Hello everybody!!!
Marami pong change POV dito..... XP
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
CL's POV
Natapos na akong magempake kaya maliligo muna ako. Habang naliligo ako naiisip ko kung sino kaya ang mga karoommate namin o kaya naman sino kaya sila. Ng matapos na akong maligo ay nagbihis ako ng color yellow na casual na damit na may nakalagay na ' ♣BLACKJACK♣' tapos nakajeans at nakarubber shoes na color neon green and black. Tapos nagpaayos ako ng buhok ko at nagpalight make up at syempre hindi mawawala ng eyeliner ko. And the look is now complete. Sabi nila unnie at Minzy fashionista raw ako pero para sa akin ganto lang talaga ang sense ko sa fashion. Papunta na ako sa room nila at napaface palm nalang ako kasi naman si dara at bom unnie nagkukulitan pa sa kama ni dara unnie tapos si Minzy naman nangvivideo ng kung anong ginagawa nilang kalokohan.
"Unnies, minzy, mauuna muna ako ha? ang tagal nyo ba naman." sabi ko.
"Ok, mag-ingat ka Chaerin ha." sabi ni Bom unnie.
"K. bye." tapos nagpahatid na ako sa bagong bahay 'namin'.
Chanyeol's POV
Hello ako Budoy este Chanyeol imnida. Ngayon nag eempake na ako ng mga gamit inilagay ko na ang aking mga stuff toys doon, mga damit, ang aking mahiwagang salamin, ang precious hats ko at hinding hindi mawawala ang aking gitara. Tapos nanaman akong maligo kaya ready to go na ako. Pumunta naman ako sa kwarto ni Suho hyung para magpaalam.
"Suho hyung, pupunta na ako!!" sabi ko.
"Sumabay ka na kay Kris, hintayin mo na lang sya dyan sa sala, nagbibihis pa eh." sabi nya kaya naghintay na ako sa sala. Hinintay ko si hyung ng mga 5 minutes at buti naman ay napansin nya ako sa may sala.
"Uy Chanyeol, sabay ka na." sabi nya.
"Okie Dokie." sabi ko at bago pa kami umalis ay nagpaalaman na kami sa mga members tinananong ko pa si Kris hyung kung bakit hindi sasabay yung HunHan pero ang sabi lang nya natulog muna sila para raw magka energy sila mamaya.
CL's POV
Nakarating na rin ako dito sa pansamantalang house namin. Nagdoor bell muna ako kasi malay nyo may tao na pala dito kaso walang sumasagot kaya kinuha ko yung susi sa bag ko hindi ito ung susi na may mga number ha, binigay sa amin to ni YG sabi nya binigay raw ito ng mga producer para raw sa front gate. Nang nabuksan ko na yung gate ay binuksan ko na yung pintuan doon sa loob at nakita ko na ang loob looban nito. Maganda naman sya, malinis sa loob at malawak. Tumingin ako sa kitchen at napansin ko na wala palang mga pagkain, yamo na nga pagdating nalang nila unnie o ni minzy ay magpapasama ako sa market para makabili. May nakita naman akong pintuan di kalayuan sa sala at kitchen na nakalagay '1' tapos ang katapat rin nun ay isang pianong malaki at exercise room. pumunta na ako dun sa room at binuksan to gamit ang susi ko at nakita ko ang isang double deck na kama tapos ang ganda ng design tiger ang leopard prints sya at ang mga unan naman ay mukha ng leopard ang tiger tapos kung ano ano pang stuff ang meron dun. Pumunta ako sa taas ng doubld deck dahil gusto ko dun matulog at hindi naman ako malikot kaya sure ako na hindi ako mahuhulog. Maya maya palang ay natapos na ako sa pagaalis ng mga gamit ko sa bag , bumaba na ako dun double deck na kama ng may makita akong isang papel na color red. Tiningnan ko to at yun pala ay parang clue kung sino ang makakaroomate mo. Dun sa clue 1 ay alam ko na ako yung tinutukoy dahil sabi dun ay ' Baddest female of Seoul ' tapos dun naman sa clue 2 ay nakalagay ay ' Roll like a Buffalo ' pero parang narinig ko na to kaso hindi ko lang maalala. Pumunta na lang ako ng kitchen ng biglang umingay sa labas pero alam kong hindi sina minzy yun dahil naririnig ko yung boses na panglalake. Kaya binuksan ko muna yung pinto at pumunta dun sa gate para buksan ito.
