Zaugustus's POV
Napapailing ako na lumabas ng basement. I dont know what am i doing, oo nga at gusto ko siya pero hindi ko siya pwedeng halikan na lang ng ganon.
Bumuntong hininga ako at agad na nagtungo sa kwarto ni Kade.
"You kissed my ate?" Kade ask me seriously
"Kade i didn't mean it, l-let me explain-"
"Explain what?" He cut me "Theoden mahal na mahal ka ni Reece tapos ginaganito mo lang siya?.... kahit saang banda tingnan mali ang umibig ka sa ate ko!.....dahil ikakasal ka na kay Reece" my eyes widened bakit hindi ko alam ang tungkol dito?
"A-Ano?.....anong ikakasal?...hindi naman naging kami?.....no...this can't be...hell no" nasuklay ko ang buhok ko dala ng kalituhan
"Hell yes," Kade smirk
"At Theoden, buntis si Reece, buntis ang pinsan ko....ikaw ang ama" napaupo ako sa sahig dahil sa balitang hatid ni Kyst
"Paanong-"
"Dahil may nangyari sa inyo ni Reece two months ago right?" I nodded
"Pakasalan mo si Reece...dahil kilala ko naman talaga kung sino ang tinitibok ng puso mo at hindi ang ate k-" i cut Kade
"Si Cryaier ang mahal ko Kade" bumaling ako kay Kyst na masamang nakatingin sa akin "Sorry pre, pero hindi ko papakasalan si Reece, susustentuhan ko na lang siya at ang bata,"
"Gago ka pre...." nasabi lang ni Kyst bago lumabas ng kwarto.
Namayani ang katahimikan sa buong kwarto ni Kade hanggang sa basagin niya yon."Hindi mo mahal ang ate ko" napatingin ako sa kaniya habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader "infatuation lang ang nararamdaman mo....kung magpapakaduwag ka,baka maranasan mo ang nangyayari sa'kin ngayon pre" He blew a deep sigh "ikaw rin....kung gusto mong mawala siya sayo edi, go, ligawan mo ang ate ko....at kapag napatunayan mo na sa sarili mo kung sino talaga ang mahal mo, duon ka magsisisi at babagsak ka sa lupa dahil iniisip mong napakawala mong kwenta"
"Kade"
"Kagaya ko na lang, mas pinili ko si Eunice kesa kay Celestine, at tiyaka ko lang nalaman na si Celestine pala talaga ang mahal ko, nuong wala na siya sa tabi ko" nakangiti siya ng mapait habang sinasabi niya iyon.
Tila natauhan ako sa sinabi niya pero hindi ko talaga matanggap na pakasalan si Reece what happen with us is just a one night stand.
"Sana si Reece ang piliin mo, kasi ang ate ko, may nakatakda na para sa kaniya" napabaling ang paningin ko kay Kade na nasa may pintuan na. "Be a good man always Theoden, dahil ang kilala kong Theoden ay yung taong hindi sakim, at hindi takot sa responsibilidad" nginitian niya ako bago siya lumabas ng kwarto.
Tiyaka pa lang tumulo ang luha ko at parang libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko ng malaman ko na may nakatakda ng lalaki para kay Cryaier at hindi ako iyon kung sino man iyon ay hindi ko kilala.
Ipinilig ko ang ulo ko at kinuha ang phone ko, tinawagan ko si Dad after three rings he picked up.
"Oh anak"
"Dad" hindi ko napigilan ang mapahikbi.
"Son, what happened?"
"Dad, nabuntis ko si Reece" katahimikan ang namayani sa kabilang linya.
"I know son"
"How'd you know dad?.." nagtataka akong napatayo at nagtungo sa teresa ng kwarto ni Kade.
"Anak...kasi..."
"Kasi?"
"Anak..si Reece kasi..."