Kabanata 14

18 9 0
                                    

kabanata 14

Mood

Naka-ilang steps na rin kaming nagagawa ngunit wala pa ito sa kalahati malamang ay gagabihin kami ngayon. Mabuti na lang ay narito si Ercen dahil karamihan ng steps ay nagmula sa isip niya. Magaling siyang dancer, at talanted pa

Papunta ako ngayon sa cafeteria para maglunch, dahil mas mabuti na raw na hindi kame gutom para mas makapagfocus kame lalo na't rush kame.

Yung iba ko namang kasamahan ay nauna na dahil sa labas sila maglulunch, at ngayon ay ilan lang kameng sa cafeteria, bagama't sinama nila ako ngunit hindi na lang ako pumayag dahil ayoko ng mapalayo dito sa school at saka okay lang din naman yung foods dito.

"A-Ah Kers, didiretso ka ba sa cafeteria?" tanong ni Julie na katulad ko ding mahiyain.

"Yep, gusto niyo sabay na tayo kumain" aya ko na sa kanila.

Si Julie, Irish at Jessy ang kasama ko lang ngayon samantalang ang mga boys ay hindi ko alam kung saan nagtungo.

"Sige, para makilala natin yung isa't isa" ani Irish.

"Saka para sabay sabay na lang tayong pumunta sa park" sambit ni Jessy.

Tumango na lang ako sa sinabe nila at medyo tumawa sa tingin ko naman ay mababait sila at hindi katulad ni Kleang saksakan ng plastik at landi.

Pagkarating namin sa cafeteria at umorder kami kaagad ng pwedeng kainin na pananghalian.

"Guys, anong oorderin niyo?" tanong ni Irish.

"Mas gusto kong magkanin at ulam nalang" sagot ni Julie.

"Ako din, mas mabubusog tayo kapag ganun na lang" pagsang-ayon ni Jessy.

"Sige, ganun na lang din yung akin para isahan na lang bili na lang" sagot ko. "Ako na lang din yung oorder, punta na lang kayo sa available na table".

"Yung akin, isang kanin saka menudo tapos isang drinks" ani Julie.

"Sakin din ganun nalang" sabi ni Jessy.

"Luh, ginaya mo naman ako!" medyo natatawang sambit ni Julie.

"Tangek, para nga isahan na lang din" sambit naman ni Jessy.

Masaya naman pala silang kasama e, naalala ko tuloy si Cindy, namimiss ko na siya! Lalo na yung kaharutan niya.

"Okay, ganun na lang tayong lahat" sambit ko naman.

Pumunta ako sa nagtitinda at doon umorder, napansin kong bago yung nagtitinda ngayon at gwapo pa. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa kaniya, kalevel niya sa kagwapuhan si Kevine. HAHAHAHAHA

"Miss, whats your order, ako yung nagtitinda?" medyo napangiti tuloy ako na nahiya.

Luh, si Kuya bumabanat!

"A-Apat na kanin, apat na menudo tapos apat na drinks" sagot ko.

"Got it ma'am!" sumaludo pa siya kaya medyo napangiti na lang ako.

Pagkaorder ko ay agad na rin akong bumalik sa  lamesa kung saan nakaupo sina Jessy. Naghintay muna kame ng ilang minuto bago dumating yung mga inorder namin.

"Here's your order ma'ams" medyo tumawa siya kasabay ang paglapag ng mga indorder namin. Feeling ko ang sarap niyang kabarkada kahit minsan ay feeling close labg siya.

Kaagad kong nilantakan ang binili ko dahil na rin sa gutom, sino ba namang hindi gugutumin kakasayaw?

"Hoyy sis, narinig ko kanina naguusap si ate Dap saka Ercen about sa practice" ani Julie.

Chasing in the Tides (Island Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon