Prologue

37 4 9
                                    

"Uy bro! Balita ko may iniibig ka na ah!" Masayang sabi ko habang naka akbay kay Asher.

"Saan mo naman nakalap yang balitang yan Francis?" Takang tanong ni Asher sa akin. "Tsaka fake news yan bro, I don't easily fall inlove to a person that I just met" dagdag na sabi ni luko.

Ano ba naman tong Bestfriend ko, tingin niya ba maloloko niya ako. Sus! Not me because kilala ko na siya since bata pa kami. Alam ko na yang mga "da moves" niya na yan. Minsan may gusto syang tao pero he never admits na gusto niya talaga siya. I mean bro, Bestfriend mo ako and you should trust me because I always trust you. Tsaka ayaw mo non tutulungan pa kita para makuha ang babaeng gusto mo.

Hay buhay talaga with Asher talagang kailangan pa pilitin sa lahat ng bagay. Matanong ko nga sa kanya kung sino talaga ang gusto niya, katakot kasi kapag parehas kaming nagkakagusto sa iisang tao. Auto-lose agad ako don. Syempre nasa kanya na ang lahat rich kid na nga, matalino, at may itsura pa kaso yung pinaka importante na hinahanap sa lalaki na wala siya ay magkaroon ng malambot na puso especially sa mga babae kaya ang nickname ko sa kanya ay 'rock paper scissors ' eh. Sa tunay lang, marami nang nagkagusto sa kanya palibhasa heartthrob siya sa school namin kaso nga lang lahat as in lahat ay nireject nya. Susko po naman! Sana ol may nirereject charot lang bad yon dapat iniisip muna natin kung deserve ba nila yun pero si Asher wala Auto-reject siya eh. Siya eto na tama na ang chika it's time to shine to Asher, tanungin na natin sya hahaha!!

"A-Ashe—"  Habang bibigkasin ko na ang pangalan niya bigla na lamang tumawag si tita Nora.

" Asher! Francis! Baba na kayo nandyan na ang service."  Dali - daling tawag niya sa amin.

"Yes mom", sagot ni Asher habang dala dala na niya ang kanyang gamit pababa ng hagdan.

"Papunta na po Tita", sambit ko naman habang nagsusuot ng medyas.

Sabay kaming bumaba ni Asher at nagpaalam na kami sa kanyang mom aka ang tita Nora. Lumabas na kami ng bahay at sabay sakay namin sa service van. Nung isasarado na ni Asher ang pinto biglaang sumigaw ang kanyang mom.

"Asher do well sa school ha please!!!" nagmamakaawa at natatawang sigaw ni tita Nora kay Asher.

"Ok mom." Nahihiyang sagot ni Asher habang sinasara na niya ang pinto sa van.

Itong si Asher na to napakaswerte talaga dahil may mommy siya na laging nandyan para suportahan at alagaan siya. [Flashback] Samantalang ako well, my mom and dad passed away since I was 2 years old pero Thank God dahil mag Bestfriend sila mommy at Tita Nora. I never regretted to be with Tita Nora she is the BEST as in THE BEST!

Habang kami ay nakasakay sa service ito talaga lagi ang paboritong time namin na magkasama kami ni Asher dahil laging pinapatugtog ni Ka Reuben ang paborito naming kanta. After a few minutes na nakasakay sa service nag ask agad siya ng favor kay Ka Reuben.

"Ka Reuben, Can you play my favorite song? Yung 'Stuck With You' by Ariana Grande & Justin Bieber" Galak na tanong ni Asher na may pa awa face.

Pinatugtog agad itong dali dali ni Ka Reuben at jamming kaming lahat bago makarating sa school. Hindi naman malayo ang school namin, it only takes 20 mins to arrive there basta wala lang traffic. Habang kami naman ay na stuck sa traffic light sumasabay lang kami sa tugtog hanggang sa nakarating na kami sa school. Nagpark na si Ka Reuben sabay binuksan ang pinto ng van at tinulungan kaming ilabas ang mga gamit, alam naman niyang kaya na namin itong gawin by ourselves pero gusto pa din niya kaming tulungan (Oh di ba sana ol). Nagpasalamat na kami sa kanya at sabay naglakad papasok sa Haven Benidictim University. Matagal na kaming nag aaral dito ni Asher since nursery pa kaya minsan nagsasawa na din kami sa pagkain dito maliban na lang pag sports fest kasi may mga bagong stalls na dumadagdag.

