Days had passed at ngayong araw na ito ay try out ng basketball para sa tournament sa susunod na buwan. Dahil kasali ang aming mga boyfriends, siyempre we should support them, highschool lang diba. Pero ito ang gawain ng girlfriends, eh. Iyong suportahan ang mga mahal nila.
Hindi naman natin matatanggal ang kanilang nakasanayan na laro para lang sa ating sariling kagustuhan, we can't change the fact that they love playing basketball. It's their.
Naglalakad kami papunta sa malaking basketball court ng campus, habang naglalakad kami ay maraming nagbubulungan tungkol sa try out at hindi nakawala sa aking pandinig na taga Engineering ang kanilang pinag-uusapan.
' Guys alam niyo ba? Try out ng basketball today, may mga gwapo daw na maglalaro, balita ko eh galing sa Creshen High.'
' Pogi daw ng mga iyon sabi nang kakilala ko.'
' I think magkakaroon ako nang bagong lalandiin ngayong taon girls!' tili ng babaeng uod na mukhang paa.
Ang landi tangina! May balak silang landiin ang boyfriends namin? No, hindi ako makakapayag! Grrrr!
" Guys, rinig niyo ba iyon? Taga engineering ang pinag-uusapan nila, eh. " I said
" Yeah, I expect that sila Daryl ang pinag-uusapan nila. Creshen high daw, eh." Angel said na kinukuting-ting ang daliri habang naglalakad.
" Kaya nga girls, ipakita natin sa mga impakta na tayo lang ang lalandiin ng boys natin." Shieraye said na parang naiinis
Madami pa kaming narinig na bulungan, para silang mga bubuyog, eh. Tangina hindi naman ako papayag na landiin nila ang boyfriend ko! Subukan lang magpalandi ni Daryl, ibabalik ko ang singsing na nasa daliri ko.
Kapag mahal mo kasi, ipaglalaban mo. Huwag mong hahayaan na mapunta sa iba.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa court ng basketball. Malapit na kami sa may bukana nito pero napansin namin na may pinagkakaguluhan ang madlang girls, nacurious naman kami kaya nilapitan namin ang kumpulan.
" Guys, tara na, lapitan natin kung ano ang pinagkukumpulan nila." saad ko
Nagtungo naman kami sa gawing iyon at habang palapit ng palapit ay naghaharumentado ang puso ko. Hindi ko alam, pero may kutob ako na sina Daryl ang pinagkukumpulan.
Narinig namin ang boses ng isang pigura na familiar sa akin. " Girls, please move away, I'm not interested." madiing sambit niya
" Please, we don't want to be late sa try out namin, umalis na kayo sa dadaanan namin." may boses pa ang nagsalita
" Ang gwapo niyo, puwede ba makuha ang numero ninyo?" saad ni malanding uod
Lumingon lingon ang mga lalaki at nakita nila kami. Napamulagat pa ang mga ito marahil sa gulat.
" We're sorry girls, pero hindi namin puwede ibigay ang numero namin. We're taken by the way." basag ni Kurt sa mga babae
Napa aww naman ang mga ito. " Kahit na, hindi niyo pa naman asawa." malanding uod
Lumapit na ako dahil nagising na naman ang pagiging amazona ko. Alam kong naiinis na din ang mga kasama ko.
" Hey, pangarap niyo maging boyfriend?" sabi ko sa girls at itinuro si Daryl.
Umiling si Daryl sa akin na para bang sinasabi na huwag magpatuloy.
" Yes! At hindi naman kayo ang girlfriend ng mga lalaking ito ano?" aba! Bobo ba siya?
Nagsalita si Rizza, naku isa pang maldita ito, eh. " Would you like to hambalos your mukha sa wall?"
" Sino ka naman? Stop being conyo, ewww." nandidiri nitong sabi. Nagtagis ang mga bagang ni Rizza kaya't nasagot niya ito.
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
JugendliteraturAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...