A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT.
HAPPY READING ^_^CHAPTER 17
Pagdating namin sa restaurant ay agad na inihain ang mga pagkaing pina-reserve din ng Dean. Nagsimula ng kumain ang lahat habang nagkukwentuha. Nagkakasiyahan ang lahat maliban sa akin na tahimik lang na kumakain sa isang tabi.
"Miss Cruz, hindi mo ba gusto ang pagkain?" napatingin ako kay Mr Ramos na katabi ko ng sabihin niya iyon.
"Ah. Hindi, okay lang. Nabusog lang talaga ako at marami akong nakain kaninang lunch hehe." Nasabi ko na lang. Mukhang naniwala naman siya sa alibi ko at kinuha niya ang plato ko at pinalitan iyon ng platong ang tanging laman lang ay tatlong macaroons na para sa dessert pa dapat mamaya.
"Ayiee! Sir Mr Ramos duma-the moves na naman kay Miss Cruz." Napatingin ako sa isang co-prof namin ng sabihin niya iyon. Nagsimula na naman ang kantyawan ng mga kasama namin sa aming dalawa. Pasimple kong tinignan si Sir Alvarez pero busy siya sa pakikipag-usap kay Dean at mukhang wala siya pakialam sa mga sinasabi ng mga co-prof ko.
"Tatlong macaroons pa talaga Mr Ramos. Ano ibig sabihin niyan? I LOVE YOU!" malakas na sabi nung isang lalaking prof na kasama din namin. Mukhang sa pagkakataon na ito ay naagaw na ang pansin ni Sir Alvarez dahil lumingon na siya sa amin. Naabutan niyang nakatingin ako sa kaniya kaya iniiwas ko kaagad ang tingin ko at itinuon na lang iyon sa macaroons na nasa harapan ko.
"I heard the words I love you." Singit niya sa mga nangangantyaw sa aming professors.
"Ah. Opo Sir. Ito po kasing si Mr Ramos ay matagal ng manliligaw ni Miss Cruz. Duma-the moves po at nagbigay ng tatlong macaroons na sigurado naman pong I love you ang ibig sabihin." Si Dean ang sumagot sa kaniya.
Napayuko na lang ako sa hiya. Bakit kailangan pang sabihin na nanliligaw si Mr Ramos sa akin? Isa pa pwede namang hindi I love you ang meaning ng tatlong macaroons na ito. Pwede namang EAT VERY WELL. Bakit I love you kaagad?
"Oh. I didn't know na may mga in a relationship pala sa mga profs. Don't worry I'm not against that unless mapapabayaan niyo ang pagtuturo ng dahil sa relasyon niyo that's when I'm against it." Sabi niya sa lahat.
"Wag kayong mag-alala Sir at napaka-professional ng mga prof ng university natin. Hindi nila pinapabayaan ang pagtuturo nila. Ang totoo niyan sir ay may mga married din na professors at nagagawa naman nila ng mabuti ang trabaho nila." Naalis na naman ang atensyon niya sa amin at kay Dean na naman napunta.
Mabuti naman dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung hahaba pa ang usapan tungkol sa bagay na iyon. Makalipas lang ang ilang sandali at trabaho na ang pinaguuspan ng lahat. Tapos ng kumain ang lahat kaya nagmistulang meeting ang dinner bago ito matapos.
Maraming pina-alala ang Dean sa amin at mukhang magtatagal si Sir Alvarez dahil balak niyang magpagawa ng sarili niyang office sa university. Patapos na ang dinner na naging meeting na din ng may tumawag sa telepono ni Sir Alvarez. Umalis siya sandali para sagutin iyon.
Pagbalik niya ay may kasama na siyang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang babae. Natawag ng presensiya nila ang pansin ng lahat.
"Uhm. This is Annalyn Dela Fuente, my girlfriend." Pagpapakilala niya sa kasama niya. Girlfriend?
"Oh. Hindi na pala single si Sir. Sayang naman." Pabirong sabi nung isang prof.
"Don't worry. Ipapakilala kita sa isa naming friend hanggang ngayon single pa din iyon." Pabirong tugon naman ni Annalyn.
"By the way guys. Nice to meeting you." Nakangiting bati niya sa lahat.
Paanong naging girlfriend niya si Annalyn? Mukhang madami ring nangyari sa kanila sa nakalipas na anim na taon.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Random*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...