"Sa Unang Pahina"

8 3 0
                                    


Alam mo
Pilit kong binabaon sa limot ang lahat,
Nagpapahiwatig na mga mata,
Mga tinig na kakaiba,
Pusong nagwawala sa kaba,
Wangis na hinahanap ng aking mga mata,
At mga sandaling tayo'y masaya.

Alam mo ba kung bakit?
Akala ko kasi hanggang doon lang lahat.
Iniwan mo akong nagtatanong sa kawalan.
Akala ko 'yon na eh,
May mas isasakit pa pala.
Ang lala naman, sobra.
Nagdala ka ng binibini sa mismong harapan ko.

Ewan ko kung naramdaman mo rin ba ang sakit na dulot ng ating batang pag-ibig.
Pero kahit na, hindi ko hiningi na mapahamak ka.
Alam mo ba ang dahilan?
Kasi nga mahal kita, sobra.

Humakbang ako palayo.
Ininda ko ang sakit ng aking puso.
Bawat paghikbi ko'y aking itinago
Nang masaksihan kitang sa kanya'y bumibitaw ng pangako.

Ang sakit na naman.
Nagbunyi ang inyong pag-iibigan.
Isang araw bigla kitang nakita sa may lansangan.
Nakatayo na tila ba may dinaramdam.
"Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako ipinaglaban?"
Direktang sumbat mo sa akin iyan.
Umuwi ako, napakapit sa may hagdanan.

Nakahiga ako ngayon.
Binabalikan ang ating kahapon.
Ako'y tila ba nagbibilang ng mga tuyong dahon,
Na kapag winawalis ito'y nagpapahiwatig ng ambon

Ito na nga, umuulan.
Masaganang alaala ang lulan.
Gusto ko sanang sumilong kaso wala akong mapag pupuntahan.
Ito'y nagbabanta na tila ba'y wala na akong matatakbuhan.

Umiiyak na naman ako
Ayaw ko nang tumakbo
"Paano ko ba ipaglalaban ang pag-ibig na ako lang ang nakakaalam?"
Iyan ang isinagot ko sa'yo.

Sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha.
"Inintindi ko ang lahat. Tanggap ko, tinanggap ko ng buong puso na hanggang dito lamang tayo."
Tinitigan kita sa mata.
Sumilay ang ngiti sa aking labi at sinabing, "Pero kahit ang sakit hindi parin kita magawang saktan dahil minsan ako'y iyong minahal."

Tapos na, tapos na ang ating mga talata at nawa'y mahalin mo sila ng higit pa sa aking ginawa.

A Low ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon