CHAPTER 4- Triplets

14 2 0
                                    

DARCY DEL JACINTO

"Triplets pala sila!? " bulong ko sa sarili ko.

Masyado yatang napalakas yung pagkakasabi ko kaya narinig ako ni Brax. "Ay hindi, magkakaibigan lang kami. " sarkastikong pagkakasabi nito.

"Ayos ka na ba? " Tanong sa'kin ni Brix na nasa tabi ko nag-aalala.

Nginitian ko siya at tumango ako, "Oo ayos na'ko.Salamat sa pagdala sa'kin dito."

Lumapit ng kaunti si Brax sa kinauupuan ko at mukhang galit ito, "Well, you should be. Pagkatapos mong magsungit sa'kin sa canteen kahapon dapat iniwan ka na lang namin e. "

Siya pala yung nilapitan ko sa canteen kahapon.Medyo nahiya ako nung sinabi niya yun. Hindi ko siya pinagpaliwanag kahapon kaya inisip ko na masamang tao siya, yun pala tatlo pala silang nagdadala ng parehong mukha. Sobra kasi silang magkakamukha kaya hindi mo maiisip na kakambal pala niya yun.

Hinarap ko si Brax na nakatayo sa gilid ni Brix."Sorry about sa kahapon kung hindi kita pinagexplain. "

"Pasalamat ka na lang at pinilit ako nito ni Brix kung hindi baka nakahiga ka pa rin sa sahig ng locker room. " Masungit na tugon niya.

Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng kwarto at isinara ng pabalagbag. Tinignan lang namin siyang gawin yun at wala ng nagawa.

"Pagpasensyahan mo na yun si Tonton, wala lang yata siya sa sarili ngayun. " Pagpapaumanhin ni Brix na nasa tabi ko pa rin.

Napabutong hininga ako at tinignan ko din siya, "Ayus lang yun, nasungitan ko din kasi siya kahapon ng hindi ko naririnig yung side niya. "

"Ngayun alam ko na bakit mo'ko pinagtabuyan kahapon dun sa parking lot. " Saad niya.

Ngayun ay mas lalo akong dinapuan ng hiya nang malaman ko na siya din pala ay sinungitan ko. Sa mga oras na ito gusto ko kainin na sana ako ng lupa sa sobrang hiya. "Sorry, sorry hindi ko kasi alam. "

"Baliw ayos lang yun, hindi mo din kasi alam na triplets kami kaya naisip mo na iba-iba ugali ko. " Pagiintindi niyang sagot.

Nakatingin lang sa'min yung isa pa nilang kakambal na si Brex. Siya pala yung kaklase ko sa HE-A. Sobrang tahimik niya, walang imik at parang mahiyain.

Nakita niya siguro akong nakatingin sa kanya kaya ibinalik niya ang kanyang tingin sa kanyang cellphone.

Sabay kong naalala yung ipinag-utos sa'min ni Sir Zack kaya habang kasama ko na sila ngayun ay sabihin ko na, "Meron palang pinapasabi si Sir Zack sa inyong tatlo. "

Bumalik ang tingin sa'kin ni Brex at inaantay ang aking sasabihin. Si Brix naman ay nakaharap lang sa'kin na may pagtatakang ekspresyon sa kanyang mukha. "Ano yun? " tanong ni Brix.

"Mamaya after ng last subject ay may detention kayong tatlo kasama ko at nung dalawa ko pang kaklase. " Paliwanag ko.

Pagkatapos kong sabihin yun ay nakita ko sa mukha ni Brex ang pagkadismaya. Napahawak siya sa kanyang noo na at siguro nag-iisip.

Blangko pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Brex pero nagsalita na siya ngayun, "Xen. " tawag niya sa kapatid niya at sumenyas palabas ng kwarto.

Naintindihan naman agad ni Brix ang gustong sabihin ng kakambal at agad na tumayo. "Saglit lang Darcy, maguusap lang kami ni Brex. " Pagpapaalam niya sa'kin.

Tumayo na si Brex sa kanyang kinauupuan at isinukbit sa kanyang likod ang bag niya. Nauna siyang lumabas at kasunod lamang niya ang kapatid niyang si Brix.

Naiwan ako dito na nakaupo pa rin sa kama. Nagpoprocess pa rin kasi sa isip ko ang lahat ng mga nangyare. Una, nalaman ko na triplets pala sila. Pangalawa, kinakahiya ko yung naging asal ko kay Brix at Brax kahapon. Pangatlo, bakit hindi ko man lang napansin na iba-ibang tao pala yung kinakausap ko. Para tuloy akong nababaliw ako sa mga nalaman ko.

Stuck With The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon