Kabanata 28
My Mushroom Boy
"Ewan ko sa'yo!"
Sagad kong inirapan si Elijah at sumandal na lang sa sofa. Kanina pa kasi siya nangungulit. Gabi na at ang kulit-kulit pa niya. Napatingin naman ako kina Arjon at Marlon na ayos kung umupo sa isa pang sofa. Nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng isang horror movie na dinownload nina Arjon. Pinatay pa nila ang ilaw para damang-dama namin. Ako, damang-dama ko ang pang-iinis nitong si Elijah.
"Don't you want to swim, 'Wak?" Sabi ni Eli sa tabi ko habang nilalaro ang dulo ng buhok ko. Hindi ako nagsalita at nanood na lang.
"Sisirin na lang kita?" Pilyo niyang dagdag.
Walang sabi-sabi ko siyang hinampas at itinulak.
"Nakakainis ka!" Naiirita kong sabi at inirapan siya. Kung anu-anong sinasabi kasi! Mamaya may makarinig pa sa mga kalandian niya. Tumawa lang siya at niyakap ang kanang braso ko.
"Hala siya, nagbibiro lang ako e." Aniya't mas lumapit pa at humalik malapit sa labi ko. Ramdam ko kung gaano kalambot ang labi niya! Hindi agad ako nakagalaw sa gulat.
"B-bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko nang makabawi na. Napalingon naman ako sa paligid. Mamaya niyang baka nakasilip lang pala si mama! Nako! Baka mapalo pa ako!
Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Tulog na tayo, 'Wak." Nguso niya at bahagya pang tumatango, hindi sinagot ang tanong ko.
Ako naman ay binuksan ang cellphone para tignan ang oras at nakitang quarter to 11 na. Ang late na! Kaya naman pala kanina pa ako humihikab dito. Naalala ko ang pag-aaya ni Eli na matulog na. Then there's this familiar feeling building up inside me. Kinakabahan? Para bang hindi alo mapakali.
"Inaantok ka na ba?" Tanong ko.
"Sa tingin mo, 'Wak?" Tumaas ang isang kilay niya. Aba't!
"Nagtatanong lang naman." Tumayo na ako at inayos ang pajama na suot. Hinarap ko ang dalawa na nakatutok parin sa tv.
"Jo," tawag ko sa kapatid ko na agad din namang lumimgon. "I-lock niyo nang mabuti ang pinto at tanggalin lahat nang nakasaksak. Okay?"
"Geh lang 'te." Sabi ni Arjon na hindi 'man lang ako nilingon.
"Hoy!"
"Opo! Opo!"
Umakyat na kami ni Eli sa taas at sa banyo ako dumiretso para maghilamos at magsipilyo. Nang matapos ako ay pumasok na ako sa kwarto. Naroon na sa kama si Eli at nakahilata na. Malamig dito kapag gabi kaya binuksan ko na lang yung bintana para pumasok ang hangin.
"Ashley.." Rinig kong tawag ni Eli sa akin. Kumuha ako nang bulak at toner sa maliit na vanity ko.
"Oh?"
Sinulyapan ko siya sa peripheral vision ko.
"Magbakasyon na tayo sa Puerto Galera." Pilit parin niya. No'ng isang araw pa 'yan, gusto daw niyang magswimming. Eh sa nalalayuan ako e, gastos pa. "Nandyan naman yung sasakyan oh!"
Itinapon ko sa maliit na basurahan ang bulak at tuluyan siyang hinarap. Yakap-yakap niya ngayon ang unan ko habang nakakumot pa.
"Ayoko nga."
Dinala kasi niya yung kotse niya at nag-RoRo siya. Hindi ko inaasahan 'yon at nagulat talaga no'ng makita ko ang sasakyan niya. Buti na lang ay hindi yung mamahaling kotse ang dinala niya. Isang SUV ang di ala niya kaya tuwang-tuwa sina Arjon at Marlon no'ng namalengke kami noong nakaraan.
"Your mom deserves a vacation too, baby. We'll all benefit from it. You need to rest too.."
Tumabi na ako sa kanya at humarap sa kanya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Si mama kasi, malungkot nanaman. I mean, I'm sure na araw-araw siyang malungkot at nasasaktan.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...