Namichiko,
You must've known what i've done by the time you're reading this. I'm sorry, baby.
Natandaan mo yung kinwento ko sayong pamilya na inabandona kami noong mga panahong may sakit sila lolo at lola mo? Pamilya nila Athena iyon. Dating nagtratrabaho ang lola mo para sakanila, at nagresign ito dahil sa hindi magandang pagtrato sakanila nina Patricia, buntis siya kina Sabina at Athena noong mga panahong iyon.
Nagkasakit nga si mama, at kailangan siyang operahan. Walang wala kami noong panahong iyon, ang aking mga kapatid ay nasa ibang bansa at hindi macontact. Kahit na hindi maganda ang pagtrato nila samin ay sinubukan parin naming humingi ng tulong, pero tinaboy lang nila kami at sinabihan ng hindi magagandang salita. Noong araw ding yon ay ang araw ng pagkamatay ng lola mo.
Nabulag ako sa galit, at sinisi sakanila ang pagkamatay ni mama at papa. Pero lahat ng iyon ay nakalimutan ko ng isinilang kita, gusto kong magbago para sayo. Kasi ganon ka kaespesyal sa buhay ko, baby.
Last year, ng nalaman kong naging kaibigan mo si Sabina ay nagalit ako. At dahil sa galit kong iyon ay napatay ko siya, sa araw ng birthday niya. Gusto kong maramdaman nina Patricia ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.
Pilit kong kinalimutan ang kasalanang iyon. Pero ng magsimulang maubos ang estudyante sa klase niyo ay alam kong isang babala iyon para sakin, at ng umalis ka kanina sa hapagkainan, alam ko... malapit mo nang malaman ang lahat.
I'm so sorry, baby. Binulag ako ng galit. Hindi ko alam kung kakausapin mo pa ako pagkabasa mo neto. You must've hate me by now pero ito ang lagi mong tatandaan Nami. I love you and i always will. Thank you for coming onto my life.
Mommy.
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Mystery / ThrillerMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"