"You're just wasting my time." mariin kong saad sa kaniya. "Ang tagal-tagal mo na sa trabahong 'yan hindi mo pa rin alam?"
Kita ko ang pamumula ng kaniyang ilong at ang malalim niyang paghinga. Alam kong pinipigilan niya lang ang pag-iyak sa harap ko, ayaw niyang nakikita ko siyang mahina.
Kabisado ko na siya.
"Just p-please,—"
"What now?"
"I'm sorry, pasensiya kana Darius hindi ko alam na ganoon 'yong kakalabasan pasensiya kana, hindi ko na uulitin. I-I'm sorry." tuluyan na siyang humikbi sa harapan ko.
Umiiyak siya.
Ayoko siyang makita.
Ayokong umiiyak siya sa harapan ko.
Mas lalo lang umiinit ang ulo ko dahil sa mga kapalpakan niya.
"Get out." saad ko nang hindi siya tinitignan.
Lahat ng binigay niyang proposal ay nilapag ko lamang sa lamesa at pinatungan ng iba pang proposal ng employees.
She's really wasting my time.
Wala akong panahon para kaawaan siya.
"I'm sorry Darius, huwag mo kong sesantahin." patuloy pa rin ang paghikbi niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Hindi ko siya tinignan. Pinagpatuloy ko lang ang pagtitipa sa laptop ko. Sa sobrang init ng ulo ko ngayon ay pakiramdam ko hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko.
"I'll do better, I'm so—"
"Hindi ka ba nahihiya Ms. Buenavidez? Kahihiyan lang ang binibigay mo sa kompanya ko, malaking kahihiyan!" I exlaimed.
Her eyes flooded with tears.
"Darius—"
"Huwag mo 'kong tawagin sa pangalan ko , sino ka para sabihin yan?" saad ko.
Nanggagalaiti ako sa galit at kaunti na lang ay mahihila ko na siya palabas ng opisina ko.
She's just standing in front of me, crying. Basang-basa ang pisngi niya , pulang-pula ang ilong, labi at dibdib niya. Hindi ko maiwasan ang mapatingin roon. I'm not praising her, she's just a kind of shit, a trash. Hindi pa rin siya nagbago, ganoon pa rin ang tingin niya sa sarili niya.
"P-Pasensiya na Mr. Vergara." pinupunasan niya ang mga luhang lumalandas sa pisngi niya. Nilipat niya ang tingin niya sa folder na nakalapag sa lamesa ko.
Akala niya kaya niyang paikutin ang lahat sa kamay niya.
Akala niya makukuha niya lahat ng gusto niya.
Nasa'n siya ngayon?
Kung ganoon ang pananaw niya noon sa buhay niya, bakit siya narito sa harapan ko ngayon at nagmamakaawang huwag siyang tanggalin sa trabaho?
Bakit ka nandito Liandra?
Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at kinuha sa table ko ang mga folder na binigay niya sa akin kanina.
Mga patapon, hindi pinag-isipan, ang bobo ng pagkagawa.
Kahit sino magagalit dahil sa proposal na 'yan.
I looked at her, hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko. Mabigat, sobrang bigat. Hanggang ngayon ay ganito pa rin ang dulot niya sa akin.
"Alam ko, lahat ng nagawa kong mali, lahat ng naidulot ko sa'yo Darius. Lahat 'yon pinagsisihan ko na, lahat 'yon binaon ko na sa limot. Pero sana naman patawarin mo na ako, patawarin mo ako kasi hindi kita kayang tigilan, kapag nawala ang trabaho kong 'to wala akong mapupuntahan, ikaw lang ang pag-asa ko."
YOU ARE READING
My Liandra (Buenavidez Series 1)
RomanceYour life spent sailing to my shores. but then I was not meant to be solely yours.