Kabit

1.9K 6 0
                                    

"Meron akong ibang babae. Kabit. Mistress. Kerida. Two timer. Nagtataksil. O kahit ano pang mga ibang salita na magpapaliwanag sa ginagawang kasalanan sa isang relasiyon. Basta, meron akong ibang babae."

Biglang tumahimik sa loob ng isang maliit na kuwarto. Maliban sa dalawpung taong nasa loob(kabilang na ako), tanging mga silya at iilang librong nakapatong sa mga estante ang laman ng apat na sulok na silid. Kanina lang ay masayang nagkwe-kuwentuhan ang mga kasama ko. Nagtatawanan at naghihiyawan. Halos nakakabingi na nga ang mga kantiyawan ng ilan. Pero nang ako na ang nasa harapan, lahat tumahimik. Lahat ng mata ay napako sa akin. Tila sinelyuhan ang mga labi, ni hangin ay hindi makakapasok. Makikita sa mata ng iba ang pagkasabik, ni hirap silang kumurap. Lalo na nang sabihin ko sa kanila, na meron akong ibang babae.

"Sampung taon na kaming kasal. May dalawang anak na halos hindi nalalayo ang agwat sa isa't-isa. Pitong taon na ang panganay ko, at lima naman ang bunso. Kung kukuwentahing mabuti, magkasintahan na kami ni misis mula pa noong unang taon namin sa highschool. Siguro, more or less, mga 20 years na kaming magkarelasyon.

Masaya ang pagsasama namin ni misis. Lalo na nang mga panahong bagong kasal kami at nang magkaanak na kami. Perpekto siyang babae para sa akin. Maasikaso siya at maalagang asawa. Sweet at cute kung magselos. Kahit pa noong mga panahong magnobyo at magnobya palang kami. Masarap siyang magluto at maalalahanin lalo na sa mga bagay na may mga sentimental. Hindi ko malalaman na pang 2,179 days ko na pala siyang kakilala mula nung una naming pagkikita, kung hindi niya pa papaalala sa akin. Hindi ko malalaman na pang 58 na regalo ko na pala sa kanya iyong suot niyang headband noong 7th monthsary namin kung hindi niya papaalala sa akin. Ganon siya magalaga ng relasiyon. Bawat araw na lumilipas naming dalawa, ay tila tumatatak sa kaniyang puso at naisusulat sa mala-diary niyang utak. At oo, hindi ko ipagkakaila o ikakahiya, magaling din siya sa kama. Naku, kung alam niyo lang kung gaano niya napapalitaw ang pagiging animal ko kapag yakap namin ang dilim!

Napaka perpekto niya talaga para sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng pagiging wife material niya, meron akong ibang babae."

"sampung taong magkasintahan. Sampung taong kasal. Dalawang anak. Pero meron akong ibang babae."

"madali ang humanap ng magugustuhan, pero mahirap itong panindigan. Hindi mo kontrolado ang bukas, at lalong hindi mo alam ang mangyayari sa loob ng isang linggo. Masaya ka ngayon, malamang pati bukas o sa mga susunod pang mga araw o taon man, pero kaya mo bang panghawakan ito hanggang sa wakas? Parang dahon sa puno. Napakaganda nito sa unang usbong. Maberde't makulay. Pero kahit gaano man ito kasariwa, darating ang araw na matutuyo't ito hanggang sa malaglag na sa lupa at paglilipasan na ng panahon.

Hindi ako perpektong lalake. Inaamin ko iyon. Madami akong mga kahinaan. Natatakot din ako at natutukso. Sabi nila, ang mga tunay na lalake ay iyong mayroong mga kabit. Iyong may kinakama na higit pa sa isang babae. Kung ganon, tunay na lalake ba ako? Dahil meron akong ibang babae.

"naging matumal ang relasyon namin ng asawa ko nitong mga huling taon. Siguro dahil sa iba't-ibang bagay na pinagkakaabalahan na namin. Sobrang focus naming dalawa sa trabaho. Dumarating na sa pagkakataon na hindi na kami nagkakausap dahil sa sobrang pagod namin. Tutulugan namin ang isa't-isa sa gabi at magta-trabaho ulit kinabukasan. Ni hindi na namin magawang magkamustahan man lang. Hanggang sa dumating ako sa punto na masanay sa ganitong setup. Minsan hindi ko na siya hinahanap o namimiss man lang. Siguro safe kung masasabi na nagsawa na ako sa kaniya. Wala e, parang hindi ko na siya nararamdaman kahit na araw-araw kaming nagkikita sa isang bahay. Naranasan ko ulit ang pagiging binata sa unang pagkakataon, simula nang sagutin niya ako bilang boyfriend. Doon ko rin nakilala si Maricar, ang ibang babae ko."

"tatlong taon ang bawal na relasiyon namin ni Maricar. Alam niya na may asawa ako, pero ayos lang sa kaniya dahil mahal niya ako. Okay lang sa kaniya kahit na kabit lang ang tawag sa sarili niya. Sigurado ako na alam ito ng asawa ko. Kung meron mang napakadelikadong talento ang mga babae, yun ay ang lakas ng kanilang instinct na madalas ay tama. Alam niyang meron akong ibang babae, pero nagbubulag-bulagan lang. Hindi niya ako sinusumbatan. Inaaway o pinapaamin. Uuwi ako sa bahay na nakahanda parin ang aking hapunan. Ipaglalapag ng almusal tuwing umaga. Hahatiran parin ng tanghalian sa trabaho. Ipaggo-grocery ng beer at ihahanda ang pulutan sa tuwing ako'y iinom. Pero hindi niya ako lalambingin o katulad ng dati na super sweet. Kakausapin niya lang ako tungkol sa mga importanteng bagay, pwera lang kay Maricar. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o sinasadya niya nalang maging manhid kahit na harap-harapan na ang pambabastos ko sa kaniya."

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon