MAY PAGkakataon talaga na kung kailan nagmamadali tayo, mas matagal darating. Pero kung kailan ayaw natin madaliin ang oras ay saka naman ito mas mabilis pa sa isang kisapmata na lilipas.
Kanina pa ako hindi mapakali kaya palakad lakad ako sa maliit na sala ng kubo kung saan tumahimik ng panandalian ang buhay namin sa loob ng ilang buwan. Halos gusto kong batuhin ang maliit na TV na pinapakita ang commercial ng TLC dahil sa sobrang tagal ng news na kanina ko pa hinihintay. Kakatapos lang ng isang drama at balita na agad ang susunod pero ilang commercials pa ng iba't ibang products ang nasa ere for a commercial break purpose. Dati wala akong pakialam doon pero ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Nanginginig ako na nilalamig na natataranta.
Malaking tao sina Tita Shirra kaya alam kong cover sa news ngayon ang kung ano mang magaganap sa paghaharap nila ni Zykiel. They are using legal actions against Zykiel with dirty agenda so Zykiel used that tactic too. A dirty trick but hoping for a good result. That is to end Juko's materialistic fantasies together with Tita Shirra's greed for power.
This is Meredith Batuigas reporting. Makikita po ninyo sa aking likuran ang isang hospital kung saan maghaharap ang naturang kilalang si Shirra Lewis na may bahay ng yumaong beteranong si Lance Lewis at ang nagngangalang Zykiel Villafuente. Ayon sa naturang pag------
Agad akong umupo sa kawayang upuan at inabala ang buong atensyon sa tv nang magsimula na ang balita. Hindi nga ako nagkamali, cover ito ng news. Mga ilang minutong panonood ay biglang dumating si Aki.
"You shouldn't be watching that, mom. It will just stress you out," tinabihan niya ako at aabutin na sana ang remote para patayin ang tv pero hindi ko siya hinayaan.
"I will be more stressed if I don't have any idea on what's going on in there. Mamamatay ako sa pag-aalala sa kanila. Lalo na sa daddy mo."
Bumuntong hininga ito at hindi na nagkomento pa. Hinayaan ko na lamang siya nang tumayo itong muli at pumasok sa kusina.
Hindi magkamayaw sa pagtahip ang puso ko habang nanonood. Hindi na rin ako nakikinig sa mga pinagsasabi ng reporter dahil nakatutok ang atensyon ko sa kanyang likuran. Nag-aabang ng mga pwedeng mangyari.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong bumalik na si Aki mula sa kusina. Naglapag siya ng isang pitsel ng orange juice saka brownies sa maliit na lamesang nasa harapan. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil alam kong hindi ko rin iyon malulunok. Kahit siguro pagnguya ng maayos ay hindi ko magawa.
Ito rin ang nagsimulang gumalaw sa sariling snacks na dinala.
Napaigtad ako nang makakita at makarinig ng pagsabog mula sa likuran ng reporter. Pati ang reporter ay nagulat sa biglaang pagsabog at nakalimutang nakaharap siya sa camera dahil bigla itong yumuko. Kahit ang camera ay nawala sa focus.
"Zykiel."
"Dad."
Sabay naming bulong ni Aki. Nilapag niya ang kinakaing brownies saka uminom ng juice. Kahit siya ay hindi na rin magawang kumain dahil sa nangyayari.
Nasaksihan po nating lahat ang biglang pagsabog mula sa kaliwang bahagi ng hospital. Masasabi pong malakas ito dahil mararamdaman ang pagyanig ng lupa hanggang ngayon at halos nakakabingi. Makikita rin po mula sa likuran na natataranta ang mga pasyente at ang iba ay inililikas na ng kanilang mga pamilya habang inaalalayan ng mga empleyado ng hospital.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomanceBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...