P R O L O G U E

20 3 4
                                    

WARNING❗

DISCLAIMER: Names,Places, Events and etc is only a work of FICTION. Everything contained here in comes entirely from the Author's imagination...


If you see any BAD ENGLISH or WRONG SPELLING, WRONG GRAMMAR, even BAD WORDS. Please, advance sorry because I am just a teenager, still studying, still learning.

If you guys have a question kindly comment down.

Kung ayaw nyo sa mga cliche na story, then stop reading this! And you're FREE TO LEAVE!!

Kung gusto nyo naman na may cliche na story then gora lang ghorl!

I Dedicated this story to a handsome boy na napag-alaman kong kaibigan pala ng kuya ko.

PLAGIARISM is a CRIME!!!⚠️⚠️

Copyright. 2020
That Brother's Bestfriend
All Rights Reserved

• • • •


"MR.VELASCO! Your phone!" Sigaw ng isang babae. Nilingon ko sya, si Ms.Enriquez na hawak hawak ang phone ko. Agad naman akong lumapit para kunin sakanya ang phone ko. Ka-meeting ko sya. Katatapos lang ng meeting namin.

"Thank you, Ms.Enriquez and sorry" sabi ko habang nakangiti.

"It's okay, buti nalang nakita ko kaagad" aniya. Pumihit ako patalikod sakanya at 'di sinasadyang madaanan ng aking paningin ang isang pamilyar na mukha.

Mukha na hindi ko kailanman nakalimutan.

Mukha na hindi ko nasilayan sa loob ng sampung taon.

Mukha na sobrang namiss ko.

Avery.

Natigilan ako at ganon din sya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

"Madam, dito po tayo" sabi ng babaeng katabi nya. Doon palang sya nag-iwas ng tingin kaya napa-iwas din ako ng tingin. Pero sinulyapan ko rin naman sya kaagad, sinundan ng tingin ang bawat hakbang nya papunta sa isang table.

Napatingin ako kung saan sya uupo. Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo at naghihintay.

"Sir? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Sabrina, Secretary ko.

"A-Ah yes, let's go" sabi ko at umalis na kami don.

Hanggang sa office, nasa utak ko parin ang itsura nya.

"Ms.Lorenzo, coffee please" usal ko habang nakatulala parin. Lumabas naman sya.

Umiling ako para maalis ang mga iniisip ko tungkol sakanya at nagsimula ng magtrabaho.

"Sir, May meeting daw po ngayon sa conference room" Biglang sabi ni Ms.Lorenzo. Tumango ako at ngumiti.

Kaya tumayo na ako, kinuha ang coat ko saka lumabas.

Dalawa palang sila ng dumating ako. Natigilan ako ng makita sya ulit.

Anong ginagawa nya rito.

Bakit sya nandito?

Katulad ng ginawa nya kanina, nag-iwas sya ng tingin. Ako naman umupo na sa upuan na katapat nya. Nakita kong pumasok na si Daniel tapos sumunod si Kenzo.

Umupo sa tabi ko si Daniel habang si Kenzo naman sa kabila, sa tabi nya.

Nakaharap kami sa isa't isa pero nakayuko at nakatingin sya sa mga papeles sa table. Hindi ko maiwasang lingunin sya sa bawat paggalaw nya.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang iba. Tumayo sa harapan ang daddy ni Avery.

"Good afternoon everyone, I'm sure you guys already know our problem. Ang unti unting pagbaba ng ratings natin. So may naisip na akong solution dyan. Ang naisip ko ay Collaboration with Velasco group. Ilang araw kong napag-isipan yan, so Mr.Velasco and The Gonzales Group will be business partners" Mahabang sabi ng Daddy nya.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Avery ngunit nag-iwas din agad ng makitang napatingin din sya sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Brother's Bestfriend [ON-GOING]Where stories live. Discover now