Chapter 03

61 15 15
                                    

Chapter 03

Itzel's POV

Kasalukuyan kami narito sa k'warto na tinutulugan ni Reign. Halos tatlong oras na rin siyang tulog.

Nakaupo ako sa papag, sa tabi ni Reign samantalang nasa may maliit na upuan si Amira at nakatayo naman sa may hamba ng pinto si Vien.

"Sa tingin n'yo anong oras gigising si Reign?" tanong ko kina Amira at Vien habang nakatingin kay Reign.

It is 3:30 pm already. Kung magtatagal pa kami rito ay nakakahiya na kay Manang Minerva.

Dito na kasi kami niya pinakain ng tanghalian. Hapon na rin at hindi magandang abutin kami rito ng dilim lalo na't medyo malayo itong bahay ni Manang sa mga bahay namin.

Nakarinig ako ng yabag kaya nilingon ko iyon kung sino, "Kailangan na nating umuwi." sambit ni Vien, "Siguro ang maganda pa ay pasanin ko na lang si Reign para makauwi na tayo." mungkahi pa niya ng huminto siya para pagmasdan si Reign.

"H-Hintayin na lang natin siyang magising!" biglang singit ni Amira dahilan para maagaw niya ang atensyon namin. "A-Ahmm, I-I mean, b-baka kasi mahulog si Reign at mas maganda rin na nakakapagpahinga pa ang katawan niya." utal na dagdag niya na may naglalarong hiya sa mukha.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Muntik na akong matawa dahil sa inasta niya. Ang hirap talaga kapag umiibig sa taong manhid. Napapailing na lang ako sa sariling naisip.

Kailan kaya makakaramdam itong si Vien?

Iniwasan ko na lang matawa baka magtaka lalo itong si Vien.

Napatingin ako kay Vien at bakas sa mukha na ang pagtataka habang nakatingin kay Amira.

"Tama si Amira, Vien." sang-ayon ko. "Ang kaso nga lang Amira kailangan na nating makauwi, kailangan pa nating kausapin si Aling Mildred." naroon sa boses ko ang paglalambing, nagbibigay ng kapanatagan sa kan'ya.

Sinuklian niya iyon ng isang nahihiyang ngiti.

Alam kong nagseselos siya pero para naman ito kay Reign at alam kong maiintindihan din niya 'yun. Hindi naman namin pwedeng iwan dito si Reign dahil kami ang mapapagalitan.

Una sa lahat, hindi nagpaalam si Reign lalo na kaming tatlo. Ito kasing si Reign napakamapilit, kaya damay-damay kaming masesermonan mamaya kung gagabihin kami ng uwi.

Pangalawa, hindi kami pwedeng manatili dito at magpalipas ng gabi dahil magdadatingan mamaya ang mga anak ni Manang Minerva na nakatira dito.

"Kakayanin ko siyang buhatin saka ang alam ko mayroon pang last trip ng tricycle dito around 4 o'clock." naroon ang kaseryosohan ni Vien. "Makakaabot tayo kung aalis na rin tayo ngayon." ani pa niya habang nakatingin sa kan'yang relo.

"Sige, tara na!" tumango muna ako kay Vien saka muling inasikaso si Reign.

Inalis ko ang kumot na nakabalumbon sa katawan niya.

"Opps!" reaksyon ko.

Nakita kong kung paano namula si Vien saka mabilis na umiwas ng tingin ng bahagyang sumilip ang maputing tiyan ni Reign dahil sa bahagyang pagtaas ng damit nito.

Agad ko naman 'yung inaayos. Mahirap na baka hindi makapagfocus si Vien maibagsak pa itong reyna.

"A-A-Ayos n-na?" hindi niya maituwid ang dila. Ramdam ko sa kan'ya ang pagkailang.

"Oo pwede ka nang tumingin." natatawang ani ko.

Dahil sa liwanag na mula sa ilaw, nakita ko na buong mukha na ni Vien ay pulang-pula.

Be With You [Season 1] | On-GoingWhere stories live. Discover now