Habang naglalakad kami maraming girls ang nakatingin sa amin well i- mean kay Asher.

Girl 1: Uy sis! Hindi ba yun yung sikat na Asher?
Girl 2: Ay oo girl, ang pogi niya pala lalo sa personal!!
Girl 3: Ang angas niya maglakad grabe!
Girl 4: Hoy ano ba! Asawa ko yang tinitingnan nyo alis nga!
Girl 1: Wow..May asawa ka na pala..
Girl 2: Baka may dinadala ka na ha mag sabi ka lang sa amin.
Girl 3: Nako wag naman sana at papangit ang anak!
Girl 4: Pshhh! Kayo naman di mabiro, siya pa stolen pic naman with 'My Asawa'.

Click! Click! Click!

Nako po parang nakakasira na ako ng spotlight ni Asher makalayo nga ng konti sa kanya. Dahan dahan akong umipod ng pa konti konti lang para di niya ito mapansin ngunit bigla siyang nagsalita.

"Bro, Why are you going far? Stay beside me tss."  Naiiritang sabi niya sakin habang hinihila ako.

"Ayaw ko lang kasi makasira ng spotlight." Bulong ko sa kanya with matching halakhak ng konti.

Tumawa siya at patuloy pa rin ang kanyang paglalakad. Wow! Ano feeling artista talaga hahaha ganyan talaga yan lalo na't madaming girls ang nakatingin at nagpipicture sa kanya.
Ano kaya ang feeling na ikaw ang heartthrob sa school? Nakakastress din kaya minsan? Nako bakit ko ba iniisip ang mga bagay na impossible naman mangyari sa akin kakaawa ka naman self.

Tuloy tuloy ang paglalakad namin hanggang nakarating na kami sa aming classroom.

"Bro see you later" sambit ni Asher habang kumakaway kay Francis.

"Oo na ge" sagot ko habang pumapasok sa room 105.

Hindi kami magkaklase ni Asher ngunit magkatapat lang ang room namin. Lagi kaming magkasabay pumasok, mag recess, mag lunch at umuwi. Akala nga ng iba ay magkapatid kami eh pero hindi childhood Bestfriend ko talaga si Asher. Pagka pasok ko sa room binaba ko agad ang bag ko at naghanda na ako para sa unang subject namin. Pero habang nag iintay ako sa aming teacher bigla na lamang dumadami ang tumitingin sa bintana na parang may dumaan na tunay na artista ganon. Di ko masyado makita ito dahil nakataklob ang mga ulo ng kaklase ko sa bintana. Biglaan na lamang dumating ang teacher namin na hindi ko namalayan at sabay kaming bumati kay Ms. Santiago.

"Good Morning Class 105"  bati niya sa amin na nakangiti habang may hawak na libro.

"Good Morning Ma'am Santiago" sambit naman naming buong klase.

Pagkatapos namin bumati diretso na kaming umupo at kinuha ang notebook sa aming mga bag. Habang nagtuturo si ma'am biglang may nakita akong babaeng pumasok sa room nina Asher, siguro siya yung kaninang pinagtitinginan ng mga kaklase ko, maganda sya at muka namang mabait. Sumulyap ako ng konti para tingnan sya at narinig ko siyang nagpakilala.

"Hi everyone, My name is Op—"

Disclaimer: lahat po ng ginamit kong characters, events and places sa story ay fictitious lamang. Lahat po ay katuwaan lang and for entertainment.

Hi hellow wassupp! This is just the Prologue of my story hihi, if you liked it wag kakalimutang ivote and comment na din kayo ng reactions nyo, btw hindi po ako professional writer gusto ko lang po itry magsulat hehe and i'm just a beginner too!

Follow me:
Ig: just_twylae & lilgeska
Twitter: _geskamngrbng
Facebook: Geska Mangrubang

Thank youu so much for reading!❤️

Super Far Where stories live. Discover now