CHAPTER NINE
Unang araw ngayon ni Lou na magtatrabaho sa amin at hindi talaga ako mapakali sa loob ng aming bahay. Pabalik-balik ako sa paglalakad sa sala at panay tingin sa orasan. 9:35 pa lang? Ang tagal naman mag-10 o'clock!! Alas-dies kasi ng umaga ang usapan namin kahapon. Binigay ko rin ang address ng bahay namin at kinausap ko na rin ang mga guard ng subdivision na may ineexpect akong bisita ngayon. Hindi kaya naligaw siya? Maayos naman yung sulat ko sa address na binigay ko sa kaniya. Bakit ba kasi nakalimutan kong hingin ang phone number niya? Hmmmm sunduin ko na kaya? Or kahit salubungin ko na lang siya sa labas. Oo tama
"Kuya! Ang likot likot mo, kanina ka pa lakad ng lakad. Nanood ako ehhh" reklamo ng kapatid ko. Lumapit ako at umupo sa harapan niya para makita niya ako.
"Andrus, kamusta ang itsura ko ngayon?", tanong ko sa kapatid ko. Nakita kong kumunot ang noo niya sa tanong kong yun. "Ano ba? Sumagot ka naman. Ayos lang ba ang itsura ko ngayon? Huwag mo lang akong titigan." Medyo inis kong tanong muli sa kanya.
"Si kuya parang sira, ano bang nangyari sayo? Conscious ka na ngayon sa itsura mo ah" si Andrus
"Ano nga? sagutin mo nalang ung tanong ko" utos kong muli sa kanya
"Sinagot ko na diba? Sabi ko para kang sira." walang hiyang sagot ni Andrus. Kinuotan ko siya ng noo at inirapan.
"Oh bat galet? Sumagot lang ako ah. Hehehehe joke lang kuya, ayos naman ang itsura mo ngayon. Ampogi mo nga eh, ang bango-bango pa pero para kang sirang pabalik-balik dyan sa harapan ko nanonood ako ng tv." iritableng saad ni Andrus sa akin.
"Halata ba?" tanong kong muli sa kanya
Ano bang meron kuya?" siya
"Darating kasi yung bagong katulong natin dito mamaya......uhmmm ano... ah si-" pag-aalangan ko
"Ano nga kasi kuya? Sino ba siya?" tanong ng kapatid ko habang kumakain ng popcorn.
"Si ano... s-si Lou yung kaibigan ko!" mabilis na saad ko
Biglang namilog ang mga mata niya pagkatapos ay napangisi ng nakakaloko. Alam ko yang ngising yan!
"Ieeee.... ikaw kuya ahh, type mo talaga yang si ate Lou no? Kaya pala iba ang datingan mo ngayon dahil nagpapapogi points ka sa kanya... yieeee" pangaasar niya sa akin.
"Tigilan mo ako Zeke ah" sabi ko. Kapag ganitong tinawag ko na siya sa unang pangalan niya kailangan niya ng manahimik. "Labas muna ako" malamig kong saad
"Kuya ko po sorry na, I'm sorry I step on the line." Paghihingi niya ng tawad kaya nilapitan ko siya at ginulo ang kanyang buhok.
"Okay lang bunso... Pero mukha ba talaga akong sira?" muli kong tanong sa kanya dahil hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi niya. Ano ba ang itsura ng sira? Tsssss... Tawa ng tawa si Andrus sa akin kaya nakitawa na lang din ako.
Sa kalagitnaan ng aming tawanan ay narinig naming tumunog ang doorbell. Sabay kaming napalingon sa pinto at mahigit limang segundo kaming nagkatitigan ni Andrus. Nakita kong malawak ang ngisi sa kanyang mukha. Parang may batang gustong makipagkarera ah.
Nag-unahan kami para lumabas ni Andrus patungo sa gate at syempre bata at maliksi, naunahan ako ng kapatid ko sa pagbukas ng gate. Bumungad sa amin si Lou nang makapasok ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng bahay. Nadako ang kanyang tingin sa kinaroroonan ko kaya nginitian niya ako at kumaway, ngiti lamang ang naging sagot ko sa kanya. Bumaba ang tingin niya at mukhang nagulat nang makita si Drus. Lumuhod siya ng mag kasing lebel sila ng kapatid ko sapat para makausap ang bata.
"Hi cute little Dreik." pansin niya sa kapatid ko. Ano daw? Cute little Dreik? Jusko ang puso ko na naman!!! "Ano ba pangalan mo?" dugtong niya
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Non-Fiction"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."