THREE.
"Hey!" I stopped walking someone shouted my name.
Mukhang alam ko na kung sino 'to. Hindi na 'ko nag-abalang lumingon at nagdire-diretso nalang ako sa paglalakad.
Nang naabutan nya ako, "What do you need this time, Lexus?" tuloy-tuloy kong salita habang naglalakad parin.
Umakbay s'ya sakin, "Tara, kain tayo sa RR'S Haven."
"Are we close?"
"Oh edi 'wag." Bumitaw s'ya sakin at nauna nang maglakad.
"Wait!" huminto s'ya pero hindi lumilingon sakin.
Ginagaya pa ata ako!
"Your treat?" Nakangiti kong tanong.
"Ano ka pa-chicks? KKB tayo uy!" Sumimangot ako at binatukan s'ya.
"Aray naman! Sa liit mong yan, mabigat ang kamay mo ha!" sabi n'ya habang hinihimas ang likod ng ulo n'ya.
"Taena mo kasi!" Aambahan ko pa sana s'ya pero pinagkrus n'ya yung braso n'ya sabay lumayo sa 'kin.
I rolled my eyes, "Ang OA mo!" sigaw ko bago s'ya lampasan.
Maya-maya, may pumatong na kamay sa ulo ko, kaya tinabig ko, "Dun ka nga, hindi tayo close," Umirap naman ako.
Inakbayan n'ya ako, sabay hinila papalapit sa kanya, "Ayan, close na tayo." Ngumiti naman s'ya habang sabay kaming naglalakad.
"Bitaw nga. Stupid, pinagtitinginan na tayo." Umiling lang s'ya.
"Layo nga kasi," tinulak ko s'ya, "Mamaya ma-issue pa tayo, ew lang," sabi ko sabay punas ng towel sa parteng inakbayan n'ya.
"Wow ha," sabi n'ya habang ginagaya yung tono ni Babalu. Pft, bagay sa kanya, "Para namang ang pangit at ang dumi-dumi ko, ang OA mo." Umirap naman s'ya.
"Tsaka as if naman na gusto ko rin ma-issue sayo. Kadiri ka," tapos umasim yung mukha n'ya.
"Minsan nagtataka na 'ko sa gender mo. Are you gay?"
"Aray!" daing ko nang tuktukin n'ya ang ulo ko.
Uulit pa sana s'ya nang hinampas ko ang kamay n'ya.
"Ano bang laman ng utak mo? Sa gwapo kong 'to pagkakamalan mo 'kong bakla? Really?"
"Conceited." Umirap naman ako.
"Tsaka masakit yung hampas mo ah! Ano ba 'yang kamay mo? Gawa sa bakal?" sabi nya habang hinihimas 'yung kamay n'ya na hinampas ko kanina.
"Gusto mo ma-tuktukan?" Umamba naman ako kaya umiwas s'ya.
"Joke! Joke lang! Tara na nga." Umakbay na naman s'ya sakin. "Libre ko na." Napangiti naman ako.
It's not that bad to have a friend other than Carrie right?
SOMEONE'S POV
"Uy, si Rairai oh!" Napalingon naman ako sa direksyong itinuro ni Kian.
"Ay, sino yung kasama n'ya?" Lumingon s'ya sakin, kaya nagkibit-balikat lang ako.
"Hala! Inakbayan n'ya si Rairai oh!" Inalog-alog n'ya yung braso ko, "Hala! Vinvin oh!" Turo n'ya pa na parang batang nagsusumbong.
Umirap nalang ako, ingay ng batang 'to.
Lumingon ulit ako sa direksyon nila Rai. Mula dito sa pwesto namin, kita namin ang kaharap na building dahil nasa rooftop kami.
YOU ARE READING
I hate you, Arrogant Guy.
Ficțiune adolescențiRailan was always being faithed to see Vince. An arrogant cold guy who is a man of few words. But Rai didn't know, that this Vince is always keeping an eye on her, but he can't come close to her. Until time comes when he already fought his fear and...