Kabanata 29
Merry Christmas!
Maraming gawain sa school kaya agad kong tinapos ang lahat nang 'yon. I smiled at him after I closed my bag. He intertwined his hand on mine.
"Ano? Nasagutan mo lahat?" Tanong ni Eli. Marahan akong tumango sa kanya.
Sa last period ko kasi ay nag-quiz kami. Ang hirap pa naman at nablangko pa ako kanina. Papunta kami sa isang café ngayon at kakain ng merienda. Isinabit ko nang maigi sa isang balikat ko ang tote bag habang hawak niya ang isang kamay ko.
"Uuwi ako sa Mindoro next week." Pag-o-open ko ng topic nang dumating ang order namin.
Ilang buwan na rin ang nakalipas. Dumaan ang iilang birthdays ng mga pinsan niya at isinama pa ako sa bonggang party ng pinsan niyang si Asia. Isa siya sa mga dancers namin sa DC. Well, she's a very good dancer. Busy at talagang time management ang kailangan ko ngayon. Graduating na ako at kailangan pag-igihin. Next week, simula na ng Christmas break namin kaya uuwi ako sa Mindoro.
Tumango-tango si Eli habang kinakain ang Chocolate cake na in-order niya. Umusog ako palapit sa kanya. I tapped his arm, getting his attention.
"Hmm?"
"Samahan mo'ko sa mall mamaya, ha." I smiled.
"Sure, babe. Anong bibilhin mo?" Umangat ang kilay niya.
"Hindi. May titignan lang ako." Ngiti ko sa kanya at nagpalumbaba sa mesa habang pinagmamasdan siyang kumain.
"Care to tell me about it?" Uminom siya ng Iced Americano.
"Damit ko lang. Pati regalo kina mama."
Minsan lang ako gumastos nang malaki. May extra pa naman ako. Bibili lang ako ng damit ko at para kina mama, Arjon at Marlon. Para iuuwi ko na lang doon yung mga regalo ko.
"Kasama na rin ba dyan yung akin?" Tila ba interesadong tanong ni Eli at pinagsalikop pa ang kamay niya.
Umirap naman ako. "Hindi."
Napanganga naman siya. "Awit 'yan."
"Gift nga kasi e, secret muna!" Napakamot ako ng ulo. "Basta. Magugustuhan mo!"
Malaki siyang ngumiti. "Really, Ash? Mamaya kung ano 'yon ah." Ngumuso siya.
Sa totoo lang, may nabili na akong regalo para sa kanya. Hindi ako sure kung magugustuhan nga niya, pero hoping ako. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Don't worry, magugustuhan mo talaga. Trust me."
"Thrust you?" Biglang lumitaw ang pilyong ngisi sa labi na ikinairap ko.
"Ang mais-mais mo. Hay nako!"
"Tss. Joke ba 'yon?"
Gaya nga nang sinabi ko, sa mall kami dumiretso. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko habang hawak ko naman ang milk tea na binili ko kanina. Naglalakad kami ngayon dito sa first floor at tumitingin sa mga stores. Pumasok kami sa H&M at tumingin ng mga damit doon. May napili naman ako na para sa akin.
"Ano sa tingin mo? Bagay ba sa'kin?" Ipinakita ko sa kanya ang NASA hoodie at sweatpants na kulay gray. Since malamig na rin naman.
"You don't have to ask me, bagay sa'yo." Nakangiti niyang sabi at kumuha rin. "Bibili rin ako, parehas tayo."
Hindi ko naman naiwasang mapaisip ng kung ano. Shemas. Ang cute siguro namin tignan kung suot naming dalawa 'to? Tumango ako sa kanya. Kumuha siya ng size niya at inilagay na sa basket na dala niya. Napadpad naman kami sa mga underwears. Medyo awkward kaya napalunok na lang ako.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romansa[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...