Chanyeol's POV
Nang makapunta na kami sa bahay ay nag aalangan akong magdoor bell kase malay mo hindi pala to yung bahay at mapahiya lang ako.
"Hoy Chanyeol dalian mo na!!" sabi naman ni Kris hyung.
"Ikaw na lang kaya Kris hyung." sabi ko.
"Eh bakit ayaw mong magdoor bell?? Parang isang task na pagkadali dali ay hindi mo pa magawa!!" sabi niya. Nagbabangayan kami dito sa gate ng biglang may magbukas nito kaya napatigil kami. Omaygad si CL NOONA XD my feelz baka ang 2ne1 ang tumira dito kasama namin lalo na si dara noona Omo Omo Omo.
"Ummm... Annyeonghaseyo CL imnida." sabi ni CL noona.
"A-annyeonghaseyo noona Chanyeol imnida." sabi ko at tiningnan si Kris hyung ng magpakilala-ka-hyung look.
"Annyeonghaseyo Kris imnida." sabi nya.
"Pumasok na kayo baka na lalamigan na kayo sa labas." sabi ni noona kaya pumasok na kami sa loob ang ganda pala ng loob nito tapos may garden pa sa labas na pede kang maglaro laro ng kung ano ano at magstar gazing.
"Ummm.. tanong ko lang, anong number ang mga susi nyo?" sabi ni noona.
"Sa akin noona ay 4 at ang kay Kris hyung ay number1." sabi ko nagulat naman si CL noona.
"Ibigsabihin magkaroommate tayo." sabi nya. Kaya kaming 2, eto gulat, syempre lalake pati babae pero hindi kami byuntae.
"Nga pala maya maya pa siguro pupunta yung iba kaya pumunta na lang kayo sa inyong mga room para makapag labas na kayo ng mga empake nyo." sabi ni CL noona kaya pumunta na lang ako sa taas habang si hyung ay kasama si CL noona na pumunta sa room nila. Ng makita ko ang room 4 ay binuksan ko na ito gamit ang susi ko. Ang ganda ng kwarto na to. May 2 kasing kama na ang design ay instruments tapos meron namang unan na may mga design gitara at drum. Pumunta ako dun sa kama na malapit sa bintana ng biglang may nakita akong color red na papel dun sa isang kama. Mga clue pala ito. Nakita ko na clue no. 1 ay ' Face of the group ( Girl ) ' tapos dun naman sa no. 2 ay halatang ako na ito dahil ' Main Rapper of K '. Ang hirap naman ng clue na face of the group kase syempre ang raming girl group dito sa SoKor tapos ganung clue ang ibibigay pero gusto ko talaga si dara noona.
Kris' POV
Nandito kami sa room namin ni CL, ngayon ko lang nalaman na maliit pala sya pagharapan.
"gano ka katangkad?" tanong ko. Hindi naman ako mahilig magtanong kaso nacurious lang ako kaya nagtanong na ako.
"Ummm..... Wait lang iisipin ko pa..." sabi nya habang nakahawak sya sa chin nya na bakas sa mukha nya na nag iisip but i find it....... cute.
"Ahhh! Lam ko na, 162 cm. Bakit mo na itanong?" sabi niya.
"Just curious." sabi ko in english alam ko naman na hindi nya maiintindihan, siguro. ( A/N: Kapag po nakabold ang mga letters, it means to say na nageenglish sila ^-^ )
"I see." nagulat naman ako ng bigla syang english.
"How come that you knew how to speak english?" sabi ko syempre may kasabihan ngang: Curiousity kills.
"I spent most of my childhood in Paris and Tokyo so I know how to speak English, Japanese and French and a little bit of Chinese." sabi nya sa akin. I think I like her, she's an impressive woman and like that. May itatanong pa sana ako ng biglang may nadoorbell, dali dali namang pumunta si CL sa labas para tingnan kung sino ito. Nakita ko naman silang pumasok at sina.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○Geh.. pabitin moment muna ako..
Pls. Vote and Comment.. ~○~
Ineedit ko po yung pagiging noona ni CL kasi 23 lang naman sya tapos si Kris ay 24. Akala ko po kasi magkasing edead lang sila. #Pahiya.com.ph XD
BINABASA MO ANG
Roommate (2nexo ver.)
Lãng mạnSinong may gusto dito ng 2nexo?? Taas paa!!! Joke XD Kung gusto nyo ng 2nexo, edi gusto nyo XD dejoke lang ulit XD This is the roommate 2nexo version!!!!! Hope you all like it :)