Gabino's POV
Wala siyang nagawa kundi ang iuwi si Gavin sa bahay niya. Kahit ayaw nito ipinasok niya ito sa presinto at inilapit sa mga taga-DSWD pero nasermunan lang siya.
Narinig niya pang sinabihan siyang walang bayag ng isa sa mga staff.
Ang magaling na bata ay nagdrama sa loob ng presinto. Kesyo ayaw niya raw itong tanggapin bilang anak at umiyak-iyak pa. Ang sama ng tingin ng mga nandoon sa kanya kaya naman binitbit niya ang bata at iniuwi na lang dahil baka siya pa ang makulong ng dahil dito.
Wala siyang kasama sa bahay niya. Nagpagawa siya ng bahay sa San Ignacio para mapalapit sa restaurant niya. May anim na branch na ang Chef Melchor ang tatlo ay na sa Manila nakabase sa loob ng Arcega Hotel and Casino.
Inalok kasi siya ni Don Damian na maglagay ng franchise sa mismong hotel na agad naman niyang tinanggap. Siya kasi ang nag-cater ng mag celebrate ng 50th wedding ang Don at ang asawa nito. Na-impress ang Don kaya naman inalukan siya nito. Tinulungan din siya nitong maka-loan sa AMB – na pagaari ng Daddy ni Erika..
Kaya ngayon masasabi niyang matatag na ang hanapbuhay niya. Si Sab na lang ang kulang. Kaso hanggang ngayon hindi pa rin siya binabalikan nito.
Nang huling araw na makita niya ito sinabi nitong magkita sila sa San Ignacio. Akala niya Magbabakasyon lang ito sa San Ignacio at pinasusunod siya doon. Nagulat na lang siya ng malamang naglayas ito. Hinanap niya ito at inaway niya pa si Erika. Pero walang nakakaalam kung saan ito nagpunta. Wala ring nakakaalam kung bakit ito umalis. Kung alam niya lang... Pinigilan niya ito. Pero magpapapigil naman kaya ito sa kanya? Siguro'y hindi. Mahilig itong sarilinin ang mga problemang kinakaharap nito. At 'yon ang ikinasasama niya ng loob.
Hindi nga siya umakyat ng stage ng grumaduate sila kahit pa todo ang pakiusap sa kanya ng Mommy niya. Ayaw niyang umakyat dahil ayaw niyang umiyak sa harap ng maraming tao. After a month nagdesisyon siyang tanggapin ang alok ng Daddy ni Millet na mag-aral sa New York. Limang taon siya do'n hanggang sa umuwi siya dito sa pilipinas at dito na tuluyang nanatili. Naging apprentice siya ng ilang kilalang Chef sa Manila hanggang sa makaisip siyang magsarili. Gamit ang mga naipong pera inupahan niya ang kinatatayuan ng Chef Melchor at sumugal na magnegosyo. Mga kamag-anak ang una niyang naging kliyente hanggang sa mga kaibigan ng kamag-anak niya at kaibigan ng kaibigan ng mga ito. Hanggang sa tuluyan ng nakilala ang Chef Melchor bilang isang caterer.
Hanggang sa alukin siya ni Don Damian na magtayo ng Chef Melchor sa Hotel ng mga ito. Dahilan para mas mapalago niya ang Chef Melchor at mas lalong nakilala hindi lang sa probinsya nila kundi pati na rin sa ka-Maynilaan.
At wala siyang ibang gustong bahagian ng tagumpay niya kundi si Sabrina. Iintayin niya ito gaya ng ipinangako nito sa kanya.
"Hoy, Tay! Inaantok na ako," pukaw ni Gavin sa kanya.
Napabuga na lang siya ng hangin. Ngayon problema niya pa itong batang ito. Kailangan niyang mahanap ang mga magulang nito.
MAG-IISANG buwan na si Gavin sa poder niya. Hanggang ngayon wala pa rin siyang alam kung nasaan ang mga magulang nito at tanging Bulacan lang ang lead niya! Hindi rin naman niya mapaamin si Gavin.
Nasasanay na rin siya na nasa bahay niya ito madalas din itong sumama sa kanya sa restaurant at nagpapaturong magluto sa kanya. Some how feeling niya siya talaga ang Tatay nito at minsan nahihiling niyang sila ni Sabrina ang mga magulang ni Gavin.
Kung magkaka-anak man siya sana ay katulad nito. Matalino at bibo.
Dinampot niya ang cellphone niya at dinial ang numero ng kapatid. Na sa bahay kasi ng mga ito si Gavin. Noong unang sabihin at ipakilala niya dito si Gavin ay agad na naisip nito si Sabrina, gano'n din si Arjhay. Baka raw anak niya at ni Sabrina si Gavin. Sinubukan ding kausapin ni Jasmine ang bata para tanungin pero matigas talaga ang ulo at ayaw magsalita. Tinakot na din niya itong muling ibabalik sa mga pulis pero ng umiyak ito at agad niya ring inamo at nag-sorry siya.
May bahagi niya ang nagsasabing baka nga anak nila ni Sabrina si Gavin pero pinipigil niya. Ayaw niyang umasa at masaktan.
Kapag nga naiisip niyang isang araw may pupunta sa bahay niya at sasabihing ito ang mga magulang ni Gavin nakakaramdam na siya ng sakit at lungkot.
Masyado na siyang na attach sa bata.
"Hello, kuya?" ani ni Jasmine sa kabilang linya. "Napatawag ka?"
Napabuntong-hininga siya. "Si Gavin kumain na ba?" tanong niya sa kapatid.
Narinig naman niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Oo, pinakain ko na ang anak mo," nanunudyong ani ng kapatid niya.
Natawa na lang din siya at napailing. Narinig niyang tinawag ng kapatid niya si Gavin mayamaya lang ay ito na ang na sa kabilang linya.
"Tay, magsasaranggola kami ni Tito Arjhay!" balita ni Gavin sa kanya. Nasanay na rin siyang tinatawag nitong Tatay. Nakipag kwentuhan siya dito saglit bago siya tuluyang nagpapaalam dito.
Nakangiti pa rin siya habang pinag-aaralan ang bagong menu na ilalabas ng Chef Melchor ng may kumatok sa pintuan niya.
"Sir, may babae po sa labas hinahanap po kayo... " ani ng secretary niya. Nangunot naman ang noo niya. Wala siyang inaasahang bisita o ka-meeting ngayong araw.
"Sige papasukin mo," aniya saka bumalik sa pagbabasa.
Nakarinig siya ng tatlong katok pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pintuan. Napanga-nga siya sa babaeng pumasok sa opisina niya.
Nakasuot ito ng tee shirt at ripped jeans. Nakapusod ang buhok nito. Wala itong make-up at bahagyang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito pero hindi maitatago no'n ang taglay nitong ganda. Ang mga mata nitong may halong takot, lungkot at pananabik. Ang mga labi nitong kagat-kagat nito.
Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya habang nakikipatitigan sa babaeng dumating.
"S-Sab... " sambit niya sa pangalan nito at hindi niya maiwasang panginigan ng boses.
Na sa harapan niya ngayon ang babaeng una niyang minahal, ang babaeng naging sentro ng mga pangarap niya at ang babaeng dumurog sa puso niya nang iwanan siya nito ten years ago.
Si Sabrina Arcega.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...