"Ito lang po ba ate?" Tanong ko sa kapitbahay namin na nagpapalaba sa akin.
"Oo Tin. Nagpalaba rin kasi ako sayo nong nakaraang araw." Ani ni ate Jing. Pinagtiyatiyagaan niya na nga lang ako dahil naaawa siya sa akin.
"Sige po ate." Nagpasalamat ako at tumalikod na habang bitbit ang isang plastic na puno ng labahin.
Nag iisa nalang ako sa buhay at ni minsan hindi ko pa nakikita mga relatives ko kasi hindi naman sila naipakilala sa akin ni mama at papa. And my parents? They died three years ago. I'm 18 years old now at namatay sila nong 15 ako. Napaka bata ko pa diba? Ang natira lang sakin ay ang bahay namin. Pera? Wala. Kaya ito ako ngayon pinipilit buhayin ang sarili kahit gusto ko ng sumuko.
I miss them. Yung family bonding namin, sabay kumain sa hapag, sabay nag simba. See, ganiyang bond ng family dimo ma mimiss? Bakit kasi nangyari pa ang aksidenteng yun eh!
Tamang tama na nakarating ako sa bahay at siyang pag tulo ng mga luha ko. I badly miss them. Napapagod nako mom, dad. But i had a promise. Mag aaral ako at magtatapos para sa inyo.
Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim bago dinala sa cr ang labahin.
Noong una naninibago ako pag tatrabaho dahil nong buhay pa sila mama at papa ay buhay prinsesa rin ako. Pero ngayon na ang sarili ko nalang ang maaasahan ko ay kailangan kong mag sipag at mag tiyaga.
Isa at kalahating oras rin bago ko natapos ang labahin ko. Lingo ngayon kaya may free akong tumanggap ng labahin, at mamayang four pm ay may trabaho ako sa bar. Yes, isa akong waitress sa bar. Kaya ko napapaaral sarili ko sa college dahil sa sweldo ko galing sa pag w-waitress sa bar. Legal naman ang trabahong yun kaya walang masama.
Nag bihis lang ako ng casual na damit dahil may sariling uniform ang bar. Natanggap naman agad ako dahil nasa legal age na ako non. Simula 15 ako ay puro labahin lang talaga ang natatanggap kong trabaho. Meron ngang isang linggong walang wala ako kaya tudo tipid ako sa pagkain dahil hindi ko pweding gastusin ang perang nakatabi para sa next school year.
Makakaraos rin ako sa kahirapang to. Makapag tapos lang ako ay makakahanap rin ako ng magandang trabaho.
Kakarating ko lang sa bar ay madami na agad na tao. Mag gagabi na kasi kaya nandito na sila. Buti pa nga sila tamang pasaya lang sa buhay.
Dumeretso na ako sa locker room para mag bihis na. Hindi naman ako late kaya okay lang.
Pagkapasok ko ay naabutan ko ro'n si ate Keiya na nag me-make up. Siya lang naging close ko sa lahat ng nag tatrabaho dito. Isang sexy dancer si ate, bata pa siya. 20 ata? Yun yung pagkakatanda ko eh. Pero super matured na nang katawan at muka niya kaya bagay na bagay sa kaniya ang sumayaw. Para sa akin legal ang sumayaw hanggat wala kang ginagawa kundi sumayaw lang naman sa harapan nila. Marami kasi agad na mapanghusga at ang tawag nila sa mga nag tatrabaho sa bar ay isang pokpok.
"Mag ayos kana bhe dahil rinig ko kanina ay may mag c-celebrate daw dito mamaya kaya madaming tao. At rinig ko rin bigatin pa." Tumawa siya na parang loka.
"Galingan mo kamo mamaya baka isa sa mga mag c-celebrate mamaya ay Forever mo na." Gatong ko sa pang aasar niya. Tumawa ito na parang sinabing imposible.
Yeah, imposible nga dahil ang mayayaman ay para sa mayayaman lang.
Nagbihis narin ako at nag ayos. Naka red lipstick ako at light make up lang na lagi ko namang make up.
"Osiya girl mauna na ako sayo," Aniya at lumabas na. Ako naman ay huminga muna ng malalim bago napag desisyonang lumabas, tapos narin naman ako.
Dami nang tao, expected naman, lalo na't weekends.
Nag umpisa na akong mag deliver ng mga order nila.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
عاطفيةJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...