The Now

29 2 0
                                    

"Ang dami na nila, kailangan na nating umalis dito!" Gee

Tinignan ko ang paligid, lahat kami nahihirapan nang lumaban. Patuloy pang dumadating ang mga zombie.

"Humanap na tayo ng daan para makatakas dito"

Tumakbo lang kami, hindi ko na alam kung sino ang kasama kong tumatakbo. Hindi ko kayang makita na kinakain yung mga kasama ko. Rinig ko ang mga tao sumisigaw habang kinakagat sila ng mga zombie. Hanggang sa narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"AARON! TULUNGAN MO AKO!"

Hindi ko maalala kung kaninong boses yun. Ilang beses siyang sumigaw para humingi ng tulong.

"AARON! TULUNGAN MO AKO!"

"AARON! TULUNGAN MO AKO!"

"AARON! TULUNGAN MO AKO!"

Hanggang sa tuluyan akong tumalikod upang tignan kung sino yung sumasaklolo. Pero ang bumungad sakin ay ang kisame na kung saan ako nakahiga. Medyo may kalumaan na yung kwarto, at naalala ko yung mga nangyare. Panaginip lang pala iyon, pilit kong iniisip kung panaginip lang ba yun, o kung isa yung alaala mula sa nangyare doon sa fortress.

"Oh gising ka na pala." Alison

Tumingin ako sakanya, at nakita ko na maayos naman ang kanyang kalagayan.

"Pawis na pawis ka, may napaginipan ka ba? bangungot?" Alison

Umiling ako at tiyaka tumayo, para maghanda ng mga gamit.

"Kamusta na si Alyssa?"

"Ayon, malala pa din ang kalagayan niya simula nung nanggaling tayo sa fortress" Alison

Lumapit si Alison sa higaan ni Alyssa, at hinawakan niya ang noo nito.

"May lagnat pa din siya, at lumalala na yung sugat niya, paubos na din ang anti-biotics niya, baka mainfection ang sugat niya" Alison

Inabot saakin ang lalagyan ng gamot. Nakita ko na kaunti na lang ang laman nito.

"Sige, lalabas kami ni Alex, kukuha na din kami ng iba pang supplies para hindi sayang ang biyahe."

"Sabihan niyo ako kapag aalis na kayo ni Alex, salamat." Alison

Lumapit ako kay Alyssa, maputla na ang balat niya, hindi na din siya nakakakain masyado. Mahihirapan si Alison kapag nawala ang kapatid niya. Kaya kinuha ko na ang mga kailangan na gamit.

"Oh, bakit may dala kang gamit? Luluwas ba kayo? Sana di na kayo bumalik." Clay

Sabay tawa siya. Si Clay, una ko palang siyang nakilala hindi ko na gusto ang ugali niya. Kumbaga sa highschool siya yung varsity na bully na nakakatakas sa academics dahil nadadala niya naman yung pangalan ng school. Oo ganun, habang kami nagpapakahirap mag-aral. Pero hindi kami sa iisang school nagaaral, ganun lang yung vibe ko sakanya, at nadala niya pa nga yung ganung ugali kahit ngayong may apocalypse na.

"Alam mo Clay kung wala kang magandang sasabihin, wag ka nalang magsalita."

Natawa ulit si Clay.

"Ang aga-aga ang init ng ulo, nagbibiro lang naman" Clay

"Tigili mo na nga yan Clay, kaya daming naiinis sayo eh." Alex

Sabi ni Alex habang papalapit saamin.

"Sakto Alex, tara kailangan nating lumabas, kuha tayo ng supplies at gamot ni Alyssa"

Inabot ko yung susi kay Alex.

"Sige teka lang." Alex

"Sasama na din ako, para mas madaming supply ang maibalik natin" Clay

Live to Survive: Inner ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon