Chpater 13

83 2 0
                                    

Papunta ako ng studio ngayon.  May ballet kasi kami mamayang 2pm.  Pero 1pm palang ay papunta na ako.  At this time, gusto ko na mauna sa studio.  Himala nga eh.  Siguro mabibigla yung mga kasama ko pag nalaman nila na nauna ako sa kanila. hehehe

Pagbukas ko sa pintuan, nakita ko si Paj, mag-isang sumasayaw.  Cramping ata??  Galit kasi siya sa pagsasayaw eh.  AS in GALIT NA GALIT!!.

Tumutulo na rin yung mga pawis niya.  Basang-basa na yung likod at buhok niya sa pawis.  Huminto siya sa pagsasayaw at biglang napaupo sa sahig.  Tumingin siya sa malaking salamin at-------------

"Anong ginagawa mo dito??" tanong niya sa'kin habang bumabawi ng hininga.

"May praktis kami mamaya...." sagot ko.

"Ang aga mo ata?" tapos kinuha niya yung towel niya at pinunasan niya ang ulo at likod niya.

"Akala ko kasi walang tao.  Kaya naisipan kog mag-praktis din ng konti." sabi ko.

"HIMALA...."

Yan na nga bang sinasabi ko!!!

"Everybody change... Even you..." sabi ko at umupo siya may upuan malapit sa barre.

"Kayo uli ni Kelly?" tanong niya.

"Huh?..." nabigla ako sa tanong niya. Alam na niya siguro na nagsasama kami ni Kelly.

"Kayo na ba uli ni Kelly? Nakita ko kayo sa labas ng school kahapon. Sinundo ka niya."

Gosh!! Hindi na ako pwedeng magdeny!!

"Ahh yun ba? Oo. Kami na uli..." WADAPAK...!

"So, hindi ka pa rin natuto?" napasandal siya sa may barre.

"Ahm..... Panu ba to...?..... I just... Well, We just realized na mahal pa rin namin ang isa't-isa."

"Mahal? Ano ba kasi yang pagmamahal? Alam mo bang nakita ko siya kasama si-----------"

"----Tama na please!..." singit ko.

"Pumapayag ka na may kasama siyang ibang babae?  Ganyan ka na ba talaga kadespirada, Tash?" napatayo siya at lumapit sa'kin.

"Hindi mo ako naiintindihan..."

"Ano ba ang hindi ko maintindihan? Ipaliwanag mo nga sa'kin?!"

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo.  At para 'san pa?!"  Ang lakas-lakas na ng sigaw namin dito.

Hindi siya kumibo.

"Neil, mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

Tumitig lang siya sa'kin.

"Neil, mahal mo ba ako?  Eto na ang panahon para sabihin mo sa 'kin ang totoo. Kasi naguguluhan na din ako sa sitwasyon natin."

"Walang ATIN, Tash.  At bakit ka maguguluhan kung kaibigan lang ang turing ko sa'yo?" at agad umalis si Paj ng padabog.

Hindi ako kumibo.  Nanatili pa rin akong tulala. Akala ko mahal niya ako. Hindi pala.  Ang kapal ko rin ano?? Tsk.!

Pagkatapos ng ballet ay dumating sina Alexis at Asha sa studio.  Mukhang galit.

"Tash, mag-usap tayo."sabi ni Asha.

Tendededeng!!!  Nalaman na nila siguro ang ginawa ko sa kanilang mga boylets... Nakuuu!! Lagot!

"Bakit girls?" nakangiti kong sabi.  Pa-as-if na walang idea..

"How could you do that?" galit na sabi ni Alexis. Eto na nga ba ang sinasabi ko..

"I'm sorry girls..  I thought things would be better if I did that.  Hindi ko naman akalain na-----"

"Hey.Hey.Hey. What are you talking about?" singit ni Asha.

"Yung paglapit ko kay Lauren at kay Seth.  Sinabi ko kay Lauren na nasaktan ka Alexis.  Tapos sinabi ko kay Seth ang nararamdaman ni Asha para sa kanya...."

Tulala sila pareho.... 0.0

"Ginawa mo yun??!!!!!!!!!!!!"   Wow.. at ako na ngayon ang nag-spoil sa sarili kong SECRET....

"Eh ano bang pinunta niyo dito??!"

"Tatanungin ka sana namin, kung bakit hindi mo sinabi sa'min na may problema ka.  Ang ikakasal ka na sa EX mo..." paliwanag ni Alexis.

"Ahh, yun ba? Eh panu, may problema ka.  May problema din si Asha. Eh 'san ko naman isisingit ang problema ko?  Ano, MAGDADAMAYAN nalang tayo?" paliwanag ko sa kanila..

"Kaya pala humingi ng sorry si Lauren sa'kin...." sabi ni Alexis.

"At kaya pala na pinapansin na ako ni Seth..." sabi ni Asha.

Well I think things are getting better and BETTER!!!

Ngayon ang signing of contract sa magiging kasal namin ni Kelly.  Nagpapatunay lang yun na hindi kami aatras sa kasal namin.   

Pagdating ko sa family restaurant nina Kelly, ay nilapitan niya ako agad.

"So, this is it..." sabi niya.

"Yeah.........." at napabuntong hininga lang ako.

"Kacelyn and I broke up yesterday." 

"Whatt?......." nabigla ako sa sinabi niya.

"Pera lang pala ang habol niya sa'kin.  I was so damn before I realized it.."

"I'm sorry...." tapos niyakap ko siya. 

"No it's okay.  Panu na yung mahal mo?" sabi niya.

"I was so fool believing that he loves me." nakayakap pa rin ako kay Kelly.

"So, ipagpapatuloy nalang natin 'to?  Wala nang atrasan?  Siguro naman we can make things better. Let's get start all over, Tash."

"Siguro nga...." tapos niyakap din ako ni Kelly as comfort.

----HIT VOTE AND COMMENT!

TBTA:  Anastasha's Story (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon