Kabanata 15
Overnight (part 1)
Kaagad kong binuksan ang pinto ng sasakyan ng malaman kong nandito na kame sa bahay. Samantalang si Ken naman ay wala ginawa kundi magcellphone at wala din atang balak na bumaba ng sasakyan.
Nakakapagtaka dahil maaga siyang umuwi ngayon, hindi katulad ng dati na madalas ay nauuna ako sa kanya kaya nakakasabay ko si mommy.
"Hoy Ken, wala kang balak bumaba?" pagtataray ko.
"Nga pala, nasa bahay na pala hindi ko man lang napansin" nalilito niya pang sambit.
Lutang moment siya.
Uniwan ko na siya at pumasok na ako sa bahay. Pagkapasok ko sa bahay at sobrang tahimik, wala pa siguro sila mommy.
Dinampot ko yung cellphone ko at tiningnan yung oras, alas tres y media palang naman pala kaya malamang ay wala pa sila mommy.
Dimaretso ako sa kama, naabutan ko doon dalawa naming kasambahay na naonood ng tv.
"Ay ma'am nandito na pala kayo" nagtayuan sila sa kinauupuan nila.
Parang nahihiya pa sila sakin dahil nahuli ko silang nanonood ng tv pero wala naman silang dapat ikahiya natural lang iyon sa kasambahay na maglibang hindi lang puro trabaho, diba?
"Sige po manood lang ho kayo dyan" sambit ko.
Umupo ulit sila at nanood.
"A-Ah ma'am may pinapasabi si mommy sainyo ni Sir Ken" sabi nung isang kasambahay.
"What's that?" singit ni Ken na tumigil na kaka-cellphone.
"H-Hindi muna sila uuwi ngayon, may aayusin daw po" sabi nung isa.
So wala sila ngayon? Yayyy! Baka pwede na akong makasama. Shet shett! Tenkyu tenkyu!
Perp nakakapagtaka dahil hindi man lang sila nagtext o nagcall sakin, baka sobra talagang busy nila.
"Pero uuwi daw po sila bukas para mapanood kayo sa performance niyo sa school fest niyo" paliwanag nung isa pang kasambahay.
"Okay po!" natutuwa kong sabi.
Dumaretso ako sa kitchen para maghanal ng makakain o kahit man lang ay maiinom, naabutan ko ring naroroon si Ken. Kumuha n lang ako ng tubig at umupo sa upuan.
"May lakad ka noh?" tanong bigla ni Ken.
"Paano mo nalaman?"
"Halata sa mukha mo"
Ganun ba talaga ako kasaya para mahalata niya.
"Mago-overnight kame para magpractice, hindi pa kame yari e" i explained.
"Sumbong nga kita kay Dad" pagbabanta niya.
"Luh paepal? FYI practice yung hindi gala" mataray kong sabi.
"Okay, magpapaalam ka?" he asked.
"Kaya nga ako masaya e, i'm sure hindi ako papayagan ni Dad kaya mas okay na wala muna sila" excited kong sabi.
"Bahala ka!" hindi ko na siya sinagot, for sure hindi naman niya ako isusumbong, he just cared for me! Yie.
Dumaretso ako sa kwarto ko at nagcellphone muna, nagopen ako ng account ko sa fb, may mga ilang messages doon malamang ay gc at ilang dm.
May chat si Kevine, yie.
Kevine:
Yari na kayu sa performance niyo?
BINABASA MO ANG
Chasing in the Tides (Island Series #2)
Roman d'amourIsland Series #2 Chase those memories, that she can't remember. Chase the past, that she wanted to know. Life with him, love with him. Chasing in the tides.