Chapter 56

49 16 5
                                    

Mabilis kaming lumabas ng classroom nang matapos ang huling klase para sa araw na ito. Gusto ko nang umuwi talaga. "Ann," rinig kong tawag ni Jessica sa akin.

"Oh, Jessica, bakit?" tanong ko.

"Pwede ba kita makausap?" seryosong sabi niya.

"Sige, sandali lang. Papaalam lang ako sa kanila," turo ko sa The Middle na naghihintay sa akin. Nang tumango siya ay nagtungo na ako kung nasaan ang mga kaibigan ko. "Uuwi na ba kayo?" tanong ko.

"May dinner tayo. Valentine's Day dinner ng The Middle," sabi ni Anj.

"Saan? Bakit hindi nanaman ako nainform?" natatawang sabi ko.

"Sinabi sa group 'yun kagabi! Kasali ka ba sa group?" tanong niya na nakapagpa-iling sa akin. "Isasali kita mamaya. Tara na," sabi ni Gen.

"Kakausapin kasi ako ni Jessica," saka ko nilingon ang kinaroroonan ni Jessica, "sunod na lang ako. Saan ba?"

"Sa Yellow Cab, SM Manila," sagot ni Anj, "hintayin ka na lang namin."

"Baka matagalan ako, okay lang?" tanong ko.

"Okay lang naman, 'di ba, guys?" tanong ni Anj sa The Middle.

Napaharap naman sila kay Anj saka tumango, "Okay lang. Wala naman tayong hinahabol."

"Sige, sandali lang ako," sabi ko saka mabilis na bumalik kay Jessica. "Tungkol saan ba 'yung pag-uusapan natin?" tanong ko matapos akong makabalik sa pwesto ni Jessica, "May lakad kasi kami," sabi ko.

"Pinapunta ako ni Cristof."

Saglit akong natigilan sa sinabi niyang iyon. "Bakit? Simula kailangan pa siya nagkaroon ng walking messenger?" natatawang tanong ko sa kaniya na nakapagpangiti rin sa kaniya.

"Nag-aalala lang sa'yo 'yung tao," sagot ni Jessica, "hindi sa kaniya galing 'yung mga bulaklak na binigay niya kay Lianne."

"Pinapunta ka niya dito para sabihin sa akin 'yan?" tanong ko kasabay ng pagtang saka naman siya tumango. "Wala naman na kami, 'di ba?" pilit ang tawang tanong ko, "Bakit kailangan ka pa niyang papuntahin para mag-explain?"

"Baka dahil may pakielam pa siya sa'yo?"

"Naniniwala ka pa doon?" tanong ko. 

"Araw-araw kong kasama si Cristof kaya nakikita ko lahat nang pagbabago sa kaniya simula nang maghiwalay kayo."

"Jessica, wala na kami. Alam mo 'yun. Bakit may pagpapaliwanag na nangyayari? Wala na akong pakielam kung sinong gusto niyang bigyan ng bulaklak," sabi ko kahit na ang totoo ay nadurog ang puso ko kanina habang pinapanuod siyang ibigay ang bulaklak kay Lianne, "o kung sino mang nag-utos sa kaniya para bigyan ng bulaklak ang kung sino. Wala. Na. Akong. Pakielam," saka ko tinanggal ang paningin ko sa kaniya.

Hindi ko maintindihan si Cristof, kahit kailan napakagulo niyang tao. Kung hindi siya nakipaghiwalay eh 'di sana siya ang nagbibigay sa akin ng bulaklak. Eh 'di sana wala siya iniimbistigahan ngayon.

Sa dulo ng hallway kung nasaan ako nakaharap ay nakita ko si Cristof na tila ba nanunuod sa pag-uusap na ginagawa namin ni Jessica ngayon. Bugtong hininga na lang ang aking nagawa hanggang sa marinig kong muli ang boses ni Jessica. 

"Ann, can I ask kung kanino galing 'yung bulaklak?" tanong ni Jessica na nakapagpabalik ng paningin ko sa kaniya.

Muling napunta ang paningin ko kay Cristof na nananatiling nasa malayo at nakamasid saka mabilis na rin binalik kay Jessica ang paningin. Natawa na lang ako, "Kung pinapatanong din ni Cristof yan-"

"Hindi, ako ang nagtatanong," pagpuputol ni Jessica sa sinasabi ko.

