"Pinapapunta ka ng librarian don sa library. Tsk tsk" si Marie."Teka lang! Hinihingal pa ako, kakarating ko lang ng campus"
"Umupo ka muna" alok ni Rose
Uminom muna ako ng tubig sabay bira ulit.
"Ano raw meron? Hindi pa naman due date ngayon ng librong hiniram ko at wala naman akong kinalimutang ibalik na libro"
Napakamot ako sa ulo ko. Hinihingal pa rin. Hinahapo na ako ng hininga dahil dalawang beses ako nag-commute mula sa bahay pagkatapos naghahabol pa ako ng bus dahil may oras ng pag-alis. Kapag naiwan ka, commute ulit ng dalawang beses papasok.
"Ikaw ah, baka mamaya may ginawa kang kalokohan" pang-aasar sa akin ni Rose
Nagulat ako at nag-overthink. Inalala ko kung may nalabag ba ako sa student handbook ng school.
"Nakasimangot pa naman iyong librarian habang hinahanap ka kaya baka galit iyon"
Napakagat labi ako at napapikit ng mata
"Pupunta na ako""Tanga, umupo ka muna. Mukha ka nang inaasthma."
"Aalis na ako"
"Ang layo-layo ng library. Hihingalin ka na naman. Oh magpunas ka muna" inabot sakin ni Rose ang panyo.
Kinuha ko 'yon pero gumawi na ako papuntang library.
"Hoy Georgel, huwag kang tumakbo"
Tumakbo pa rin ako para makarating agad ng library.
Pagpasok na pagpasok ko ay sobrang kinakabahan ako. Wala naman akong ginawang hindi maganda lalo na't wala rin naman akong nilabag na rules sa loob ng school. Maliban na lang. No way! Bakit naman library hahawak non?
Kung tungkol yun sa aksidente dun sa Pav e bakit ako lang ang ipinatawag? Dahil ba ako lang ang scholar?
Humugot ako ng hininga bagamat hingal na hingal akong dumating sa library. Walang bakanteng upuan. Namatyagan ko naman na may isa pang upuan pero hindi ako pupunta diyan."Ms. Lain, you are already here. Come and take a seat beside Mr. Rosales. Just wait here for a moment," lumapit na sa'kin si Ms. Tin, iyong isa sa librarian.
"Miss, wait! You mean Kuya Kris po ba?"
"Yes"
Ano kailangan ng lalaking 'to? Inakay niya ako papunta sa upuan ni Kuya Kris na akala mo'y hindi ko naaninag kanina ang pwesto niya. Hindi naman galit si Ms. Tin. Malay ko lang kung sino 'yong nakausap nina Marie at Rose.
Nasa gilid ako umupo dahil ayokong kaharap si Kuya Kris. Ang pangit ng aura niya. Napakasungit! Tiningnan niya ako pagkahila ko ng upuan tapos binaling niya na sa ibang bagay ang atensyon niya.
Damn! Nakakailang lalo na't dalawa lang kami sa table na 'to. Nakikilala niya kaya ako? O naalala niya ba 'yong nangyari kahapon?
Matagal-tagal rin bago nakabalik si Ms. Tin. Inayos ko agad ang postura ko dahil nanankit na ang panga ko sa pangangalumbaba, at maya-mayang palingon-lingon sa paligid. Buti na lang at naabutan niya pa akong humihinga dahil kanina pa ako nasasakal.
"Ms.Lain, good morning"
"Morning po"
Umayos ka Georgina Angel!
"Here is the case. I already explained to Mr. Rosales the reason why I called the two of you. There's a special event about the annual library competition. We have chosen the two of you to represent our school in this contest. You make a written essay about anything you observe around the surroundings."
"Anything Miss? Hindi ba masyadong vague 'yon? Ano po ba 'yong nasa mechanics"
"Actually I had read the mechanics," sumingit na si Kuya Kris, "same question lang rin sinabi ko kay Miss. Although that's not the problem kasi 'di naman 'yung theme ng written essay 'yong magiging basis ng grading nila. May iba silang pinagf-focusan. Hindi ko rin magets e, maybe dahil this year ibang school ang magh-handle ng competition."
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...