Chapter 04

72 15 16
                                    

Chapter 04

Amira's POV

Dinala ako ni Vien sa likod-bahay nina Reign. Rinig mula rito ang maingay na hampas ng hangin sa tubig ng dagat.

Nasa tabing dagat kasi itong bahay nina Reign. Makikita rin mula rito ang nagniningningang mga bituin at ang crescent moon na nakangiti ang hugis.

Napakasarap din sa tainga ng huni ng mga kulilig at ang mahinang pag-awit ng iilang ibon na sadyang nakakahele.

Nang makalapit kami ni Vien sa isang puno, isinandal niya ako roon at bigla niyang itinuon ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong gilid.

Madali niyang nagawa iyon dahil medyo may katangkaran siya sa akin.

Para tuloy akong nakakulong. Dahil doon, imbis na ma-enjoy ang mga natural na tunog mula sa kalikasan ay ang mabilis na tibok ng puso ko ang naririnig ko.

Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ko habang mataman niyang pinagmamasdan ang mukha ko hanggang sa tumigil iyon sa mga mata ko.

Mabuti na lang at tanging ang ilaw sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin dito dahil kung nagkataon na maliwanag dito ay nasisiguro kong makikita niya kung gaano kalakas ng epekto niya sa akin dahil ramdam ko ang sobrang pag-init ng pisngi ko.

Hindi lamang iyon, hindi na rin naging normal ang paghinga ko dahil sa bawat pagkakataon na ginagawa ko iyon, sinasakop ng amoy niya ang ilong ko.

Dahil naiilang sa paraan ng pagtitig niya sa akin, nagbaba ako ng tingin kasama ang ulo ko pero laking gulat ko ng hindi niya pinahintulutan iyon.

Gamit ang kamay, ay muli niyang itinaas ang mukha ko upang muli lamang masalubong ang nakakatunaw na titig niya sa akin.

"Eyes on me, Amira." gan'un na lang kaganda sa pandinig ko ng bitawan niya ang mga salitang iyon.

Napakaganda at mahinahon na boses. Pero iyon din ang mas lalong nagpawala sa puso ko. Tanging magkakasunod na lunok na lang ang ginawa ko dahil sa panunuyo n'un.

"I said, Eyes on me, Amira." may bahid ng inis na sabi niya ng ituon ko ang tingin sa may balikat niya.

"A-A-Ano bang pag-uusapan n-natin?" utal kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya.

Gusto kong iiwas ang tingin ko  dahil hindi ko na magawang sabayan ang malalim na tingin niya sa akin. Sobra na ang panlalambot ng tuhod ko.

"Bakit ka umiiwas sa akin?" mahinahon na tanong niya pero naroon ang diin.

"A-Ano bang sinsabi m-mo?" tanggi ko.

"May problema ba tayo, Amira?" tanong muli niya.

"W-Wala." matagal bago ko nasabi 'yun.

"Kung gan'un bakit ka nga umiiwas sa'kin?" iritang tanong niya.

"H-Hindi naman ako umiiwas eh." garalgal na sabi ko.

Mas mabuti na ito. Magsinungaling na lang dahil kahit kailan hindi ko kayang masabi sa kan'ya ang nararamdaman.

Duwag na kung duwag pero masisisi n'yo ba ako. Pagkakaibigan na nga lang ang mayroon kami masisira pa.

"Huwag mo akong gawing tanga Amira." medyo tumaas na ang boses niya. "Sige nga sabihin mo nga sa akin, hindi ka ba umiiwas ng tingin sa akin, kanina hindi ka rin sumasabay sa paglalakad kahit doon sa may tricycle, inalok na kita na mauupuan sa tabi ko pero pinili mo pa ring maupo doon sa tabi ng driver na alam naman nating lahat na ayaw mo doon. Sige nga?" dere-deretsong sumbat niya, ramdam ko ang gigil niya at pagpipigil din na masigawan ako.

Be With You [Season 1] | On-GoingWhere stories live. Discover now