Mabilis na lumipas ang buwan. Ngayon ay February na at ano ang mayroon kapag February? Tama, Valentine's Day. Dati ay naeexcite ako kapag iniisip ko ang Valentine's Day na iyan pero ngayon ay parang gusto ko na agad matapos ang araw na 'to.
Sangkatutak na bulaklak lang naman ang makikita. Nagtataka ako sa ibang mga tao, bakit sila naeexcite sa Valentine's Day na iyan kung pwede mo naman iparamdam sa taong mahal mo na araw-araw mo silang mahal. Sa bagay, ako nga dati naeexcite pa dahil may boyfriend ako noon.
Kung kami pa siguro ay sobrang saya namin dahil pangalawang beses na dapat namin itong magcecelebrate ng Valentine's pero wala eh, nawala na siya.
Nang magising ako kanina ay parang ayoko na lang gumalaw at pumasok. Wala ako sa wisyo at wala ako sa mood para mainggit sa lahat ng magboyfriend at maggirlfriend na makikita ko mamaya. Pero sa dulo ay mas pinili ko pa rin ang pumasok. Magfocus ka sa pag-aaral mo, Ann.
Pagkalabas ko pa lang ng gate ay sangkaterba nang bulaklak ang nakita ko at nang makarating ako malapit sa school ay doon na bumuhos ang mga pulang lobo at mga bulaklak. At nang makapasok ako ng school? Gusto ko na lang talaga umuwi.
Hindi iyon natapos doon nang tuluyan akong makapasok sa loob ng school at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Cristof, nakatiningin sa gawi ko at may hawak na bulaklak. Muli nanaman tumigil ang mundo ko. Para sa akin ba iyan?
Sa unang pagkakataon simula ng maghiwalay kami ay nginitian niya ako, kaya naman iyon din ang ginawa ko. Hindi iyon aabot sa tenga pero nginitian niya pa rin ako. Ito na ba ang araw na hinihintay kong magkakabalikan kami? Babalik ka na ba sa'kin?
Gano'n na lang nagunaw ang mundo ko nang makita kong inalis ni Cristof sa akin ang paningin niya at humarap sa ibang gawi. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi niya saka muling bumaling sa akin ng tingin. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya habang ako ay nakikiramdam sa susunod niyang gagawin.
Doon ko naisipang tignan ang kanina niyang pinaglaanan ng atensiyon. Si Lianne. Si Lianne na may hawak ng mga bulaklak na kasing kulay ng hawak ni Cristof. Isa-isang binibigay ng mga kaibigan nila ang bawat rosas. At ang hawak ni Cristof ang huling piraso ng bulaklak na kokompleto doon, sa tingin ko.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napabuntong-hininga at bahagyang natawa. Rinig ko ang sakit sa sariling tawa ko na iyon. Mukhang nasagot na ang mga tanong ko. Hindi para sa'yo iyon, Ann. Hindi rin siya babalik. Ipinagtagpo lang talaga kayo ngayon para malaman mo na may iba na.
Muli nanamang umiinit ang mukha ko at humahapdi ang mga mata ko. Bago pa tuluyang tumulo ang luha ay pinikit ko na ito saka muling humarap sa kinatatayuan ni Cristof. Nandoon pa rin siya at pinag-aaralang mabuti ang bawat galaw ko.
Ilang minuto kaming nagpapakiramdaman kung ano ang susunod na gagawin, kung sino ang gagawa ng susunod na hakbang at kung kailan matatapos ito.
Naputol lang ang tingin namin sa isa't isa nang tawagin siya ng isa sa mga kaibigan niya. Nagsimula siyang lumakad papunta sa gawi ni Lianne saka binigay ang bulaklak. Nasaksihan ko kung ano ang naging reaksyon ni Lianne matapos iabot ni Cristof sa kaniya ang bulaklak.
Muli akong bumuntong-hininga saka naglakad papalapit sa kung nasaan sila. Dito ang daan papuntang classroom kaya wala na akong choice. Kailangan ko silang lagpasan at nang makarating ako sa may gilid ay bigla akong napatigil dahil sa nagsalita siya, si Cristof, "Ann."
"Blue roses, Cristof? Really?" suminghal lang ako saka umiling. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naninikip nanaman ang dibdib ko. The least he could do is give her something else.
Nang makarating ako sa classroom ay naupo ako agad sa aking upuan. Doon ko napansin na wala pa sila Jan, Anj at Gen. Kahit kailan ay hindi pa ako naunang pumasok sa kanila kaya naman buo ang pagtataka ko dahil doon.
Naupo na lang ako sa aking silya at nakatulala sa pisara. Napaharap ako sa pintuan nang tumunog ito at nakita ko si Anj at Gen na may hawak na tig-isang bulaklak. Natutuwa ako para sa kanila pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng lungkot para sa sarili ko.
Nakangiti silang lumapit sa akin at nang makarating si Gen sa harapan ko ay iniabot niya sa akin ang bulaklak na hawak niya. Pero hindi ko iyon tinanggap. Bakit niya naman ibibigay sa akin ang binigay sa kaniya ng mangliligaw niya.
"Kanino 'yan galing? 'Di ko alam na may nangliligaw pala sa'yo ha," sabi ko.
"Para sa'yo 'to," pag-aabot niyang muli sa bulaklak na hawak niya, "galing sa amin," saka siya humarap sa gawi nila Anj at Jan.
Doon ko tinanggap ang bulaklak na pilit niyang inaabot. Tinignan ko lang ito sandali saka binitawan sa aking lamesa. Matapos noon ay ipinangtakip ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha at doon umiyak.
"Huy, bakit ka umiiyak?" tanong ni Anj.
"Thank you," sabi ko, hindi pa rin tinatanggal ang mga kamay sa mukha ko.
"Andito lang kami lagi, Ann," sabi ni Gen.
Nang mahimasmasan ako ay pilit kong pinunasan ang mga mata ko saka tumayo at niyakap si Gen, "Thank you," saka pumunta sa harap ni Anj para gawin din iyon sa kaniya. Nang mapunta ako sa harap ni Jan ay natawa na lang ako. "Thank you," sabi ko sa kaniya.
"Galing 'yan sa buong The Middle," sabi ni Jan.
"Masaya kaming lahat kasi kasama ka na sa amin," sabi ni Gen.
"At parang awa mo na, Ann, 'wag ka nang umiyak," natatawang sabi ni Anj.
"Pinapaiyak niyo 'ko," sabi ko saka tinignang muli ang bulaklak na bigay nila.
Sinuwerte sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Dla nastolatkówKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...