Samantha's pov:
anak samantha!! Gumising ka na dyan. Pakigising na din nung kambal . First day of school nyo ngayon!!. sumigaw si mama para gumising nako at para gisingin na din yung kambal. First day of school namin ngayon. Grade 12 ako ngayon at yung kambal kong kapatid ay grade 10. Yes lahat kami ay graduating students. Kaya lalo namin pagbubutihin ang pag aaral namin.
Hoy! Gumising na kayong dalawa dyan. Nandito ako ngayon sa kwarto ng kambal. Ayaw parin bumangon eh.
5 more minutes ate. Antok pa kami. Sabi ni Abigail na nagtaklob ulit ng kumot.
Oo nga ate. Maya maya ay gigising na rin kami. Pagsang ayon naman ni Venice. Jusko pooo maloloka ako sa dalawang eto.
Bumangon na nga sabi eh! Pag kayo nalate pa. First day pa naman naten ngayon. Pagpilit ko sa dalawa para bumangon na.
Aishh badtrip naman. Sabi ni Venice na may hawak nang towel at pumasok na nang banyo para maligo.
Kj ka naman ate. Kaya wala kang jowa eh. aba ang batang ito. Isinumbat pa ang pagiging single ko.
Eh ano namn kung wala akong jowa? Meron kaba?. Sabi ko na nakataas ang isa kong kilay.
Sabi ko nga liligo nako hehe. Sabi ng kapatid ko at pumasok na din sa isa pang banyo.
Nandito kami ngayon sa kusina at curently nag aagahan kami.
Mga anak ingat kayo sa pagpasok. Papasok na ako sa trabaho. sabi ni mama na nag aayos na ng gamit nya.
Sige mama. Ingat po kayo. Sabi namin at patuloy na kumain. Nagtataka siguro kayo kung bakit si mama lang ang kasama namin. Sabi kasi ni mama ay umalis daw noon ang papa namin dahil may aayusin lang na problema pero hindi na daw ito bumalik pang muli. May trabaho naman si mama kaya napapag aral nya kami at sa tulong ng scholarship ay nakakapag aral kami ng mga kapatid ko sa isang private school. Hindi nga daw alam ni mama kung saan kami nakakuha ng katalinuhan.
Ate una na kami ni Venice. Bye ate. Sabi ni Abigail. At sabay silang humalik sa magkabilang pisnge ko at nauna na silang pumasok sa kanilang classroom. Kahit makulit silang dalawa ay malambing din naman sila samin ni mama.
Sam!! Omygosh gurl!! . At narinig ko na ang boses ng bestfriend kong si Denise. Zoe Denise Caringal is my bestfriend since 7th grade.
Denise bess!! Musta na?. Tanong ko kay denise na yumakap pa sakin.
Okay lang ako bess. Ikaw ba?. Sabi nya.
Okay lang din ako. Pasok na tayo? Sabi ko naman.
At ayon nga. Pumasok na kaming dalawa sa classroom namin.
Nandito kami ngayon ni denise sa canteen at nagrerecess.
Uy bess balita ko si Ahron daw yung bago nating school president. Ay yun pala sya oh!! Shemsss ang gwapo!!!!. Tumingin ako sa tinitignan ni Denise. May tatlo na kalalakihan ang naglalakad. Pinagti tinginan sila ng mga kababaihan . At nasa gitna si Ahron. Si Ahron Stephen Rio ang tipo na cold kausap at snober. Ang nasa kanan nya namn ay si Judiel Shaun Monteverde. Sya yung sociable at may sense of humor. Ang nasa kaliwa naman ni Ahron ay si Christian Oliverios Ferrer. Sya naman ang playboy ng campus dahil sa dami ng babae kanyang napaiyak.
Si Ahron ang bagong school president?. This is gonna be interesting school year.
YOU ARE READING
Their Sacrifice
Teen FictionIvy Samantha Montero has only 3 important things in her life. Her mother . Her friends and her dream to be a flight attendant. Ivy has always been a campus royalty but that doesn't matter to her then suddenly, a person came unexpectedly and she has...