GEORGE POV
Habang naka tayo kaming lahat dito sa garden ni mommy at nagiinm kasama sila . Hindi ko maiwasan mapangiti at makahinga ng maluwag pero alam ko naman na tatanggapin nila si Katelyn hindi naman sila matapobre at kilala ko sila .
" Anak "- Daddy
" Yes Dad " sagot ko
" Hindi kita pahihimasukan sa relasyon mo pero hindi mababago ang desisyon at plano naten sa pagpunta mo sa states sana maipaliwanag mong ng ayos kay Katelyn yun " - Daddy
Lumapit samen si mommy
" Ang seryoso naman ng mag ama ko " - Mommy sabay yapos sa mga braso namin ni Daddy
" May pinapaalala lang ako sa pagpunta niya sa states " - Daddy
" Hmm .. Hindi namin yun inopen kanina dahil gusto namin magusap kayong dalawa ni Kate . "- Mommy
" Opo Thankyou " sagot ko sabay lagok ng alak
Salamat talaga at sila ang naging magulang ko sweet at understanding kaya hindi ko kaya kung mawala isa sakanila .
" Dad mom iloveyou both " sabay yakap sa kanilang dalawa .
" We loveyou too " - mommy
" masaya ako para sayo anak " - Daddy
Tumango lang ako at yakap ko pa din sila .
" Oyy George pabebe ka "- Amber
" Sweet " - Trix
" Artii "- Sab
Nandito na ang mga kumag eepal na naman sa moment namin ng magulang ko .
" inggit lang kayo " sabi ko
" Inggit baka gusto mo iuwi namin si Katelyn sa kanila ngayon din " - Amber
" Oyy Amberlyn tiigilan mo ko sa pagbanta mo ahh " sabi ko at kinulong ko ang ulo niya sa braso ko .
" yung alak ko George pag to natapon lagot ka saken " - Amber
Nagtatawanan sila si Princess at Katelyn simpleng tumatawa din may pagka isip bata talaga kami hindi na yun nawala lalo kung kaming apat lagi magkakasama .
"Muka ka talagang alak Amber "- Katelyn
" Lasinggera lang ang nakakaalam ng halaga ng bawat patak ng alak diba Amber "- Daddy
" Tama kayo Tito " - Amber sabay apir sa daddy ko
Itong kumag na to kala mo tropa lang daddy ko ehh sampalin ko kaya to ng tsinelas .
" Naku Gregor " - Mommy
sabay grab ni daddy sa balakang ni mommy kahit may edad na sila ang sweet pa din nila . Bigla ako napasulyap sa pwesto ni Katelyn .
Ako din gang sa pagtanda namin ni Katelyn hinding hindi ako mananawang iparamdam at pagsilbihan siya gang sa kulubot na ang balat naming dalawa .
Ar pangako ko sa sarili ko wala na akong mamahalin na babae kundi siya lang at wala ng iba .
" Iba talaga pag naiinlove nakakatakot "- Amber
Tumingin ako sa kanya .
" Ngumingiti bang tulala walang nakakaligtas diyan George " - Sab
Tawa na naman silang dalawa pag ito talagang to nainlove tatawanan ko talaga sila . b
" Sab 2 down " - Amber
" Goodluck sateng dalawa wag isusuko ang belt Amber " - Sab sabay cheers silang dalawa
Sa dalawang to si Sab ang pinaka matino hindi nalalayo na swerte ang magiging jowa niyan samantalang si Amber madami pang tissue gagamition ng babaeng maiinlove sa kanya dahil sameng apat si Amber ang matakaw sa babae . Si Sab kasi asawa na hanap niyan hindi past time .
Kung sino man ang magiging girlfriend ni Amber pakatatag ka at kain ka madami dahil sasakit ulo mo sa kanya for sure .
KATELYN POV
Habang nasa sulok ako at sumisipsip ng juice . Lumapit saken si Tito Gregor pag talaga siya yung makikipag usap saken kinakabahan ako .
" Kamusta hija " - Tito Gregor
" Maayos po Tito "
" Wag kang mailang relax lang " - Tito
" Opo sorry nahihiya lang po ako "
Totoo naman nakakahiya kasi isipin niya jinowa ko anak niya dahil sa pera nila masakit man pero hindi yun totoo fact lang yun na pwede niya yun isipin saken kasi ano lang ba ako .
Hayy
" Wag kana mahiya samen soon magiging family na din naman tayo " - Tito
Nasamid ako ng juice naubo tuloy ako boyset na juice to .
" Po " Sagot ko Ano Katelyn bingi ka lang .
" Haha hindi kita pinpressure pero dun din naman kayo tutungo hindi nga lang ngayon at madami pa kayong pangarap " - Tito Gregor
Tinanggap niya ba ako dahil sa utang na loob saken dahil ako nagligtas saknila sana hindi . Ayuko na dahil dun no choice sila kundi tanggapin ako .
" Hija sana wag mong isipin na tinanggap ka namin dahil ikaw ang nagligtas samen okay tanggap ka namin ano ka man o sino ka man at dahil masaya ang aming anak hindi kami humahadlang sa kasiyahan niya susuportahan namin kayo " - Tito Gregor
Naiiyak na naman ako .
" Kaya wag mong pigilan yang nararamdaman niyo gang wala naman kayong naapakan na tao go niyo lang "- Tito Gregor
" Salamat po Tito " yun na lang nasabi ko
At niyakap niya ako yakap ng isang tunay na ama na nagmamahal sa anak nila . Namiss ko sila nanay at tatay sana makauwi ako ulet sa bahay gusto ko din sila mayakap at gusto ko official kong ipapakilala si George sa kanila na girlfriend ko .
At bumalik na si Tito sa pwesto nila ni Tita masasabi ko lang swerte ni George sa parents niya . Samantalang si George pati si tatay niligawan niya well hindi ko masisisi si Tatay at probinsyana ang anak niya kung nalaman nga lang ni Tatay may nangyari samen ni George ay baka pinakasal ako sa kanya agad ..
ayy luhh wait
may nangyari
Bigla ko naalala yung make love namin ni George uminit ang mukha ko .
Yung gabi na yun hindi ko makakalimutan yung pagdampi ng labi niya sa katawan ko at yung mainit niyang palad sa dibdib ko feeling ko gang ngayon ramdam ko pa din .
sheeyyttt Katelyn yung isip mo nga .
Umiling iling ako .
Bigla na lang may humila saken .
" Ayy " napatili ako
" sshhhh Mahal " - George
At ginrab niya ang pisngi ko paangat para mahalikan niya ako mapusok yun at bawat halik niya natututo na akong sumabay kaya napulupot ko ang kamay ko sa batok niya .
"hmmm "moan ko hindi ko mapigilan hindi magmoan sa sarap niyang humalik .
Nagstop kami at parehas kaming hinihingal bigla siyang ngumiti .
" Kanina pa kita gustong halikan "- George
" Hmm pilya " sabay kurot ko sa pisngi niya .
Mahal na mahal kita George at sisguraduhin kong ikaw ang una at last tulad ng sabi ni Tito Gregor .
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?