CHAPTER 2- Bipolar

20 2 0
                                    

DARCY DEL JACINTO

"Prince Charming? "

Nagulat ako sa sinabi ko maski yung lalaki nagulat sa lumabas sa bibig ko. Nakakainis na bibig to may sarili yatang pag-iisip at kung anu-anong nasasabi.

"Anong sabi mo?" tanong nung lalaki na nakangisi sakin na parang nang-aasar.

"Ah-Eh ang sabi ko Prince Charlie.Oo tama tama! May kaibigan kasi akong pangalan niya Prince Charlie at inakala ko ikaw siya." nauutal kong pagpapalusot.Buti nalang talaga at nakaisip ako agad.

Natawa yung lalaki sa sinabi ko, "Ah ganun ba? Well,if you say so. " natatawang saad nito. "By the way I'm Brix,Brix Argustin." sabay abot nito ng kamay niya sa akin.

Walang alinlangan ko syang kinamayan."I'm Darcy Del Jacinto but you can call me Darce for short." tila nawala na yung kaba ko kanina at napalitan ng saya.Ngayun ko lang din napansin na ang gwapo niya pala. Ang laki ng katawan niya and ang laki ng mga braso niya.Ang ganda ng pagkakacurve ng kilay niya at makapal din ito ng onti.I didn't see his hair kasi naka-cap siya na pink.Meron din siyang suot na golden chain necklace.

Natigilan ako ng pagtingin sa kanya ng kinakawayan niya ako ng paulit-ulit.Bwiset, napatagal yata ako ng pagkakatitig sa kanya.Sobrang nakakahiya,"Tagal mo yatang napatitig sa'kin ah." tinaas-baba niya yung mga kilay niya na akala mo nang-aakit. "Hirap talaga pag gwapo no? They don't take you seriously because they are too busy looking at you. "

Aba may pagkamahangin tong lalaking to. Pero kahit pa ganun, gwapo pa rin siya. Kung hindi lang niya ako tinulungan baka nakotongan ko yung mokong na yun.

Tinawanan ko na lang siya sa sinabi niya at nagpaalam na kasi malelate na din ako sa klase."I have to go na Brix I'll see you around na lang. " Sabay nginitian ko siya.

Binalik niya ang ngiti sa'kin at nagsalute. "See you later Darcy." Nagpahabol pa siya ng kindat sa'kin.

Naglakad na'ko tungo sa room sa pinakadulo ng corridor. Nang makadating ako dun ay sumilip muna ako para malaman kung may teacher na ba kami o wala. Nakita ko namang wala kaya nakahinga ako ng maayos.

Pumunta ako sa pintuan at may papel na nakadikit dito.Eto yung listahan ng mga estudyante para sa section HE-A. Nilapag ko ang daliri ko sa papel at hinanap ang, "Del Jacinto...Del Jacinto...AHA! Del Jacinto,Darcy."

Nang mahanap ko na ang pangalan ko sa listahan ay pumasok na'ko sa room namin. Nilibot ko ng tingin ang buong classroom para maghanap ng mauupuan.Marami ding mga matang nakabantay sa'kin na akala mo may sala ka.

Napansin ko na may isang babae na kumakaway sa'kin at tinuturo yung isang bakanteng upuan na nasa tabi niya. "Dito! Dito!" Pumunta ako sa upuang yun at nakita kong nakangiti sa'kin yung babae na nagtuturo ng upuan kanina.

Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Hi I'm Guinevere Bartolome but you can call me Guine for short. " Masiglang pagpapakilala nito.

Napakagaan mg pakiramdam ko sa kanya kaya alam ko na agad na magiging mabuting kaibigan kaming dalawa. "I'm Darcy Del Jacinto, pwede mo din naman akong tawaging Darce."

"Nako teh, feel ko magiging best of friends tayong dalawa. " Napangiti ako sa sinabi niya kasi parang nabasa niya ang naisip ko at akala ko ako lang yung nakaramdam.

"I know!" Excited kong pagkakasabi.

Patuloy lang kaming nagdaldalan na dalawa hanggang sa dumating ang isang guro. Napatingin lahat ng kaklase ko sa kanya. Yung iba natatakot kasi sa matataray niyang mga mata.

Tinignan niya ang bawat estudyante na nasa kwartong iyon. Nagkasalubong ang dalawa naming mga mata at nginitian niya ako.

Kumuha siya ng isang chalk mula sa chalkbox na nasa tabi ng blackboard at nagsimulang magsulat dito. 'Miss Quencie Sacriento' ayun ang kanyang isinulat sa blackboard.

Stuck With The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon