Pag-sisisi

11 5 0
                                    

9:30pm na mag kausap pa rin kami sa cellphone ng girlfriend kong si Kiara. Nag uusap lang kami about sa mga bagay bagay, tulad ng gusto naming buhay kapag mag asawa na kami.

2 years na kami ni Kiara. Mabait si s'ya, maalalahanin, matalino, mapag bigay, may takot sa Diyos, mapagkumbaba at malawak ang pag iisip sa lahat ng bagay, kaya't sobrang haba ng pasensya nito.

Sa tatlong taon na pagsasama namin, bilang palang sa dalawang daliri ng kamay ko, kung ilang beses s'yang tinopak, nagtampo o nag selos. Matured na kami parehas, lalo na s'ya.

"Love? What if we aren't meant for each other? or you fell out of love?" tanong ni Kiara na nagpakunot ng noo ko.

"Love? ano bang pinag sasabi mo d'yan? ha? Okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Sagutin mo lang 'yung tanong ko, please." ani n'ya sa kabilang linya.

"Kiara, Love, Mahal na mahal kita. Kung hindi tayo para sa isa't isa, pipilitin ko, hanggat kaya ko. Kahit sobrang hirap, aayusin ko, aayusin natin. Hindi ko hahayaang mawala ka. Saka hindi mawawala 'yung pagmamahal ko para sa 'yo ha? Ang swerte swerte ko na sa 'yo. Mahal kita, kahit na umabot sa puntong nag iiba na ugali mo, iintindihin ko, mas mamahalin kita sa ugaling 'yon, mamahalin kita ng buong buo. Mahal kita Kiara, Mahal na mahal!" mahaba kong saad habang tumatango tango na para bang nakikita n'ya ako sa kabilang linya.

"Alam mo Railey, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kung maiiyak ba ako sa kilig, o maaasar kasi sobrang korni mo nanaman." Sabay tawa nito sa kabilang linya.

"Love naman e, sabi mo kasi sagutin ko tanong mo. Ayun po, sinagot ko naman ih." Bakit? sabi n'ya sagutin ko? haynako, nababaliw nanaman.

"Joke lang, naman touch ako, pinapatawa lang kita." Aba hmp! p'wes hindi ako natatawa o natutuwa. Hahaha joke.

"Love naman. Pero seryoso po ako don ha." Saad ko.

"Alam ko naman, Mahal din kita Railey, Mahal na mahal!" sabay halik nito sa cellphone n'ya, na agad din ako humalik pabalik, dahilan para tumawa kami.

Buong gabi pala kami mag kausap ni Kiara, umabot pa kami ng alas tres ng madaling araw. Kaya heto ako, late nanamang nagising, buti nalang at hindi ako late ngayon sa school.

4th Year College na ako, parehas kami ni Kiara, pero magkaiba kami ng pinapasukang University, pero walking distance lang naman ito.

Sobrang busy namin, lalo na't Civil Engineer ang kinukuha ko, at Journalism naman si Kiara, talino 'di ba?! Asawa ko 'yan! Hahaha.

Lumipas ang ilang linggo, hindi na kami nakakalabas ng kaming dalawa lang ni Kiara, sobrang busy kami sa pag aaral, graduating na rin kasi kami parehas.

Nasa hallway ako ngayon ng building namin, nang tapikin ako ng kaibigan kong si Yaser kasama sila Gino at Leo.

"Uy pre! Birthday na ni Leo bukas!" Saad sa akin ni Yaser.

"Oo nga pala, Advance Happy birthday pre!" sabay apir ko kay Leo.

"Salamat pre. May ganap bukas, inuman sa bahay namin, Sama ka ha!" Pag aaya ni Leo.

Nagulat naman ako, dahil hindi pa ako nakakapag paalam kay Kiara, ayaw kasi nitong umiinom ako, lalo na kung maraming ginagawa.

"Eh pre, madaming gawain ngayon ah?" Takang tanong ko.

"Ayos lang 'yan! Sabado naman bukas! at saka Isang beses lang 'to sa isang taon! Pag bigyan mo na si Leo pre! Birthday naman!" Pag pupumilit ni Yaser.

"Oo nga naman pre! saka tayo tayo lang namang pito don, kasama 'yung ibang kaibigan natin." Sulsol ni Gino.

"Osige sige. Kakausapin ko muna si Kiara, mag papaalam ako, okay?" Baka kasi magalit 'yon si Kiara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon