Chapter 1

4 0 0
                                    

"Scoot over Daddy, dito kami matutulog ni Calix." Friday is my most favorite day, dito kasi kami natutulog ni kuya sa kwarto nila Mommy.

"Sinong gustong tumabi kay Daddy?" naguunahan naman kaming umakyat ni kuya sa kama, humilata agad ako sa tabi ni Daddy.

Our laughters echoed throughout the the whole room. Pagkatapos ng ilang minutong puro tawanan ay humarap ako kay Calix at niyakap siya ng sobrang higpit. Umungot naman siya at nagsumbong na hindi raw siya nakakahinga.

"Sumbungero mo naman Calix!" sabay labas ng dila.

"Callista, I told you, dapat kuya Calix." Mom said.

"Okay lang Mommy, mas gusto kong tinatawag akong Calix ni Callista feeling ko mas close kami!"

"Yes, very close tayo kasi you are my best friend in the whole wide world!" tapos niyakap ko ulit siya.

"Tama na ang kulitan, late na, matulog na kayo" pinikit ko na ang mata ko, naramdaman ko rin ang pagpatong ng balikat ni Mommy at Daddy sa aming dalawa ni Calix, habang magkayakap kami ni Calix, sina Mommy at Daddy naman ay nakakonekta ang braso sa isa't isa.

I would never trade this family.

Every Friday, we would sleep in my parents bedroom, every Saturday we would go to the mall, magpipicnic, or mag oouting, then when Sunday comes, we will go to the church and then we would play in the house. Yun ang parati naming ginaggawa.

"Our valedictorian this year, bagging the awards, best in Science, best in Math, best in English, best in Filipino, best in Araling Panlipunan, best in Music, Arts, Physical Education, Health, Academic Excellence Award, Deportment Award, none other than Calix Faron A. Hermosa" umalingawngaw ang sigawan at ang palakpakan sa buong gymnasium kung saan naganap ang graduation nila Calix. I heard plenty of people voicing their amazement towards Calix, even I aspire to be like Calix, nangako ako na pag naging Grade 6 din ako, gagayahin ko si kuya na hindi na makita ang leeg sa daming medals!

Dahil proud ako kay Calix sumama ako kina Mommy sa pag-akyat sa stage, hinati ni Mommy ang medals ni kuya sa tatlo at binigay sa akin ang isa.

"Calix, duko ka para maabot kita," agaw ko sa atensiyon ni kuya pagkatapos niyang maghand shake sa prinicipal, "bilisan mo uy, nangangalay na kamay ko!" tumawa na lang siya at dumuko.

"Promise ko kuya, pag ako naging Grade 6 di lang basta leeg ko matatabunan, pati baba ko rin, di ko bibigyan ng medals yung salutatorian!"

"Promise mo yan ha! Ako rin sasabit ng medal mo!"

Kinabukasan naman ang awarding naming mga Grade 4 students, pareho kami ni kuya ng awards pero 10 lang medals ko, hindi pa kasi ako graduating kaya certificates lang ang bigay.

After the awarding dumeretso kami sa isang restaurant na inarkila ng school para sa lahat mga grades 4-6 students na achievers.

"Congratulations Belva! Beauty and brains talaga yang mga anak mo!" bati sa amin ng isang parent.

"Thanks for the compliment!" sagot naman ni Mommy.

"I also heard that Aden's movie was a blockbuster hit! Asan siya? Baka naman wala ng time sa inyo kasi sobrang busy na, alam mo naman baka nambabae na yun!" napantig ang tenga ko sa sinabi nung parent.

Sino ba to? Makapagsalita naman kala mo kung sino.

"Oh no, nandito siya, he is just parking our car, and no he would never cheat, because he is more than satisfied, he has these two beautiful children and of course—" di na nasundan ang sinabi ni Mommy.

"I have a very beautiful and outstanding wife" singit ni Daddy, pasimple naman akong nakipag fist bump kay daddy. Right on time.

Hinila ako ni kuya doon sa reserved table namin, nauna na kami, parati kasing hinaharang sina daddy kesyo congrats daw kasi parehong top one ang anak nila, at successful daw ang movie ni daddy, ishoshowing rin kasi siya sa ibang bansa, the management is eyeing sa US.

Concealed beautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon