Girl be mine Julielmo

4K 33 19
  • Dedicated kay Nicole Abat
                                    

Akala ko, love conquers all hindi pala lahat. Ako si Julie Anne San Jose, 22 years old. Walang permanenteng trabaho, may asawa na palamunin ko at ito ang aking kwento……

Julie Anne is the perfect daughter, perfect student, perfect leader, friend. Julie is simply, perfect. 

Ang buhay niya walang iniisip, maganda at stable ang trabaho ng parents niya at tanging iisipin niya ay kung paanong mapapataas ang grado para lalong matuwa ang Mommy at Daddy niya sa kanya.

Marami ang humahanga sa kanya hindi lang dahil sa angkin niyang ganda, kundi dahil talaga namang kahanga-hanga ang kanyang talino. 

At dahil lumaki siya sa isang may kayang pamilya, lagi siyang proper, proper sa kahit anong bagay, kailangan perfect.

Bata palang siya imbes na maglaro, piano ang pinagkakaabalahan ng mga kamay niya, nang tumungtong ng grade school pinasok sa ballet class, walang oras na naupo si Julie para manuod or maglaro man lang sabi kasi ng Mommy at Daddy niya “Time is everything“ 

Kaya lumaki siyang organized, walang oras na pwedeng sayangin. Engineering ang kinuha niyang course yun kasi ang sabi ng Daddy niya. 

Kakapark lang ng driver niya sa parking lot ng school ng tumawag ang Daddy niya.

Joey: Julie? I need you to meet Mrs. Robles later.

Julie: Okay Dad, where?

Joey: My secretary will send you the information, I just called to tell you that.

Julie: Okay, is that all?

Joey: that’s all, bye!

Julie: Bye Dad!

Binaba niya ang cellphone saka inayos ang gamit, sanay na siya sa kaswal nilang paguusap ng Daddy niya parang tauhan lang siya sa kompanya.

Julie: Manong 11:30 tapos ng class ko and then I’ll text or call you kapag nasabi ni Gem yung place and time kung saan ko imemeet si Mrs. Robles.

Joey: Opo, Ms. Julie.

Julie: Okay, thank you Manong!

Bumaba na si Julie sa sasakyan.

Nasanay na siya sa araw araw niyang routine, pinapractice siya ng Daddy niya sa pagkikipagusap sa mga kliyente nila kaya laging siya ang pinahaharap sa mga ito, si Mrs. Robles ay isa sa mga importanteng investor sa kompanya nila kaya kailangan niyang maging presentable at handa para dito. 

Maingat na umupo siya sa usual niyang upuan at nagbukas ng libro upang magadvance study, pero nabasa niya na talaga yun kahapon pa. 

Tumingin siya sa paligid niya, napagulo, ang mga babae ayun nakikipagkwentuhan at tsimisan imbes na magaral, natatawa na lang si Julie.

Julie: Anong magiging future ng mga taong ito? Mga pabigat sa magulang!

Sabi niya sa sarili, at nagirap sa mga tao. 

Claire: What’s with the face Julie Anne?

Julie: Oh Hi there Claire?

Claire: Ano nanamang problema mo sa mga tao?

Julie: Wala, I just think these people are so useless.

Girl be mine JulielmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon