Unang araw ng pasukan sa huling taon ng highschool si Athena.
ATHENA'S POV
Naririnig ko na ang ingay ng alarm ko kaya agad ko itong tinignan, 5:30 am na 7:30 am pa pasok ko. Mabagal ako kumilos kaya inaadjust ko ang gising ko dahil 1 and half hour ako kung kumilos.
Tumayo na ako sa kama at agad na dumiretso sa cr para maghilamos pag katapos ay pumunta na ako sa kusina para kumain.
"Oh gising kana pala kumain kana" galing sa pagluluto si mama
"Ang aga mo ata" habang inaayos ang pagkain ko
"First day ma, ganon talaga hehe" sagot ko
"Nasan si manang?" tukoy ko sa kasambahay namin
"Ah namalengke para sa lunch" at umupo na si mama sa silya na kaharap ko
"Ah sige po" at sinimulan na din naming kumain
Natapos na akong kumain at dumiretso sa cr para maligo. Pagkatapos ng 30mins ay natapos din ako at nag asikaso.
"Ma, alis na po ako" habang inaayos ang bag ko
"Ah sige ingat ka, goodluck sa first day" at hinalikan ko lang si mama sa pisngi at tuluyan ng umalis.
Since walk in distance lang naman ang school namin ay wala pang 15mins nakarating na ako sa school. Ayoko ng sumakay, exercise ko na din 'to sa umaga at malapit lang naman.
Dumiretso na ako sa classroom since alam ko na ang room namin. Dalawa lang ang room ng grade 12 at lahat ng grade 12 ay naging kaibigan ko na din. Dahil simula grade 11 ay kilala na namin ang isa't isa kaya hindi mahirap ang first day para samin.
"Hellooooo" masayang bati sakin ni Payne
"Oy haha" natatawang sabi ko
"Ang aga ah" dumating na ang kaibigan ko na si Payne
"Syempre naman hehe" at umupo siya sa tabi ko at sumunod naman sa kanya si Scarlett na ngumiti naman sakin
Dumami na ang mga classmate namin at maya maya pa ay pinababa kami dahil flag ceremony tsk ito ang ayaw ko sa lahat dahil nakakatamad tumayo doon at kumanta.
Nang matapos ang flag ceremony ay umakyat nadin kami sa room namin, maraming new students sa Bright Academy lalo na mga grade 11.
Nagsimula na kaming mag kwentuhan at mag kamustahan ng mga kaibigan ko. At maya maya pa ay pumasok na ang teacher namin.
"Good morning class" nakangiting bati ng teacher namin, di ko kilala lahat ng teacher sa school namin at karamihan pa ay mga bagong teacher lang sa Bright Academy.
"Good morning ma'am" sabay sabay na tayo namin at bumati
Nagpakilala si ma'am at pag tapos ay kami naman ang nagpakilala. Kahit kilala ko mga classmate ko ay kinakabahan padin ako sa twing tatayo ako sa harap.
"Good morning. I'm Athena Ailani Ricafort, 17 years old" nakangiting pagpapakilala ko
Ganon lang ang routine ngayong araw since first day nga. Wala munang discuss wala pa ganon ginagawa at puro pag papakilala lang sa mga teacher ang ginawa namin since kilala naman namin ang mga classmates namin.
Break
"tara sa canteen" yaya ni Scarlett
Sumunod naman kami sa kaniya at bumaba na. Nakarating na kami sa canteen at ang dami ng tao at may mga nakikita akong new students pero hindi ko na lang iyon pinansin. Pumila na kami at nag antay makabili. Pag tapos bumili ay lumabas na din kami ng canteen at tumambay muna sa court umupo kami sa bench at nag kwentuhan lang.
YOU ARE READING
CHASE YOUR DREAM
RomanceMasaya at simple lang ang buhay ni Athena, sa huling taon niya sa highschool ay dadating si Kurt Cedric Alcantara sa buhay niya. Isang bagong estudyante sa Bright Academy. Maraming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan nito ngunit isang mahilig sa...