Akala ko naman masusundan pa ang pagpunta namin sa plaza.
Hindi na pala.
Sobrang naging busy nila Neo. Hindi na nga namin sila nakakasabay eh. Puspusan ang pagpeprepare nila for spelling bee.
Si Jade naman ay naging busy rin. Sya ang taga-choreo nang mass demo ng section namin. Sa first week kasi ng february iyon, sa first week din ng february gaganapin ang battle of the bands pati na ang JS Prom ng Junior at Senior High School.
A/N: (Wag po malilito, 2012 po ang timeline, wala pang Grade 11 at 12. Inimplement ang K-12 nung 2016. 3rd year po ang JHS at 4th year naman ang SHS)
Maglalaban laban ang sections kada year. Last year eh Section nila Chloe ang nanalo. May specific time kami for practice at kada uwian ay nagmemeet kami sa isang lugar para magpractice.
Ganun din sila Chloe. Kaya kadalasan eh mag-isa ako naglalunch, minsan sumasabay si Chloe. Hayss. Pag ganto talaga hindi kami nakakapagsama sama. Well magkakasama sama rin naman kami pag matapos na ang mga events na to.
Maaga ako natapos nang lunch at may 30 minutes pa naman ako. Wala si Jade dahil nasa faculty sya at nasa practice naman si Chloe. Sinukbit ko na ang bag ko at umalis naman na ako ng field dahil waley na rin naman na ako gagawin don. Naglalakad na ako ng mamataan ko si Neo na papalapit sa akin. Agad naman akong tumakbo sa kanya.
"Oww!" muntik pa syang matumba nung bigla ko syang yakapin.
"Miss na miss na kita! Ilang araw na kita di nakikita." sabi ko pa.
"Sorry hehe. Naging busy lang talaga." sagot nya pa.
"Ano pala ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Maaga kasi ako natapos dun sa activity na pinapagawa nila. Sabi ko maglalunch na ako." sagot nya pa.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Oo. Sa canteen." sagot nya.
"Ahh. Ay tamang tama may papaturo pala ako!" naalala ko naman yung assignment ko sa AP na tungkol sa politics. Papaturo ako dahil di ko maintindihan.
"Sure! Tara sa library." hinatak naman nya ako papuntang library. Pagkapasok ay naghanap kaagad kami ng bakanteng table. Sakto naman at meron, solo namin. Agad na kaming umupo at nilabas ko naman ang book at notebook ko sa AP. Kinuha naman nya iyon at binuklat.
"Anong di mo maintindihan dito?" tanong nya.
"Yang three branches of government! Di ko maintindihan pagkakaiba! Wala ako maintindihan." reklamo ko pa.
"Hmm." nagscan pa sya doon. "Akin na notebook mo." binigay ko naman ang notebook ko.
"May three branches ang government. Executive, Legislative, at Judiciary." sinulat nya pa iyon sa notebook ko. Ganda naman ng sulat nito. Parang dinaanan ng bagyo yung akin eh.
"Under ng Executive ang President, Vice President, at Cabinet Members." sinulat nya pa iyon sa ilalim ng Executive.
"Sa Legislative naman, Senators and House of Representatives." sinulat nya pa iyon sa ilalim ng Legislative.
"Sa Judiciary naman, Chief Justices." sinulat nya pa iyon aa ilalim ng Judiciary. Nakatingin lang ako sa kanya, seryoso syang nagpapaliwanag, ang gwapo naman nito.
"May iba pang members ang mga iyan pero hindi ko na ininclude. Basta lagi mong tatandaan, pag Legislative Law making. Pag Judiciary Law interpreting. Pag Executive Law enforcing." dagdag nya pa.
"Law making ang Legislative dahil sila ang gumagawa ng batas. Law enforcing ang Executive dahil sila ang nagsasabi sa mga tao na sundin ang batas na inimplement. Law interpreting naman ang Judiciary dahil sila ang nag-iinterpret ng batas sa isang taong nagkasala ng hindi naaayon sa batas." paliwanag nya pa. Infairness nakuha ko ah.
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.