Please Love Me Back

164 6 0
                                    

"Naalala mo ba yung unang pag tatapat ko sayo ha!" Sabi ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

Bigla nalang nag pa-flash back yung una kong pag tatapat sa kanya na gusto ko siya noon at hanggang ngayon parin.

"Ano ba sasabihin mo!? May pupuntahan pa ako!?" Pagalit na sabi niya sa akin hindi lang pala pagalit kung hindi pasigaw na rin.

"A-ano..Ahm..K-kurt M-may gusto ako sayo! Ay h-hindi mahal na pala kita kurt. Please love me back!"

Matalim na tumingin sa akin si Kurt na halatang galit sa sinabi ko.

"Pinapunta mo ako dito para lang sabihin yan ha!. Pinapunta mo ako dito para sa bwisit na salitang yan!?"

Biglang tumulo yung luha ko sa sinabi niya. So lahat ng sinabi ko Bwisit na salita yun. Ang sakit. Ang sakit.

"The Fvck! Ellise alam mo naman dibang may iba na akong gusto at sa ngayon nililigawan ko na sya. Hindi pa ba malinaw na wala akong gusto sayo kaya tigilan mo na yang nararamdaman mo sa akin. Dahil wala akong masasagot diyan sa sinabi mo!!" Pag katapos niyang sabihin yun. Tumalikod na siya at umalis. Lalo akong nasaktan ng sinabi niya yun sa akin. Kaya ng araw na yun.

Hindi ko makalimutan....

Hinding hindi ko talaga malilimutan....

"4:31 ng Hapon. Wenesday. Sa likod ng School. Na kung saan ang araw na yung ang una kong masakit na pag amin sa taong mahal ko." Tumingin ako sa kanya. Bigla nalang tumulo ang mga luhang kaganina pang gustong lumabas sa mga mata ko.

"Naalala mo ba noong naging mag kaklase tayo ulit ng fourth year high school. Alam mo ba sobrang saya ko non. Kasi sa wakas baka pansinin mo pa rin ako. Na kahit sana kalimutan mo nalang ang sinabi ko noong una kong pag tatapat ko sayo. Pero..."

Pero nag kamali pala ako. Akala ko magiging maayos pa pero parang bumaliktad pa..

"Hello kurt! Kamusta ka?"

Pagkasabi ko noon yan sa kanya,bigla siyang tumayo na para bang walang narinig.

Araw-araw ginagawa ko yun pero sa araw-araw na rin yun lumalayo siya sa akin.

Nasasaktan ako dun sa parati niyang ginagawa.

Para bang sinasabi niya sa akin na lumayo nalang dahil wala naman akong patutunguhan sa ginagawa ko sa kanya.

* * * *

"Alam mo meron pa palang mas masakit sa ginagawa ko araw -araw. Meron pa pala." Napa hagulgol nalang ako habang sinasabi yan sa kanya.

* * * *

"Yes! Sinagot na ako nitong babaeng ito!" Sabi niya sabay turo sa babaeng katabi niya. Halata sa mukha nya tuwang-tuwa siya dahil nasagot na siya ng taong mahal niya. At hindi ako iyon

Bigla siyang tumingin sa direktsyon ko. Halatang nagulat siya kaya bigla siyang umiwas sakin.

Sa mga oras na yun. Nasasaktan nanaman ako pero mas may lalala pa pala.

Pagtapos niyang umiwas bigla niyang nginitian ang babaeng katabi niya sabay hinalikan niya ito.

Para akong sinaksak ng sampung beses sa nakita ko. kaya hindi ko namapigilang tumakbo at iwan sila doon na masaya.

Sana ako nalang yun...

Sana ako nalang yung kasama niyang babae na nakatabi niya...

Sana ako nalang ang nag papasaya sa kanya...

Sana ako nalang yung Hinalikan niya at Minahal niya...

Pero

Oo nga pala ang Lahat ng iyon ay isang elosyon lamang na hanggang panaginip lang.

* * * *

"At eto pa! Lalo akong na bwisit sa babaeng mahal mo alam mo naman siguro kung bakit diba!?" Ngayon yung mga luha ko hindi lang masasakit na likido ang lumalabas dito dahil nag halo na rin ang Galit na nararamdaman ko.

* * * *

"What The Hell Cristine! Sino yung lalaking yun!? Sino yung kahalikan mo ha!?" Narinig kong sabi ni Kurt kay Cristine. Nagtatago ako para marinig kung ano pinag aawayan nilang dalawa. Hindi naman sa tsismoso gusto ko lang talaga marinig yung pinag aawayan nila.

"Kurt ayoko na!" Rinig kong sabi ni Cristine.

"Anong ayaw mo na? Sige Cristine ititigil ko na ang pagtatanong basta wag na wag mong babanggit yung salita--"

"Anong Salita? Salitang Ayoko na pagod na ako kaya gusto ko nang makipaghiwalay ha! Kurt ayoko na may iba na akong mahal itigil na natin to!"

"No Cristine ayoko! Ayoko!" Rinig ko narin yung paghikbi ni kurt kaya hindi ko rin maiwasang maluha dahil na dudurog ang puso kong makita ang taong mahal ko na umiiyak.

Umalis na si Cristine naiwan naman si Kurt na nakaluhod. Gusto ko siyang lapitan pero meron pumipigil sa akin nahayaan ganyan si Kurt.

Ilan minuto naBuo na ang desisyon kong pumunta sa kanya para i-comfort man lang pero bigla siyang tumayo at umalis bigla.

Hinabol ko sya.

Kaso...

Hindi ko na siya nakita..

Wala na siya sa paningin ko at sa oras na yun bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

* * * *

"At eto na nga, nakahiga ka na ngayon diyan sa kama. Hanggang kailan ka ba magigising ha! At hanggang ngayon comatose ka parin!"

Oo na comatose siya sa kadahilanan sa pakikipag-bugbugan tumama sa ulo niya yung baseball bat ng kaaway niya ayon sa mga naririnig ko sa iba.

"Ngayong ito na huli kong sasabihin sayo..."

".... Na Mahal pa rin kita. Please love me back.."

Umalis na ako sa kwartong iyon..

Cause It's my Turn to fall him for me

And

to Love me back...

~The End~

a/n: Please Vote and Comment po di naman siguro nakakatamad mag pindot nun XD

One Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon