CHAPTER 5- Cotton Candy

13 2 0
                                    

DARCY DEL JACINTO


Magiging partner ko si Brexyl sa Research.Tila umaayon sa'kin yung tadhana dahil magkakaroon ako ng madaming pagkakataon para maging kaibigan si Brex.

"Ibibigay ko ang natitira kong oras para makapag-isip na kayo ng inyong pag-aaralan. Maaari din kayong pumunta sa library para tumingin ng mga past works ng mga earlier batches. " saad ni Ma'am Merlyn.

Ng sabihin niya yun,lahat kami ay nagsitayuan. Ito namang katabi ko, nakakunot yung noo at nakakibit-balikat. Hindi pa rin siguro matanggap na magiging partners sila ni Lewis.

Nilingon niya ako at hinawakan yung braso ko. Napakahigpit ng pagkakakapit niya sa'kin kaya hindi ko makalas. "Frenny sama ako sayo please!" pagmamakaawang hiling ni Guine.

Ilang sandali lang ay lumapit sa'min si Lewis.Nang-aasar siya gamit ng kanyang tingin. "So I guess its you and me. " Mapang-asar na pagkakasabi ni Lewis.

Tinignan ni Guine ang kapartner niya at inirapan. Hindi niya to sinagot at patuloy lang siya sa pangungulit sa'kin. "Darce, please isama mo'ko sa inyo ni Brex. " Nagpababy face pa siya sa'kin para pagbigyan ko siya.

"Sige sumama na kayo sa'min. " tugon ko sa hiling niya.

Itinaas niya ang isa niyang kilay at tinignan si Lewis sabay itinuro to. "Kayo? Bakit kasama pa yang tungaw na yan? "

"Malamang kapartner mo'ko sa Research. Dapat magkasama tayo sa paggawa, sa pag-aaral at paghahanap ng info about sa study natin. " Singit na sagot ni Lewis.

"Fine!" tipid na sagot ni Guine. Kinuha na lang niya ang pulbo sa bag niya at nilagyan ng paunti-unti ang kanyang mukha.

Nakakatuwang tignan silang dalawa. Parang ang cute nila kung magiging couple sila. Ganyan yung mga madalas kong nababasa sa mga libro ko, yung mga madalas magkaasaran sila pa yung nagkakatuluyan.

Mabait naman si Guine,alam ko yun. May pagka krung-krung lang. Si Lewis naman, kakakilala lang namin sa kanya kanina pero alam ko ding mabait siyang tao.

Tumayo ako at umalis sa row namin. "Saglit lang ah. Puntahan ko muna yung partner ko. " Paalam ko sa kanila.

"Sige Fren, bilisan mo please! Ayaw kong maiwan dito kasama tong unggoy na'to. "

Natawa ako at napailing na lang sa mga sinabi ng kaibigan ko. Pumunta na'ko sa likurang bahagi ng classroom. Nandun si Brex, nakatingin sa'kin habang papunta sa kanya. Hanggang ngayun, walang kakulay-kulay ang mga mata niya. Walang sigla, walang imik.

Nasa tabi na niya ako pero wala yata siyang balak magsalita kaya ako na ang nauna. "So uhm, punta tayo sa library para masimulan na natin yung Research natin? "

Tinignan ako nito mata sa mata.Wala pa rin akong makitang kahit anong emosyon sa mga ito. "Sige. " Matipid niyang sagot. Tumayo na siya sa upuan niya at naglakad na papunta ng pinto. Inabangan lang ako nito sa pinto at sumandal habang kinakalikot yung IPhone niya.

Binalikan ko yung dalawa sa pwesto namin at naabutan kong nag-aasaran nanaman yung dalawa. "Pst Hoy. " kalabit ko sa balikat ni Guine. "Mamaya na kayo mag-asaran, tara na. "

Tumayo na din si Guine sa upuan niya at tumabi sa'kin at hinawakan nanaman niya yung braso ko ng napakahigpit. Lumabas na kaming tatlo sa room kung saan nakaabang si Brex.

Tumayo na ito ng maayos nung nakita kaming makalabas ng room at pumalikod siya sa'min. Nakatungo lang ito habang nakasunod kung saan kami pupunta.

Nakadating na kami sa school library kung saan napakadaming libro. Para siyang isang museum sa sobrang laki. Sa sobrang taas ng mga bookcases ay merong mga ladders na nakatabi dito para makakuha ng mga libro kahit sa itaas na bahagi ng bookcase.

Stuck With The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon