Chapter 01
Reign's POV
"S-Sino ka?" tanong ko sa pumasok.
Kaba at takot ang nangingibabaw sa akin. Nakabalot ang buong mukha niya. Itim na itim ang suot niya mula ulo hanggang paa.
Pero sa kabila n'un, alam kong lalaki ito. Mula pa lang sa tindig at hubog ng katawan niya.
Unti-unti akong napaatras ng humakbang siya palapit sa amin ni Kynlee. Sa sulok ng mata ko nakita ko si Kynlee na naroon na pa rin sa kinatatayuan niya.
"K-Kynlee..." pagtawag ko sa kan'ya saka humarap sa kan'ya na dapat ay hindi ko na lang ginawa.
Nakaharap siya sa akin pero kinilabutan ako ng makitang burado ang mukha niya. Walang mata, ilong o kahit bibig.
"Reign..." narinig kong sambit niya.
Palalim na ng palalim ang hininga ko habang nakamasid sa kan'ya. Ano bang nangyayari?!
Muli akong humarap doon sa lalaki ng marinig na tumigil ang mga yabag ng sapatos niya.
Wala na ang nakabalot sa mukha niya na mas nagpadoble ang kaba at kilabot na nararamdaman ko ng makitang wala rin siyang mukha.
Para naman akong gising na binabangungot?
Ramdam ko ang mga luha ko. Wala nang pagsidlan ang takot na nararamdaman ko.
Unti-unti akong pumikit. Nagdarasal na magising mula sa bangungot na ito. Dahan-dahan akong nagmulat na may pag-asang mali ang nakikita ng aking mga mata.
Pero sa kabila na magkaroon ng pag-asa, mas lalong nawala 'yun ng makitang nalusaw silang dalawa at naging tubig kasabay ng pagbukal ng tubig sa mga pader at sahig.
Naramdaman ko na lang na pinipilit kong makaahon dahil nasa ilalim na ako ng tubig pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makaahon.
Hindi na ako makahinga. Nagpumiglas ako habang nararamdamang nawawalan na ako ng hangin.
Kahit nanlalabo na ang mata ko at gusto na n'ung pumikit, nakita ko ang isang kulay pulang kotse malapit sa akin. Sira ang bumper at tanggal ang pinto sa driver's seat.
Bigla iyung sumabog...
Napabaligwas ako ng bangon kasabay ng malakas na paghugot ng malalim na hininga.
Napaubo pa ako ng subukan kong huminga. Patuloy ako sa paghabol ng hininga ng biglang sumakit ang ulo ko.
"Ahhh!" sigaw at sinapo ang ulo saka malakas na pinagpupupok iyon.
Mariin akong napapikit. Sobrang sakit talaga n'un na parang gusto ko na lang iumpog sa pader ang ulo ko. Kumuyom ang palad ko kasabay ng pagsabunot sa buhok ko.
May matinis na tunog akong narinig sa tainga ko at naramdaman kong na lang na may likidong tumulo mula sa ilong ko. Masansang ang amoy n'un at amoy kalawang.
"Reign!" narinig kong sigaw ng tatlong boses pero hindi ko pa kayang imulat ang mata ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Dumudugo ang ilong n'ya. Patingalain n'yo!" boses lalaki 'yun.
Biglang may mahigpit na yumakap sa akin. Saka ako pilit na itiningala na nagdulot sa akin ng pagkahilo.
"Reign, kumalma ka!"
"Reign andito lang kami!"
"Magiging maayos din ang lahat Reign!"
Pag-alo nila. Narinig ko ang ilang yabag palapit sa amin pero hindi ko magawang tingnan kung sino iyon.
YOU ARE READING
Be With You [Season 1] | On-Going
Romance"I may not be your ideal man but I can be more just for you." A romance story created by Adi_Ser