Ang sabi ko sa sarili ko. Ikaw lang. Ikaw lang ang pipiliin ko. Ngunit tila taksil ang puso at isipan ko. Taksil sa mga salitang binitawan ko. Taksil sa sarili kong pagkatao.
Gusto kitang piliin. Ngunit bakit ako nalilito?
Nagising ang diwa ko mula sa tatlong oras na tulog. Ngunit di ko makalimutan ang mga huling salitang binitawan ko sa panaginip. Ramdam ko sa sarili kong totoo yun. At nakakatakot kung totoo man. Tatlong oras nalang din ang natitira at kailangan ko nang pumasok sa trabaho.
Im Jade Mae Lee. 25 years old and currently working as an intern, on a design and build construction company.
Di ko mawalay ang isip ko tungkol sa panaginip na tatlong beses ko na ring napana-ginipan. Kahit na sangkadamak-mak na trabaho ang pini pressure ko sa sarili nagagawa parin ng isipan kong mag focus sa mga walang kwentang emosyon.
I have a boyfriend, ldr nga lang. Matagal na kami. Naka plano na ang lahat.
Pero ano to??
Siguro- kasi ilang araw na rin kaming hindi nagkaka unawaan.
Bumuntong hininga nalang ako habang nag aantay ng masasakyan.
Ayoko talaga sa mga komplikadong bagay at hanggang sa maaari pananatilihin kong simple ang lahat. Pero mukhang hindi magiging madali.
Tumigil ang jeep sa harap ko at sumakay agad ako habang hinahawi sa isipan ang mga bagay2x.
Come on Jade. Focus!
" no this is not what I want. If possible make it like this-" bawi ng senior architect sa laptop ko sabay gawa ng drawing.
Pakiramdam ko tuloy wala akong naitutulong. Puro nalang kasi mali yung mga pinapasa ko. Kailangan pa niyang gawin ulit.
Ar. Richard Lopez was my senior architect. And I look up to him just like a father. I can't afford to add another burden to his work.
Na pre pressure ako kahit hindi ako pinapagalitan. Na pre pressure ako kasi alam kong wala pa akong naitutulong.
Sa dami nang mga ginagawa ko. Lahat walang silbi.
"Jade- are u listening?" Tanong ni sir.
I nodded. And with that he left.
I sat back on my chair. Pinadaan ko ang mga kamay ko sa ulo ko out of habit and sighed.
"Uhm- Jade?" Bumalik ulit si sir sa station ko. "Supervise today and on the next days sa site. Para naman may matutunan ka. Report everything to me. Here's Engr. Shun De-Guzman's number"
"Sir??"
"You have a meeting with him today. You have 2 hours left."
Then he left. Again.
What??
Nag cramming ang kaluluwa ko. Agad2x akong nag download sa phone ng plans. And rushed to print it out on A3.
But- sira yung printer so umalis nalang ako. Unprepared.
I came to the site with just a phone. Walang meter scale. Walang printed plans.
"Uhm, mam may hard hat po ba kayo?" Pigil sa akin ng guard.
Tumigil ang mundo ko at gusto kong sampalin ang sarili sa isang malaking kapalpakan na naman.
"Im so sorry po sir. Nagmamadali kasi ako ang totoo nyan may meeting po ako with Engr. De-Guzman in 30 minutes." Pag mamaka awa ko.
"Wait lang po mam" umalis ang guard at nakipag usap sa telepono.
BINABASA MO ANG
Im Your Soundtrack
ChickLitChoosing the right one is as tough and exciting as choosing your soundtrack. You can't judge a song by it's title the same as you can't judge a person without knowing him/her first. Love at first sight? Kilig? Years of being together? Years of him...