin ngayon?" tanong ko.
"Nah, just wear casual, at kami na bahala sa'yo ngayon," sabi ni Nathan.
Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay na kaming bumaba sa building. Nang nasa kotse na kami ni Nathan, nagtaka naman ako dahil hindi ko naman alam kung saan kami papunta ngayon. "Oy, sa'n ba talaga tayo?" tanong ko.
"Sasabihin ko na ba?" tanong ni Dan sa dalawa. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon.
"Every birthdays, lagi tayong pumupunta ng beach, night clubs, visit famous places and even hike mountains. Ngayon, we decided to do something new for your day," sabi niya.
"OPERATION: GIRLFRIEND FOR HIRE!"
"Operation what?" tanong ko.
"Dude, napansin namin na parang ayaw mo na yatang maghanap ng gf. Kaya, kami na lang ang hahanap ng gf para sa'yo," sabi pa ni Nathan.
"Seriously? You don't have to do thi--"
"Here we are!" sabi ni Nathan nang hininto niya ang kotse sa harap ng Starbucks.
"Of course, let's have breakfast muna and at the same time, maghahanap ng bagay kay Paul. You know, maraming chics na customer dito," sabi pa ni Nathan.
Lumabas kaming lahat sa kotse at pumasok sa Starbucks. As expected, pinagtinginan kami ng mga customer. Walang hindi makakalingon sa looks namin. Naks.
"Ghaad, kilala mo ba sila? Sila yung gwapong squad sa Cailer University!"
"Besh, mga pogi oh!"
"Shemay, andito si crush!"
"One Caramel Macchiato, two White Chocolate Mocha and one Caffé Latté please. And also, four classic oatmeal and a slice of Blueberry-licious Cheesecake for our birthday friend," sabi ni Nathan sa barista, at ibinigay ang Starbucks card ko.
Nathan really knows our tastes, but wait, card ko?
"Bakit nasa 'yo yung card ko?" tanong ko.
"Psh, kinuha ko sa wallet mo no'ng naligo ka," he said.
Pagkatapos naming binigay yung names sa barista ay naghanap kami ng mauupuan at nakakita kami ng magandang pwesto malapit sa glass wall.
"Hey, Paul, look. May nakita akong maganda do'n," sabi ni Dan kaya pasimple akong lumingon sa likuran ko. Nakakita ako ng isang customer na busy sa laptop niya.
"Marco, describe her," sabi pa ni Dan.
"Based on her looks, she may be the girl who can be chic and nerd at the same time, but a girl like her seems to avoid any relationships as if it affects her studies," Marco said.
"Eh yung isa do'n?" sabi ni Nathan sabay turo sa isang customer na busy sa pagpipicture.
"Pretty girl yet a social climber. She takes a lot of pictures with her cheap coffee."
Psh. I just sighed after hearing their unaccurate hypotheses. Bigla naman naagaw ang atensyon ko nang may nakita akong customer na nakatalikod sa amin.
I don't know, but she looks familiar. Tatayo na sana ako kaso may sumulpot sa tabi namin.
"Hey, guys! Andito rin pala kayo!"
We just realized it's our friend, Gerald.
"Naah, we're just celebrating Paul's day," sabi pa ni Dan.
"Oh, happy birthday Paul," bati ni Gerald.
"Thanks. You can join us here," I said.
"Naah, okay na sana kaso naghihintay na yung kapatid ko sa labas. You don't know how impatient she is. Enjoy guys," sabi pa niya bago umalis.
Tinignan ko ulit ang pwesto ng customer kanina ngunit nadismaya lang ako ng nawala na siya sa table niya.
After our breakfast in Starbucks, we went to a city mall, which is part ng "mission" nila. Sumabay na lang ako sa trip nila dahil araw ko naman ngayon.
"Paul, andami na naming nahanap na babae dito, pero wala ka pang natitipuhan," sabi pa ni Nathan.
"What if, ang gawin na lang natin, yung mga babae mismo ang lalapit kay Paul?" sabi ni Marco.
"How?"
Literal na hinila nila ako patungo sa isang men's salon. "Guys, you don't have to do this for me--"
"It's our treat, remember?" sabi ni Dan.
Pumasok kami at sinalubungan kami ng barbers ng salon. "Welcome to our salon," bati ng isa sa kanila.
"Please make him more handsome yung mapapalapit ang mga chics sa kaniya," sabi ni Dan.
"Okay, sir."
Nakita ko ang sarili ko sa salamin. I realize na medyo matagal na rin simula no'ng huli kong gupit.
An hour passed, and the barber was done fixing my hair. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and damn, mas guwapo ako ngayon.
Dahil gutom na ang mga kasama ko, pupunta na naman kami sa isang restaurant. Parang naman akong celebrity kung pagtinginan ng ibang mga tao.
Bigla namang may lumapit sa amin na dalawang babae. "Kuya, pwede po papicture?" sabi nila sa akin.
"Sure."
Nagpicture kaming tatlo at pagkatapos ay umalis na sila.
"Oys, ikasampu na yun sila na nagpapicture sa'yo. Pwede ka na mag-artista," sabi pa ni Dan.
May nakita naman kaming bagong Korean restaurant kaya pumasok kami do'n. Si Marco at Nathan na ang nag-order sa counter while si Dan ay pumunta muna sa CR. Kaya, ako na ang naghanap ng mauupuan namin.
I found a vacant table sa glass wall kaya do'n ako pumwesto. Napakaganda ng atmosphere dito. It gives off a Korean vibe. Of course, it's a Korean restaurant.
Nasagi naman ng paningin ko ang isang babaeng umagaw ulit sa atensyon ko.
Siya yung customer na nakita ko kanina. At hindi nga ako nagkakamali, siya rin yung babaeng na-meet ko after breaking up with Chesca.
She's wearing the same clothes she wore that night. Pati rin yung earphones.
Nagsimula naman siyang naglakad kaya I decided to follow her not until may nakabunggo ako at natapon sa sahig ang pagkain sa tray niya.
"What the hell!"
I realized na nabunggo ko ang babaeng......nakipagbreak-up sa akin.
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...