TWENTY

15 3 0
                                    


Gabi na nang makauwi kami, hindi pa rin maalis ang imahe ni Calliph sa aking isipan. Paano siya nakapunta dito? Ano ang ginagawa niya dito? Kagaya ba siya ng mga tao dito?

'Di bale, ipagpapabukas ko nalang 'to. Hatinggabi na rin, baka magalit pa si Azraell kapag pinuntahan ko pa siya ng ganitong oras.

Kinabukasan, araw ng lunes. Nagtungo ako sa opisina ni Azraell.

"Azraell!" Sigaw ko pagkatapos kong isara ang pinto ng office niya, kasalukuyan siyang nakatayo sa tapat ng veranda ng office niya. Agad naman siyang napalingon sa direksyon ko nang marinig niya akong sumigaw.

"Oh, anong nangyari sayo?" Sabi niya habang nagmamadaling lumapit sa akin.

"Nakakita ako ng multo" biro ko at tumawa ng malakas. Alalang-alala ang mukha niya kanina, namula naman ang buong mukha niya dahil sa inis. Umatras ako habang natatawa pa rin dahil baka anytime e masasapak na ako nito.

"Joke lang ikaw naman, may nakita akong unexpected kahapon sa bayan" sabi ko at umupo sa sofa niyang ubod ng tigas. Umupo naman siya sa upuang nasa tapat ko at nakapandekwatro.

"Sino?"

"Si Calliph, nakilala ko sa mundo namin. Alam mo, napaka-weird din niya e, parang ikaw lang kung kumilos"

"Napansin ko ring kahawig mo siya ng kaunti, nabanggit niya rin 'yung Zaugustus no'ng nagkausap kami" dagdag ko pa.

"Calliph? "

"Calliph Haverford" saad ko.

"Sa'n mo siya nakilala?"

"Sa school ko"

"Anong uri ng pakikitungo niya sayo?"

"A bit rude sa una pero nang makausap namin ang isa't isa, magaan naman siya kausap"

"Paanong magaan?"

"Magaan, I mean. Komportable kausap"

"Ang laki na ng pinag-bago ng batang 'yon kung gano'n" wika niya, nabigla naman ako.

"Huh? Bakit, kilala mo siya?"

"Kapatid ko siya" diretsong saad niya, nanlaki naman ang mata ko at napaawang ang bibig ko. Wtf, brothers sila? Oh my gosh.

"Nakakagulat 'di ba?"

"Mukha bang hindi?" tanong ko ulit at bumuntong-hininga.

"'Di bale, mas gwapo pa rin naman ako sa kaniya" sambit niya at sumandal sa sandalan ng silyang inuupuan niya saka humalukipkip. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Feeling ka rin 'no? Asa ka pa"

"Kung gano'n, sinasabi mo bang mas gwapo ang kapatid ko?" sarkastiko niyang tanong.

"Ang ibig kong sabihin, pareho kayong pangit" sabi ko at ngumiti ng nakaka-asar, tumawa naman siya ng malakas.

"So, if kapatid mo siya. Then that makes you, Azraell Haverford. Right?"

"My name is Zechariah Azraell Haverford, tinatawag nila akong Azraell kasi ang haba pa daw ng Zechariah" sagot naman niya.

"Kung tutuusin, pareho lang naman e. Isang syllable lang ang lamang no'ng Zechariah, pero in fairness a. Ganda rin ng pangalan mo dzong" biro ko, oo. Biro lang 'yun.

"H'wag mo 'kong lokohin" sabi ko at napatapik ako sa aking noo, 'di talaga ako makakapagsinungaling sa kaniya. Gosh!

"Wala kang dapat i pag-aalala sa kaniya, pa misteryoso type lang ang batang 'yon, palibhasa. Lumaking walang kaibigan"

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now