CHAPTER 1- The Del Jacinto's

55 2 0
                                    

DARCY DEL JACINTO

"Aking prinsesa,maaari ba kitang yayain na sumayaw, "sabi ng isang napakagwapong prinsipe sa harap ko at iniabot ang kanyang kanang kamay sa'kin.

Nakangiti akong nakatingin sa kanyang kamay at unti-unti ko itong hinawakan. Kami ay sumayaw sa isang napakagandang garden na puno ng magagandang bulaklak at mayroon ding mga kumikinang na mga ilaw. It was a very magical moment for me.

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at inilapit ko ang aking mukha para siya ay halikan. Papalapit na ang aking labi sa kanya ng biglang...

"Darce...Darce gising! " Alam ko kung kaninong boses yun pero hindi ko nalang pinansin. "Darcy! Gumising kana dyan! " Pangungulit pa niya sa 'kin pero hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa yugyogin niya ako ng sobrang lakas 'kala mo lumilindol.

"Kuya naman e. " naiinis kong sabi sa kanya habang nakapikit pa rin ako dahil na rin sa inaantok pa 'ko.

"Gumising ka na may pasok na tayo ngayun 'di ba! " Napadilat ako sa sinabi ni Kuya sa'kin.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong petsa na ngayun. Nagulat ako ng makita kong June 5,Monday ang nakalagay. "Hala! Oo nga no! " Sa sobrang sarap ng tulog at pananaginip ko nakalimutan ko na ngayun pala yung first day of school.

"Ano,matutulog ka pa d'yan ha! " Pang-aasar sakin ni Kuya Daryl. "Sabi ko kasi sa'yo 'di ba na matulog ka ng maaga para maaga ka din magigising,puro ka kasi basa d'yan sa mga libro mo e. "

Tumayo ako at tinulak si Kuya ng mahina tapos tinitigan ko siya ng masama. "Nakakainis ka Kuya! Ang ganda-ganda ng panaginip ko tas iistorbohin mo'ko. "

Nakakunot ang noo ni Kuya at binawian din ako ng masamang titig, "Wow ha! Kung 'di kita ginising edi sana na-late ka na ngayun."

Inirapan ko siya at 'di nalang nagsalita. May point naman kasi si Kuya sa sinabi niya kaya di nako nakipagtalo pa.Hirap talaga pag may kapatid,pero alam kong mahal na mahal ako nun ni Kuya kahit pa na lagi kaming nagbabangayan at ganun din ako, love na love ko yung mokong na yun.

Lumabas kami ng kwarto ko at bumaba kami papuntang kusina at nadatnan namin si Mama na naghahanda ng almusal.

Nginitian niya kami ng makita kami ni Kuya papunta sa kanya. "O gising na pala kayong dalawa.Dapat gigisingin ko palang kayo pag natapos nakong magluto." nakangiting saad ni mama.

"Nako Ma! Yan si Darce nananaginip siguro na may hinahalikan." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Paano niya nalaman?

Tinignan ako ni Kuya at nginitian, yung ngiting nang-aasar.Sa mukha niyang yon gusto ko siyang kurutin."Joke lang Darce,ito naman ang sama-sama agad ng tingin."

"E galit kasi ako sayo! Ang sarap-sarap ng tulog ko tas yuyugyogin mo ako! " Tinitigan ko siya ng masama at baka sakaling matunaw ko yung kapatid ko.

Hindi na siya nagsalita pa at umupo nalang sa upuan sa tabi ko. Makukuha naman pala sa titig tong mokong na 'to.

Medyo natahimik kami ng saglit kaya naisipan kong basagin ang katahimikan. "Ma, nasan na nga pala si Papa? " tanong ko dahil na rin napansin kong wala na si Papa dito.

Hindi kami tinitigan ni Mama pero sumagot naman siya,"Ah Eh,umalis na kanina pa. " Itinuloy niya yung pagluluto ng sunny-side-up at inilagay ang huli niyang niluluto sa malaking plato at inilagay na sa mesa,"Umuwi na kasi Papa niyo sa kabila." marahang sabi ni Mama.

Iniisip niyo siguro ano yung ibig sabihin ni Mama sa 'kabila'. Yun yung tawag namin sa KABILANG PAMILYA ni Papa.And yes, you heard it right. Broken family kami and it has been 1 year since naghiwalay sina Mama at Papa dahil nakabuntis ng ibang babae si Papa. Mas pinili ni Papa na dun siya sumama sa babae niya kasi walang kasama na magaalaga sa anak nila. Kahit pa ganun sitwasyon namin hindi ko magawang magalit sa kanya kasi kahit anong mangyare Papa ko parin siya at anak niya pa rin ako.

Stuck With The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon