Chapter 02

76 16 18
                                    

Chapter 02

Amira's POV

Kung kanina ay halos hindi ko na mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng sapuin ni Vien ang mukha ko.

Ngayon mas lalong nadoble 'yun dahil sa hiya. May panunukso ang bawat pagtawa nina Itzel at Manang Minerva.

Kahit gusto kong umasang may espesyal ding pagtingin sa akin si Vien, hindi ko magawa dahil ayaw kong masampal ng katotohanang...

Hanggang kaibigan lang label na kaya niyang ibigay sa akin.

May gusto siya kay Reign. Halata naman. Kung paano siya mag-alaga at mag-alala sa kan'ya ay doble 'yun kumpara sa ipinapakita niya sa amin ni Itzel.

Halos itago ko na ang sarili ko, 'wag lang nilang makita ang nasisiguro kong namumulang pisngi.

Ito na naman ako umaasa Vien na sa bawat kilos mo ay may pinapahiwatig kang nararamdaman sa akin.

Kahit kinakabahan ay pasimple kong sinilip si Vien, pero gan'un na lang ang gulat ko ng magtama ang paningin namin.

Sa simpleng sulyap na 'yun ay parang tumigil ng panandalian ang paligid ko. Sa ganoong paraan ko muling napag-aralan ang mukha niya.

Talagang masasabing ko may itsura si Vien na hindi ko mahanap sa iba. Isang itsurang kahit sa panaginip ay hinahangad kong makita.

Malakas ang dati at bawat anggulo niya ay hindi ko makitaan ng kahit na anong kapula-pula.

Pero hindi nino man maiisip na mahilig siya sa kulay pink na gamit. Dahil doon mas minahal ko.

Hindi siya takot sa pwedeng sabihin ng iba sa kan'ya hindi tulad ko.

Pero kahit anong kumbinsi ang gawin ko sa sarili ko na 'wag siyang mahalin, makita ko lang ang simpleng ngiti niya ay para bang bigla na lang bumabalik ang pilit kong kinakalimutan na nararamdaman sa kan'ya.

Ngayong nakikita at napag-aaralan ko ang mukha niya, para bang bumabalik ako sa nakaraan kung kailan ko siya nagustuhan.

Noong nasa highschool kami, lagi siyang nariyan para lagi akong ipagtanggol sa lahat ng nambubully sa akin.

Tinuturing siyang campus heartthrob noon sa school namin dito sa Sitio.

Matindi ang naging paghanga ko sa kan'ya noon na halos ang dati kong pormahan ay baguhin ko para lang mapansin niya.

Nerdy ako kaya ako ang subject ng mga bullies pangkaraniwan noon. Pero n'ung magkagusto ako kay Vien, tinanggal ko ang nagkakapalang salamin ko sa mata at nag-contact lens, maging ang braces ay pinatanggal ko.

Ang ayos ng pananamit ang hindi ko binago dahil dito ako mas komportable sa medyo may kakapalan na damit at hindi hapit na hapit.

"'Wag mo na lang silang pansinin." bulong ni Vien na nakapagpabalik sa akin sa huwisyo.

Doon ko lang napansin kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Halos maduling ako sa lapit n'ya.

Naramdaman ko tuloy ang hininga niya na tumatama sa gilid ng labi ko. Maging ang amoy ng katawan niya ay nangibabaw sa ilong ko.

Magkakasunod na lunok ang ginawa ko ng maramdaman ang matinding panunuyo ng lalamunan ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Ano bang ginawa mo sa akin Vien para maging ganito ako sa'yo? Gusto kong itanong 'yun pero iba ang namutawi sa bibig ko.

"A-Ah o-oo." nauutal na sagot ko. Saka bahagyang inilayo ang sarili sa kan'ya.

Naibaba ko ang tingin ko sa mga kamay ko nang biglang may humawak n'un. Ang paghahangad na sana siya ang gumawa n'un ay malaking kahibangan, dahil hindi niya gagawin 'yun sa akin.

Be With You [Season 1] | On-GoingWhere stories live. Discover now