"Sa kaibigan," sagot ko. "Sorry, Jessica, ha. Kailangan ko na kasi mauna. Kanina pa kasi nila ako hinihintay. Sorry nadamay ka pa sa amin ni Cristof," bugtong-hiningang sabi ko, "hindi na dapat pero thank you pa rin." Matapos noon ay lumapit na ako sa The Middle para sa dinner namin.

Naging mabagal ang tapos ng sem na ito, sa totoo lang. Hindi naging madali ang pag-aaral ko. Ilang ulit din akong sunod-sunod na bumagsak sa mga quizzes ko sa iba't ibang subject. Wala akong nahabol sa mga topic simula nang makipaghiwalay sa akin si Cristof.

Nang dumating ang final exam ay doon na gumuho ang mundo ko at nang lumabas ang grades? Doon ako namatay sa kakaiyak. Mula sa 1.25 na grade ko noong midterm sa Accounting subject namin ay bumaba ito sa 2.00. At ang para naman sa Law? Ang dating 3.00 ko ay naging 5.00.

Sa pagkakataong ito ay unti-unti na akong nawawalan ng gana sa pag-aaral pero susubok pa rin. Hindi tayo hihinto hangga't kaya nating lumaban, hangga't may ipaglalaban.

Ito ang unang bagsak ko sa buong buhay ko kaya naman nahirapan akong tanggapin iyon. Pero unti-unti kong tinanggap ang pagkabagsak ko makalipas ang ilang linggo. Nalaman namin na sa labing-dalawang section na hawak ng prof namin sa Law subject, hindi lalagpas sa 25 ang ipinasa niya sa buong batch namin.

Kung iisipin mo, ilan ba ang estudyante sa bawat section? 35 na estudyante ang average size ng bawat isang klase tapos ay labing-dalawang section iyon. Kung tama ang pagkakalkula ko, 25 sa 420 lang ang pumasa. Nananakit ang ulo ko, masyadong mahigpit ang prof namin na ito. Wala man lang adjustment na binigay.

Gano'n kasi ang ginagawa sa ibang subject, kapag madami ang hindi pumapasa. Kukunin ang score ng may pinakamababang average saka itataas iyon sa pasang-awa na grade. Kung ilan ang ibinigay ng prof doon sa pinakamababa para pumasa ay siya rin ibibigay niya sa buong klase.

Pero dito sa Law ay iba, walang awa niyang binagsak ang 94% ng klase niya. Kung inayos ko lang ang pag-aaral ko baka ay napasama rin ako sa mga pumasa pero dahil sa mga pangyayari, nahirapan ako mag-adjust. Dapat talaga hindi muna ako lumandi noon at mas pinagbutihan na lang ang pag-aaral.

Tinake namin iyon ulit sa summer class at aakalain mo nga namang siya nanaman ang prof namin. Kumalat ang balita na mas maluwag ngayon kumpara noong nakaraang sem pero pinagbutihan pa rin namin. Ayoko na bumagsak.

Unang araw ng summer class na iyon at isa pang aakalain mo nga naman, classmate ko si Cristof. Tignan mo nga naman, dati problemado kami lagi kung paano magiging magkaklase at ngayon walang kahirap-hirap, magkaklase kami ulit.

Alphabetical ang seating arrangement namin doon at tila ba pinaglalaruan kami ng tadhana nang paupuin siya sa likod ng silyang kinasasadlakan ko. Hindi na ako umaasa na magkabalikan kami ni Cristof. Oo, sige, konti lang siguro pero alam ko mas masaya siya ng wala ako. Kaya kailangan ko na rin maging masaya para sa kaniya.

Gano'n pa rin ang diskarte para sa klase na ito, sampung article kada araw ang ididiscuss. Ang pinagkaiba lang ay may projects na pwede kang gawin para mabawi mo o para tumaas ang grade mo.

Natapos ang summer class na iyon ng hindi kami nagpapansinan o di kaya ay nag-uusap. Minsa'y nagkakatinginan pero mabilis din naman umiiwas. Naging mabilis ang dalawang buwan na iyon at salamat sa Diyos ng pumasa na kaming lahat. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon