Part 3

904 70 8
                                    

Five more minutes and I'm going! 

Kanina pa iritadong nakaupo si Camille sa waiting area ng NAIA. Mahigit isang oras na siyang naghihintay doon pero wala pa ring kinakapatid na sumusundo sa kanya. 

Di kaya inindyan ako no'n? 

Muli siyang napabuntong-hininga. Pang-sampu niya na yata 'yon. Napagdiskitahan niya tuloy ang cellphone niya para malibang. At ilang sandali pa ay nasa game apps na ang buong atensiyon niya.

"Are you Rie Faye Buenaventura?"

"No," awtomatikong sagot niya. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa laro sa kanyang cellphone.

"Are you sure?"

"I'm sure." Naagaw ang pansin niya ng makintab na sapatos. Dinig niya ang isang malalim na paghinga at ang mga yabag palayo.

Are you Rie Faye Buenaventura? 

Bigla siyang napatayo. "Sandali!" sigaw niya. Hinila niya ang siko nito. "Ako pala 'yon!" 

Nang humarap sa kanya ang lalaki ay pumitlag ang puso ni Camille. Para siyang namatanda sa pagkatulala. The man in front of her was extremely attractive. Ito ba si Phoebus Apollo? Di ito mukhang kulisap o ano mang uri ng insekto! Ito ba ang kinakapatid ni Faye? Matangkad. Matangos ang ilong. May kaaya-ayang mga labi. At... nakasimangot?

"You are exactly the girl in the picture. But how come you said you are not? Masyado akong pagod para sa mga ganitong uri ng biro."

Napangiwi siya. Napakamot sa ulo. "Sorry. Nakalimutan ko."

Kumunot ang noo nito. "Nakalimutan mo ang pangalan mo?"

"No. I mean okupado ang isip ko. I was pretty engrossed on my cellphone." 

Masisisi mo ba ako? Buong buhay ko Camille ang pangalang ginagamit ko. Tapos biglang-bigla may tatawag sa aking Rie Faye.

Wala pa rin itong kangiti-ngiti. "Let's go. I'm pretty busy."

"A... busy ka... kaya ba mahigit isang oras kang late?" bulong niya.

"May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko early riser ka siguro. Ang aga mo e."

"Are you trying to be funny?"

I'm not trying to be funny. I'm actually angry cause you are fucking late! 

Hindi na siya nagsalita. Umiling na lang siya. 

Hindi nabanggit sa akin ni Faye na pinaglihi sa sama ng loob ang kinakapatid niya. 

Agad na sumunod siya dito habang hila ang travelling bag. Nakapamulsa ang magkabila nitong kamay habang naglalakad na tila walang kasama. Ni hindi man lang siya nagawang tulungan. Parang may marathon itong sinalihan sa bilis at laki ng mga hakbang nito. Nang nasa sasakyan na sila ay seryoso ang tonong muli siyang kinausap ng binata.

"Let me clear something, Faye. Isang Linggo ka lang dito sa Pilipinas. At sana sa loob ng mga panahong 'yon, don't cause trouble for me. Marami akong iniintindi sa ngayon. Kaya hindi kita mababantayan. Behave, okay?"

Nilingon niya ito. "Mukha ba akong gagawa ng gulo?" 

Asar... lalong gwapo kapag side view. Kung anong ikina-amo ng mukha siya namang ikinasama ng ugali!

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon