Naiwan akong mag-isa sa sala dahil inaya ni Ka Lucing si Vicente sa may kusina. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may pag-uusapan silang ayaw ipaalam sa'kin ni Ka Lucing. Though, naiintindihan ko naman kung personal talaga.
At dahil nasolo ko ulit ang sala, malaya kong nailibot ang paningin ko. Wala namang nagbago simula noong huling punta ko, napansin ko lang na may picture frame pala sa table sa may sulok nitong sala.
Agad akong tumayo para tignan ang litrato.Isang babaeng nakabestida at nakatayo ng deretso ang laman ng litrato. Hindi ko sure kung puti talaga ang kulay ng dress niya dahil na din sa hindi pa naman uso ang colored photography noon, pero parang familiar sa'kin ang background niya.
Lumabas ako ng bahay at pinakatitigan ang harap nito. Ini-level ko pa ang picture sa mata ko para makita ng mabuti.
Tama! Bahay ni Ka Lucing ang background sa picture. Makikilala mo agad ang pintuan dahil sa kakaibang design nito, halatang pinasadya at inukit ng masinsinan. Pati ang door handle ay walang pinagbago.
Sa sobrang galak, hindi ko napansing nasa bukana na pala ng pinto si Ka Lucing, "Hija, anong ginagawa mo dyan?" tanong nito.
Muntik ko nang mabitawan ang picture frame. Hindi naman siguro magagalit sa'kin si Ka Lucing sa paggalaw ko nito no?
"Ah.. Nakita ko po kasi," sagot ko at iniharap sa kanya ang picture frame.
"Napansin mo pa pala 'yan." ani ni Ka Lucing at bahagyang tumawa. Hindi lang naman si Era ang nakakapansin ng mga bagay, syempre sa'kin niya 'yon nakuha lalo no'ng mahilig pa kaming maglaro sa bukid.
Ngumiti din ako bago nagtanong, "Sino po 'to, Ka Lucing?"
"Hindi mo makilala, hija?"
Medyo nagtaka 'ko nang mapansin kong pinipigilan ng matanda ang pagngiti kaya tinignan kong mabuti ang babae sa picture. Nilapit ko pa ng husto sa mukha ko para makita ko ng mabuti.
"Kayo po 'to?!" gulat na tanong ko dito.
At hindi na nga nito napigilan ang ngiti, partida humalakhak pa.
Ang ganda pala ni Ka Lucing noong kabataan niya! I mean, halata namang may itsura si Ka Lucing hanggang ngayon, hindi lang ako makapaniwalang ganito siya kaganda noon. Kaya naman pala nabihag din niya ang lolo ko.
"Grabe ang ganda niyo po pala!"
Napatakip sa bibig si Ka Lucing para pigilan ang pagtawa, "Ikaw talagang bata ka, manang-mana ka sa lolo mo."
Napangiti ako nang banggitin nito si Lolo. Siguro maharot din 'to noon kagaya ko kay Francis.
Nanlaki ang mata ko nang maalala kong basta ko na nga lang palang iniwan sila Francis sa bahay!
Mukhang napansin naman ito ng matanda, "Hija, may problema ba?"
"Ah, Ka Lucing, balik na lang po ako mamaya ha? May nakalimutan pa po pala 'ko sa bahay." sabi ko. Nakita ko pang aligaga din itong tumango bago ako tumakbo pauwi.
Pagpasok ko ng gate ay wala na 'kong nadatnan sa pwesto namin kanina. Malinis na din ang lamesa. Nakaparada pa din naman ang sasakyan ni Francis sa labas kaya siguradong nandito pa siya.
Pagpasok ko ay si Mama kaagad ang bumungad sa'kin, "Anak, saan ka ba galing? Basta-basta mo na lang iniwan ang bisita natin."
Pagkatapos magsalita ni Mama ay saktong lumabas naman si Francis galing sa kusina. Napansin kong medyo basa pa ang braso niya.
"Sorry, Ma. Pu-pumunta po 'ko sa bahay ni Ka Lucing."
Mukhang nagulat naman ito sa sinabi ko. Sino ba namang hindi magugulat kung bigla-bigla na lang magiging close ang anak mo sa kilalang strikta at masungit na mamamayan ng Nordes. Lalo pa siguro kung naaalala pa din nito na nagka-issue kami noon sa barangay.
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...