Chapter 48: At the Tree House

1.5K 94 19
                                    

Chapter 48: At the Tree House

Freya's Point of View

Mabilis ang pangyayari. Tumalon ang lobo at isa-isang kinagat sa leeg ang limang Claws na nasa harapan namin. Napangiwi ako nang makitang naputol ang bawat ulo ng mga Claws at isa-isang bumagsak sa lupa.

Napaluhod ang katawan ng mga Claws at unti-unti silang naging abo. Nakahawak na si Trunks sa damit ko at maging si Luke ay nanginginig na nakadikit sa akin.

Lumingon ako sa likod dahil may limang Claws pang natitira. One of the Claws snarled and tilted its head. It was showing its needle-like teeth to us while closing our distance. Mahigpit na nakahawak si Trunks sa akin.

May isang Claws na nasa itaas ng puno na kaharap lang namin. It was crouched at the tree as if observing and waiting for the right timing. Ang tatlo namang Claws ay gumagapang palapit habang tila palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo kahit wala naman silang mata.

Napalunok ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa kanilang anyo. Wala silang mata. Kulay gray ang kanilang naagnas na balat habang nababalutan ito ng mga itim na uod.

Nakanganga ang mga Claws at nakalabas ang mga tila tinik nilang ngipin. Habang tumutulo naman ang itim at bumubulang likido sa kanilang bibig.

"Trunks! Iligtas mo kami!" sigaw ni Luke.

"A-anong ako? Bata lang ako!" sigaw na sagot ni Trunks at nagtago sa likod ko.

Limang Claws ang nasa harap namin ngayon, isang nakatayo, isang nasa puno at tatlong gumagapang.

Napalunok ako nang iharap nang nakatayong Claws ang dalawang palad dahil alam ko na ang gagawin nito. Napalunok ako at nagfocus.

Lumabas mula sa palad ng Claws ang mga tinik. Tinitigan ko ang lumilipad na mga tinik hanggang sa nagawa kong patiligilin ito sa ere.

Sumigaw na tila umiiyak na halimaw ang Claws na nasa taas ng puno. Nandilat ang aking mata nang bigla itong tumalon mula sa puno.

Noong nasa ere pa ang Claws, tinuon ko ang tingin ko sa kanya. Nagawa kong paliparin ang mga tinik na nasa ere patungo sa Claws.

Sunod-sunod ang hiyaw ng Claws nang walang tigil at mabilis na bumabaon ang mga tinik sa katawan nito. Bawat baon ng tinik ay lumilikha ng tunog na tila nabutas na gulong.

Bumagsak ang katawan ng Claws. The four remaining Claws bellowed in anger. They quickly jumped with their fangs and nails ready to kill us.

Akala ko ay katapusan na namin nang biglang tumalon ang lobo sa aming harapan at sinalubong ang mga Claws.

Mabilis din ang lobo sa mga galaw nito na tila kasing bilis ni Phoenix kung lumaban.

Bumalibag ang sa puno ang dalawang Claws, ang isa ay diretsong bumagsak sa lupa at ang isa naman ay naputol ang ulo at dumiretso sa pagkaabo.

Naging tahimik muli ang paligid nang madilim na gubat. Rinig ko pa ang mabibigat na hiningang binibitawan ni Luke na nasa kanan ko lang. Si Trunks naman ay nasa kaliwa ko at nakahawak sa kaliwa kong kamay habang nakatuon lang ang tingin sa lobo na nagligtas ng buhay namin.

Pinahid ko ang likod ng palad ko sa namumuong pawis sa aking noo. Mabilis parin ang kabog ng dibdib ko.

Tahimik lang ang lobo, nanatili itong nakatayo nang nakatalikod sa amin. Ilang segundo siya sa ganoong posisyon hanggang sa nagsimula siyang humakbang palayo sa amin. Ni hindi niya kami nilingon.

"T-teka lang!" pigil ko sa lobo kahit na hindi ako sigurado kung naiintindihan ako nito. Pero biglang napatilgil ang lobo. Hindi ito lumingon sa amin, tila naghihintay lang ito sa sunod kong sasabihin.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon