"Samahan mo 'ko," sabi ni Anj maya-maya matapos ang klase namin.
"Saan?" tanong ko.
"C.R. lang ako," sabi niya saka tumayo.
"Gen, ikaw? Hindi-"
"Tara na!" biglang hila sa akin ni Anj saka tuloy-tuloy kaming naglakad papunta sa may garden ng school.
"May malapit naman na C.R. doon oh, bakit dito pa tayo magbabanyo?" tanong ko habang hila-hila niya pa rin ako palayo sa pinakamalapit na CR. Nang medyo makalayo kami sa classroom ay doon niya ako binitawan.
Nang mapansin kong tumingin-tingin muna siya sa paligid namin ay gano'n din ang ginawa ko. Luminga-linga ako kahit hindi ko alam kung para saan. "May surprise si Julian kay Gen," bulong niyang sabi.
Doon ako napatigil. "Nililigawan ni Julian si Gen?" tanong ko. Nakita kong ang pagtango ni Anj sa tanong ko.
"Andoon sila ngayon. Tara na," sabi niya.
Pumunta kami sa garden ng school at doon ko nakita si Julian na may hawak nang sa tingin ko ay aabot sa isang dosenang bulaklak. "Ayan na pala sila eh," rinig kong sabi ni Rafael saka humarap sa aming gawi si Julian.
Noon ko lang nakita ang gitara na hawak naman ni Rico. Andoon ang buong The Middle maliban kay Gen at kay Jan. "Hello! Thank you sa paflowers niyo," bati ko sa kanilang lahat.
"Hello," bati sa akin ni Pao. "Ano bang plano?" tanong naman niya kay Julian.
"Gusto mo?" tanong ni Rafael.
"Ayoko, manahimik ka," sagot ni Pao dito na nakapagpatawa naman sa amin.
"Ganito kasi sana gusto ko mangyari," panimula ni Julian, "isa-isa ko kayong bibigyan ng bulaklak tapos iaabot niyo sa kaniya. Paglabas niya ng classroom may isa na doon hanggang sa makarating kayo dito, matapos niyong ibigay ay sasama na kayo sa paglalakad niya papunta dito. Ako ang huling magbibigay ng bulaklak sa kaniya tas kakantahan ko sana siya."
"Game!" sigaw ni Anj.
"Pero kapag nagtanong siya 'wag niyo muna sagutin ha," sabi ni Julian.
Isa-isa na kaming pumuwesto habang hawak-hawak ang bulaklak na kakabigay lang ni Julian. Nagrepresenta na akong mauuna para na rin makuha ko ang gamit ko na naiwan ko kanina dahil ang buong akala ko ay babanyo lang talaga si Anj.
Nang makapasok ako ng classroom ay nagulat si Gen sa dala ko. "Oh, binigay ni Cristof?"
"Hindi," sabi ko saka ko inabot sa kaniya ang hawak kong bulalak, "Para sa'yo 'to," sabi ko sabay kindat sa kaniya.
Nang kunin niya na iyon ay mabilis akong pumunta sa upuan ko kung nasaan ang mga gamit ko. "Kanino 'to galing?" tanong niya.
Nang makuha ko ang bag ko at ang bulaklak na bigay nila sa akin ay muli akong humarap kay Gen, "Basta. Tara na." Nagsimula akong maglakad papunta sa pinto, rinig ko rin ang pagsunod ni Jan at Gen sa akin.
Sa paglabas namin ay nandoon si Rico na may hawak din na bulaklak. Nakangiti kaming lahat habang pinagmamasdan ang tuwa at kilig sa mukha ni Gen. "Huy, ano ba 'to," pigil ang tawa ni Gen. May ilang dipa rin ang layo ni Pao kay Rico na may hawak din ng bulaklak.
"Pulang-pula ka na, Gen," natatawa at kinikilig na sabi ko.
Nagpatuloy ang pagtahak namin papunta kay Julian. Sumunod na nagbigay ng bulaklak si Jessa tapos ay si Mari hanggang mapunta kami kay Anj. Tumigil si Gen sa harap niya saka nagsalita, "Kala ko ba pupunta ka lang ng CR, ha?" natatawang tanong nito.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami kung nasaan si Julian at mukhang nakahanda na siya. Hawak na niya ang tatlo pang natitirang bulalak. Nang makalapit kami sa kaniya ay inabot na niya ang mga iyon kay Gen. "Happy Valentine's Day," malambing na sabi ni Julian.
"Thank you," sagot naman ni Gen. Inihatid siya ni Julian sa isang upuan na noon ko lang napansin. Inilagay siguro niya iyon ng makaalis kami kanina.
Muli niyang kinuha ang hawak na gitara kanina saka sinimulang tugtugin ang Harana ng Parokya ni Edgar. "Uso pa ba ang harana?" panimulang kanta ni Julian. Pulang-pula na ang mukha ni Gen habang patuloy naman sa pagtugtog si Julian.
Maririnig ang hiyawan at ang mga pangaasar ng mga nakapaligid sa kanila. "Yie!" malakas na sigaw ni Rafael. "Gusto niyo?" natatawang sabi niya.
"'Wag mong ituloy!" sabi ni Rico, "panira ng moment."
"Gusto ba nilang magkatuluyan? Yie!" sabi ni Rafael kaya naman sabay-sabay na kaming natawa.
"Huwag ka ng maingay!" saway ni Anj.
"Marahil ikaw ay nagtataka? Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba," pagpapatuloy ni Julian sa pagkanta.
Nang matapos ang kanta ni Julian ay doon ako nagtanong-tanong. "Hindi ko man lang nalaman na nililigawan pala ni Julian si Gen?"
"Noong December lang," sagot ni Anj, "gulat nga rin kami eh."
May pasok pa kami ng hapon na iyon kaya naman nang matapos ang mala-pelikulang eksena nila Gen at Julian ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa room.
Pero sadyang nananadya ang tadhana ng muli ko nanamang makasalubong si Cristof. Kailan kaya titigil ang ganito naming pagkikita. Lagi na lang kaming nagkakagulatan. Lagi na lang kami napapahinto sa paglalakad namin.
Nakita ko ang pagpapalit niya ng tingin sa mukha ko at sa mga bulaklak na dala-dala ko. Tila nagtatanong kung kanino ito galing pero hindi ko na iyon pinansin nang magpatuloy ako sa paglalakad.
Nang makaakyat ako ay nagulat ako ng nakahinto na pala sa paglalakad ang mga kasama ko at nakatingin sa akin. "What?" natatawang tanong ko, "nakita ko na siya kanina. Pangalawang pagkikita na namin 'to ngayon araw. Kaya tara na," sabi ko sa naglakad nang muli papunta sa classroom.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Novela JuvenilKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...