•||That Should Be Me||•

44 14 14
                                    


Taong 2012

He is 17 and I am 16

Yan ang taon na Hindi ko makakalimutan..

Ang Hindi ko lang inaasahan..

Na sa taon na yan ay nagtapat ka ng nararamdaman mo..

Matagal na akong may gusto sayo..

Kaya lubos ang aking kagalakan..

Dahil parehas pala tayo ng nararamdaman..

At yan din ang taon kung saan
ako ay niligawan..




Taong 2013

Yan naman ang taon na Hindi natin makakalimutan pareho..

Habang magkasabay na naglalakad sa park ,kinukwento mo naman ang mga pinakamasayang araw na kasama mo ako...

Ang ganda ng ngiti sa mga labi mo at lalo pang lumaki ang mga ngiti mo nung binigay ko ang matagal mo ng inaasam na salitang 'oo'..

Nakakatuwa lang kasi paulit ulit mong sinasabi na 'wala ng bawian ah! Basta Akin ka na'..

'Oo sayo lang ako'

Tila'y gulat na gulat ka at nahihiya pa nung sabihin ko ang mga kataga na iyon ,kaya lalo lang akong natawa sa reaksyon mo..

Sa bawat araw na magkasama tayo walang araw na di masaya..

Dahil sapat nang dahilan na mahal natin ang isa't isa...

Para maging masaya ang bawat araw na tayo ay magkasama..





Taong 2015

Ito na ang unang taon kung saan ay kolehiyo na tayo..

Parehas na unibersidad ang pinasukan..

At umaasa na sa pagtapos ng apat na taon ay matupad ang pangarap naming dalawa..

Napatingin na lang ako sa katabi ko ngayun habang nakapikit at dinaramdam ang pagdampi sa kanyang balat ang simoy ng hangin...

Dalawang taon na ang nakakalipas pero..

Hindi naging hadlang ang mga bagay na nagpapahirap sa relasyon nating dalawa..

Dahil ito pa ang naging dahilan kung bakit mas lalo pang tumibay ang pagkakapit namin sa isa't isa...

'Jean..'Sabay dilat at tingin ng deretso sa aking mga mata

'Hmm..'

'I will promise you after four years ... We will get married '.. After he said that and then he kissed me on the forehead

Walang lumalabas na kahit anong salita mula sa bibig ko siguro dahil sa pagkagulat nung sabihin nya ang mga katagang yun..

I just know that I'm happy and that I will be happy when the day comes for me





Taong 2019•

Natapos na ang apat na taong paghihirap..

At magiging isang ganap na Doctor na ako..

Si Alex magiging isang ganap na Engineer na sya..

Natapos ang mga taon na kami ay magkasama..

Natupad na ang mga pangarap naming dalawa..

At ang isang pangarap na lang ang pinakahihintay namin para sa isa't isa.

At ito na ang taon na iyon...

Lahat sobrang saya nung maglakad ako dito sa altar kasi ito naman talaga ang pinakapangarap ng mga babae..

Ang pakasalan ng taong mahal nya..

Pero paano kung hanggang tingin na lang ako...

'And now you may kiss the Bride'
Pagkatapos sabihin ang mga katagang na iyon ay saka naman nag unahan ang mga luha ko..

Nakita kong napatingin sa akin si Alex at saka naman ako ngumiti ng mapait sa kanya bilang pagsang ayon..

At yun na nga!... Saka nya hinalikan yung babae na naging dahilan ng pagkawasak ng puso ko..

Di ko na kinaya ang nakikita ko ngayon kaya nagmadali na lang akong lumabas para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon..

Hindi ko alam kung paano na lang nangyari ang mga bagay na yun...

Dapat ako yun ihh..

Dapat ako yung babaeng maglalakad sa altar ..

Dapat ako yung magiging Asawa nya..

Dapat ako yung magiging Ina ng mga anak namin...

Hindi syaa!..

Hindi yung babaeng yun!..

At ang bagay na naging dahilan ng pagkabitaw ko ay dahil nabuntis ng taong mahal na mahal ko ang Bestfriend ko...

Nakita ko na lang sila papalabas na ng simbahan at labis ang tuwa ng mga tao sa paligid nila habang yung iba sinisigaw ang mga katagang 'Mabuhay ang Bagong Kasal'

Sobrang sakit lang kasi..

Kahit gaano pa kayu katagal..

Kahit gaano pa kayu kasaya..

Kahit gaano pa ninyo kamahal ang isa't isa..

At kahit gaano pa kahigpit ang pagkakakapit nyung dalawa..

May isang bagay na magiging dahilan para bumitaw ka na..

Siguro sapat nang dahilan para bumitaw ka kung alam mong magiging maganda lang ang takbo ng buhay nya....

sa piling ng iba :))

•THE END•

A/N: THANK YOU PO SA MGA NAGBASA NG STORY NA ITO!! AT THANK YOU RIN PO SA MGA NAGBASA NG SYL (someone you loved) AT SA MGA NAG VOMMENTS SA STORY NA IYON.. uWu

Dont forget to vomments guys!! Thank you and godbless y'all guys.. 💕

•That should be Me• ONESHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon